Andrea's POV
Hindi ako makatulog. Ugh. Bakit?
Past midnight na pero heto ako ngayon, nakatitig lang sa ceiling ng kwarto ko. Ano kayang fun gawin sa oras na to?
If nandito pa sana si Sab, kahit mga ganitong oras magpapasama ako sa kanyang manggala. Go lang kasi yung ng go. Tsk. Sad to say wala na sila dito. Sab kasi eh. Aalis na nga lang hindi pa nang iwan ng pang communicate sakanila.
Tingnan niyo tuloy, hindi ko man lang masabi sabi sa kanya na nililiko lang pala siya nung Rafi na yun!
Well? Nakita ko nung nasa restaurant kami eh naka uniform pa siya. Means, taga dun siya sa school ko. Eh Drei sino bang kumontra ha?
Mas lalo lang pinatunayan sakin ng love na maging bitter ako.
Wala pa naman akong nagiging boyfriend eh ganito na ako. In born nga talaga siguro.
"Ms Divina!" hmm? may tumatawag ba sakin?
"Andrea Divina!" minulat ko ang mga mata ko tsaka umupo ng maayos.
May chalk na hinagis sa kin. Buti na lang nakailag ako. Phew.
"At bakit ka na naman natutulog sa klase ko??!" oops. Nandito nga pala akong classroom na nagtuturo si mam na habang ako natutulog. Lahat ng kaklase ko nakatingin sa napakagandang nilalang sa mundo. Na kasalukuyang pinagpagalitan.
Hindi kasi ako natulog magadamag.
Insomnia sucks.
"Last warning na to Ms Divina. Kung ayaw mong ma suspend you better follow school rules and regulations. At saka, paulit ulit ko nang sinasabi sayo at sa lahat ng students na hindi ito bahay niyo na pwede nyo lang tulugan. School po to." ay ang haba ng speech ni Mam ah! Konti na lang magiging SONA na yun. Haha
"Get out."
Tsk. Pumunta na lang muna akong well. Tambay nalang muna ako dun kesa naman tutunganga lang. 3:30 pa lang naman. Another 30 min. pa tapos uwian na. Tsaka wala pang masyadong tao dito.
Habang nakaupo ako dun sa isang bench, may biglang tumunog.
Hala? Ano yun? Isa isa nang tumayo mga balahibo ko. >_<
Nung tinititigan ko yung well, may kamay na biglang lumabas. Waaaaaaahh! Someone help! T^T
Don't tell me, kagaya to sa mga movies na may babaeng nakaputi na lalabas sa well? Sige tingin ka pa Horror Drei!
Imbis na tatakbo ang gagawin ko, na stiff ako sa kinauupuan ko. Anebeyen!
Pinikit ko na lang mata ko.
"Psst!" may tumawag? Huhu.
"Psst!" Magkunwari ka lang na wala kang narinig Drei! Wala lang yan! Wag mung pansinin!
"Huy!" Isa isa kong minulat mga mata ko.
"Tulungan mo ko dito!"
Ayoko siyang tingnan! Baka ano pang makita ko at hindi pa ako makatulog ULIT mamaya.
"Hindi ako multo or something na inaakala mo! Tao ako, tulong please!" natatakot parin ako eh. Pero san ba ang pagkabrave ko kung mawawala lang dahil sa takot ko? Pero.. haiys sige na nga.
Lumapit ako sa balon ng dahan dahan. Kaya mo to Drei. Wooh! Aja!
Dahan dahan kong hinila yung kamay niya. Pero muntik ko na ulit bitawan dahil nga sa takot kong to.
Nung tuluyan ko na siyang nahila. Natumba kami pareho kasi ang bigat niya. Siya sa itaas ko. And take note lalaki siya.
Nagkatitigan kami sandali mga 10 seconds tsaka ako tumayo.
Ian's POV
Nandito ako sa garden ng school. I'm just taking photo's. Isa kasi sa mga hobbies ko ang photography. Mas maganda pag wala pang masyadong tao dito. Ang fresh pa ng air kahit marami ng polusyon. Kung 100% mga nasa half pa yung kalinisan.
Hindi na nagpaparamdam si Sab ah. Parang may weird feeling ako. Hwag naman sana. Click dito click dun. Hanggang may nakita akong isang hindi ka aya ayang scene. Isang guy at girl malapit dunsa balon. Si guy nasa taas ni girl. What a view. Dito pa nila talag ginawa yun? Tsk tsk tsk.
Kung ganito na kalalandi yung mga kabataan, ano nalang kaya sa mga susunod na generations?
Makunan nga. *click*
Andrea's POV
Agad kaming tumayo. Mahiya nga siya. Buti nalang walang nakakita ng scene na yun. Baka ano pang isipin. I'm very careful in every actions that I'm doing. Ayokong ma eskandalo. Well, sino ba namang may gusto? Haha.
"Salamat ah." sabi ni guy pagkatayo niya.
"Teka. Ba't ka ba nandun? Anong trip mo at pumasok pasok ka dyan sa balon? Nang abala ka pa." sabi ko na may halong pagka inis.
"First, nandun ako dahil nahulog kasi ballpen ko. Second, wala naman akong trip. Lastly, sorry kung naabala ka pa." ganon? kailangan talaga magbuwisbuhay para lang makuha yung ballpen nya? Aba matinde! Mas lalo nadagdagan ang inis ko.
"Dyos ko po! Kung ballpen lang naman pala ang dahilan ng pagkawala ng buhay mo edi bibilhan kita nang napakaraming ballpen para naman hindi ka mamatay at baka sabihin pa nila na ako ang dahilan non." sabi ko nang namemewang. May topak siguro to sa ulo noh?
"Yung ballpen, bigay ng nanay ko bago pa siya namatay." oops. "Kaya bawal ko yun iwan basta basta. Sentimental kasi yun." ahh. Know I know.
Sorry naman kung panay lang paharurot bibig ko. Eh sino ba namang hindi magkakaganon eh muntik na siyang mahulog. Tanga lang hindi iimik.
"Vans by the way. Vans Ramos." tapos sabay abot ng kamay niya.
May kasalanan din naman ako sa taong to kaya nakipag shake hands nalang din ako. "Andrea Divina."
"I know, fan mo kasi ako." ayy overwhelmed naman ako masyado. haha
"Talaga? Thanks." hindi panga ako artista, may fan na. Pano pa kaya pag nagkaganon? Haha.
"Uy una na ako. Nag bell na kasi. Salamat ng marami ah." at yun. Nagpaalam na siya sakin.
Sana wala nang susunod na papasok jan sa balon. Baka may kung anong something na naman jan.
Makabalik na nga lang ng room. Pero dadaan muna ako sa C.r. Tinatawag ako ng kalikasan the easy way. Means na iihi lang hindi mag... xD
Nagulat ako ng may biglang humila sa kamay ko. Na ikinagulat ko naman kung sino.
Si Ian slash Rafi.
Sisigaw na sana ako kaso hinarangan niya ng kamay niya yung bibig ko Tapos napasandal ako sa pader. Rape! Kinabahan ako bigla.
"Ssh. Hwag ka ngang maingay babae ka." sabi niya.
Tumango lang ako para lang talaga bitiwan na niya ako. At ang pangit pa ng position namin dito. Mahiya nga siya.
Kinulikut niya yung DSLR niya na camera. Ano meron?
May ipinakita siya sakin.
My reaction was like (0.0) ---> (>_<)
Yung picture eh yung kanina. Yung nakapatong sa akin si Vans. Waaaaaaahh! I can die now.
A/N--
hello readers! :) Thankyou sa pagbabasa! May continuation pa to xD pinutol ko lang. xD hehe
~Chasingparis29
BINABASA MO ANG
Inlove ang Bitter
Teen FictionBitter they say. Hindi naman talaga kaylangan ng tao ng love diba? na sa puntong wala ng matira sakanya, iiyak na lang siya sa sulok at kikimkimin ang sakit. But what if one day mawala bigla ang belief ko, being bitter in love? And realized na magi...