Andrea's POV
Mabuti nalang 3 days lang ako sa bahay. Naglilinis. Si Dad kasi. Psh. Natuto din naman ako ng konte. Katulad ng panghuhugas ng pinggan, pagwawalis ( simple lang to pero para sakin first time), paglaba, etc. Kaya naman pinakiusapan ko si Dad na papasok na ko ng school. Eh ang hirap ng ganong buhay, na nasa bahay ka lang. :3
I salute those who can do such things.
Dispiras na pala ng pasko. Ang bilis lang ng panahon ah! Parang kahapon lang summer, de joke lang!
Ang lamig na ng panahon. Mas gusto ko to kesa sa summer. Palagi kasi akong nakararanas ng init, pag tuwing may laro kaming volleyball.
I hate you Mr. Sun!
Di. Joke lang yun. Haha
As always. May salo-salo dito sa bahay namin. Meron mga pinsan ko, tita at tito. Basta mga relatives ko. Minsan nga lang kami nagtitipon tipon, tsaka minsan lang din nandito sila mommy.
"Ate Dre, laro tayo!" sabi sakin ng pinsan kong si Tina.
7 years old palang siya. Pero mas may utak pa siya sakin. Haha. Di naman sa dinadown ko yung sarili ko pero totoo naman, siguro?
"Sige Baby Tina." tapos nilapitan ko siya.
"Ayoko nga pong magpatawag ng baby eh!" pagmamaktol niya.
Nakakatuwa talaga siya.
"Okay, okay. Sige, Ate Tina."
"Sounds perfect!"
So yun. Naglaro kami ng puzzles. Mahina pa naman ako dun. Mas nauuna pa nga siya makatapos kesa sakin.
"Talo kapa ng bata Dre ah." Napalingon ako kung sinong nagsalita.
"Goosh! I missed you a lot!" sabi ko kay Sabrina.
Kung may tinuturing akong pinaka best na pinsan, friend, lokaret, ka kulitan etc. Siya yun.
"Haha, nakakatuwa talaga expression mo kahit kaylan."
Mas mataas pa siya sakin, mga 0.5 inch. Haha
Hinila ko siya sa kwarto ko. Para makapag usap kami ng private.
"Huy Sab? Musta kana? Anong estado mo ngayon? Progresso?" bungat na mga tanong ko sakanya.
"Ay, interrogate agad?"
"Sige na nga!" pangungulit ko sakanya.
"Fine. Okay naman ako, may inaasikaso, tapos the same lang naman. Walang lovelife." Tapos bumuntong hininga siya.
"Ano kaba! Samahan mo nga ako na walang lovelife! Ang saya kaya nun! Single for life!" tapos tumawa kaming dalawa.
May kinuha siya sa bag niya. "Ay siya nga pala, ibibenta ko sana yung Cellphone ko."
"Ha? ibebenta mo sakin? Bakit?"
"Hinde.Hinde. Dyan sa katabi ko ibebenta." sarxastic niya sagot.
"Sarcastic." sagot ko sakanya.
"Bitter." sabi naman niya sakin.
Tapos tumawa kami ulit. Para na nga kaming mga baliw dito oh.
So yun, maganda pa naman siya eh. Iphone 5 C.
"Akin nalang to! Wala akong pera eh!"
"Nope! Bayaran mo yan." aish. Konting puppy eyes nito, ibibigay nya nato sakin. I bet.
"Pretty please??" tapos sabay puppy eyes. Oh diba!
"Ano pa nga bang magagawa ko? Sige fine."
"Yun oh! Thanks beshieee!" tapos sabay hug sakanya.
"Teka, bakit mo nga pala to binebenta?" hindi siya makatingin sakin.
"Ano, tawag na tayo dun sa labas.Lika na!" tapos hinila nya ako.
Weird naman ni Sab. Di naman siya ganon dati eh.
So yun. Kumain na ang lahat, tapos nag exchange gift na sila. Kahit 11:45 palang. Pero choks na yun!
Ang natanggap ko eh wrist watch na timex. Tapos sling bag na secosana. Okay na yun kesa wala.
Ang pinakamalaking nakakuha ng regalo eh si Tina. Walang kahirap hirap niyang nakuha yung regalo.
Mga 2 am na rin. Pagkatapos nung exchange gift namin. Umuwi na rin sila. Ang lungkot nga eh.
Nandito na ako sa room. Di ako makatulog. Kahit anong pikit ng mata ko.
Err.
Nagpamusic nalang ako. Ano bayan! Wa epek parin. -.-'
4:30 na di parin ako nakakatulog.
Pssh. Makapag jogging na nga lang.
Habang nag jo jogging ako, di ko namalayan na naiwan ko pala phone ko, tas yung kay sab nadala ko.
Umupo muna ako sandali sa isang bench don sa subdivision.
4 new messages?
So, hindi pala tinanggal ni Sab ang sim nito?
From: Rafi
Babe, miss na kita. <3
Bumalik ka na sakin. Please.
Mamamatay ako pag wala ka.
I love you always Sab. My baby.
Yan yung mga nakasulat sa inbox. Baka ito yung boyfriend ni Sab? Yung Ex? Aish! Napakarami na kasing boyfriend ng babaeng to! Nalilito tuloy ako.
Di bale, isasauli ko nalang to bukas.
--AN--
Cut muna dito guys! Mag sstudy pako. Exams eh xD Pa vote tsaka Comment narin po! :) thankyou!
~~ Chasingparis29
BINABASA MO ANG
Inlove ang Bitter
Teen FictionBitter they say. Hindi naman talaga kaylangan ng tao ng love diba? na sa puntong wala ng matira sakanya, iiyak na lang siya sa sulok at kikimkimin ang sakit. But what if one day mawala bigla ang belief ko, being bitter in love? And realized na magi...