Bitter 6

24 2 0
                                    

Andrea's POV

Ding dong. By the way, nandito ako sa harap ng bahay nila Sab.

Isasauli ko lang tung sim niya. Hindi niya siguro natanggal bago niya ibinigay sakin. Tapos may itatanong din ako dito sa babaeng 'to.

May nagbukas ng gate.

"Manang. Nandyan po ba si Sab?" tanong ko kay yaya Cute. Matagal nato dito naninilbihan kina Sab eh.  At hindi ako nagbibiro. Cute talaga pangalan niya.As in capital C-U-T-E.  Nagulat nga din ako dati eh.

"Ikaw pala yan Ma'am! Hindi ba sinabi sa inyo ni Ma'am Sab?"  ang ano ?

"Ang ano po manang?" ay aba! May nililihim na pala tong babaeng to sakin ah! Unfair naman niya.

"Kasi Ma'am, wala na sila dito ngayon." unfair nga siya.

"Ano po?!" gulat na gulat kong sagot.  Bakit di niya sinabi sakin kahapon?

Diba bestfriends kami? Pero bakit ito nilihim niya? Yung pag alis nila?

"San po sila nagpunta?"

"Hindi po pinasabi eh. Pero ang alam ko lang po eh sa ibang bansa." 

Sab naman eh! Napaka daya! Iniwan na niya ako.

Oa ko naman. Parang di na babalik.

Pero my pusibilidad din naman! Ugh! Shoo, negative thoughts!

*School*

"Uy, Hi Dre!" Bati sakin ni fake bestfriend.

Si Camille. Sino pa nga ba?

Kung kayang niyang maging fake. Ako kaya ko maging plastic. Just for her sake.

Nginitian ko lang siya.

"Para yatang may problema ka ngayon? Share mo naman!"  oo. meron nga! ikaw! fake!

"Wala to." tapos binaling ko nalang atensyon ko sa lunch ko.

"Sige na! Ano? Love life?" pano ko poproblemahin yan? Eh wala pa nga ako sa ganyang stage eh! gaga!

"Wala nga sabi!" tapos paglingon ko, eksaktong natapunan ko ng pintura na color red. Yung hawak hawak niya.

Ugh! Pahamak!

"Oops. sorry. Di sinasadya." tapos sabay walk out.

Kitang-kita ng dalawang mata ko na sinadya niya yun! Tapos sasabihin lang niyang hindi sinasadya? Pssh. At take note, siya yung nagkasala pero hindi niya man lang ako tutulungan na ayusin tong palda ko na nalagyan ng pintura! Kapal!

At worst. Sa may harapan ko pa ang nalagyan. Para tuloy akong may period! Pero okay lang yun, sa harap naman eh, di sa likod.

Lumabas akong classroom. Habang naglalakad akong corridor, pinagtitinginan ako ng mga tao. Ano ba naman! 

"May stain! Ewwee."

"Yuck, hindi ba siya prepared?"

Ay aba! Kung mag bubulungan lang naman, hwag yung naririnig ko pa ng klaro.

Nilapitan ko sila. "Excuse me?" paunang bati ko sakanila. Humanda kayo.

Bigla silang nataranta nung nakita nila ako sa harap nila.

"Anong problema nyo sakin?" tanong ko ng nakangiti.

"Can't you see? May stain ka girl!" Sabi nung babaeng mahaba ang buhok na panget. Pahabol "yuck" pa.

"I can see it of course. May dalawa ba akong makikitang panget dito ngayon kung hindi ako nakakakita?"

"Excuse me?!" Nag uusok na yung ilong nito ni small hair with an ugly face oh.

"Bingi kaba? Sabi ko, dalawang panget. Ikaw at ikaw." turo ko sakanilang dalawa.

"How dare you!" Akmang sasampalin na sana ako ni long hair kaya lang mas nauna akong sumampal sa mukha niya.

"Next time, tingnan nyo muna kung sinong makakabangga nyo. And sayang naman kung madudungisan tong pagmumukha ko ng kamay mo diba? Kaya inunahan kita, panget." sabay walk out. Pagkatapos ng eksenang yun hindi na ako pinagbubulungan ng mga chismosang frog dito.

*Cr*

"Gusto talaga niyang maging magaling sa paging fake ah." sinasabi ko yun habang nilalagyan ng tubig yung palda ko.

"Aha!" napasigaw ako bigla.

I have a brilliant plan *evil grin*

Hinubad ko yung palda ko, tas nag cycling shorts lang ako. Tapos hinubad ko naman ang blouse ko.

Ngek. Parang naglalaro lang ako ng volleyball kahit wala naman kaming practice ngayon. Ay bahala na!

Paglabas ko ng C.r napatingin ako sa mga naghihiyawan.

Mga babae.

Mga babaeng naghihiyawan sa harap ng buong soccer team. Ay tama, may free autograph pala sila ngayon dito. Makapunta nga.

Ang taas ng pila, kala mo daig pa ang artista kung magpa autograph :3

Nung ako na, hinampas ko yung papel sa table nila.

"Easy ka lang Miss beautiful!" Sabi sakin ni Dexter. Ang goal keeper ng soccer team.

"Ang yayabang nyo ah! Kala nyo kung sino kayo, anong pinag yayabang nyo? Ang kagwapuhan nyo?" Ngayon pinagtitinginan na ako ng mga fan girls nila. Im acting weird? Who cares! Matagal na akong nagtitimpi dito sa mga to eh! "Sus! Ang hahangin din eh!"

May biglang sumulpot sa grupo nila. "Anong problema mo miss? Inaano kaba namin?" ang gwapo niya. Parang familiar yung mukha niya.

Part kaya siya ng soccer team? Di naman siguro. Naka school uniform siya eh. Hindi naka soccer uniform.

"Sino kaba? Wag ka ngang joiners. Hindi naman ikaw yun kinakausap ko eh! Shoo!" patabuy ko sakanya.

"Ian Rafael Hernandez, new captain and anak ng may ari ng school. At ikaw?" eh?

Ano pabang sasabihin ko? speechless ang aketch :3 bobo nga.

"Next time kung may reklamo ka sa team ko, ako ang harapin mo. Di susugod sugod di naman pala kaya. Tsk."  Ang sarap patulan ng mokong! Kung hindi lang sana siya anak ng may ari kanina ko pato nasuntok. .

Inlove ang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon