Andrea's POV
I arrived 4:40.
Pagpasok ko, nilingon lingon ko muna ang ulo ko para hanapin kung san siya banda. Hmm. No sign of him. Tama nga naman. 5 yung usapan e magqua quarter to 5 palang.
Maupo na nga lang muna.
Teka? Hindi ko pa siya nakikita eh. Ever since I was born. Rafi? Pano to? Alangan namang huhulain ko pa kung sino siya.
5:00 pm now to be exact. Umupo ako dun kung saan mabilis ko lang makikita yung main door nila sa restaurant. Para naman makita ko kung sino ang papasok.
"Can I get your order ma'am?" tanong ni kuya waiter.
"Umm tubig lang po muna, may hinihintay pa kasi ako eh."
Naubos ko na yung isang baso ng tubig kakahintay. San na ba yun? Kung nandito na siya kanina pa e di sana nag text man lang siya.
Arrives one man.
Hmm. Mukhang hindi naman siya to. May pagka chinito tas maputi, tapos naka suit pa. Hindi nga yata.
May dumating na namang isa.
Laking gulat ko kung sino yung dumating. Si soccer player? Ano nga bang pangalan nya? Eto yung nakabangga ko nung nakaraang araw ah.
Hindi naman yata papatol si Sab sa mga ganitong klaseng lalaki.
Umupo siya sa likuran ng upuan ko. Bale next table after mine.
*Beep*
May nag text.
From: Rafi
Babe. San ka na? Nandito na ako.
Shoot. Siya nga yata.
Pano ko ba siya e a approach? Ugh.
Huminga akong malalim at akmang tatayo nang may babaeng lumapit sakanya.
Maganda yung girl tsaka maputi, makinis ang balat, di masyadong matangkad tapos parang head over heels ang confidence.
Napagdesisyunan kong magstay muna para pagkatapos nilang mag usap dun ko na siya e a approach.
"Rafi." tawag nung babae sakanya. So siya nga talaga si Rafi.
"Lucy?Anong ginagawa mo dito?!" parang natatarantang sagot ni Rafi.
Sino naman tong Lucy na to?Hindi ko man nililingon ulo ko sa kanila alam kong parang may something something dito.
"Rafi I still love you." Nagulat ako sa sinabi ni Lucy.
"What? Alam mong wala ng tayo. Kaya please leave me alone!"
So may past sila ganon? Tapos tung si girl di pa makalimutan si boy tsaka si boy matapos maging sila eh palalayuin si girl. How perfect. Gaya ng mga romantic movies ang corney.
Nag smirk si Lucy. "Sino yang bago? Yang Sabrina na yan?! Hwag mo naman sanang kalimutan na may pinagsamahan tayo! 3 years! 3 years na masaya tayong nagsasama tapos sisirain mo lang dahil nag pustahan kayo ng mga kaibigan mo? Oh come on!"
Ano?! Pustahan?! Yan na nga ba sinasabi ko! Wala talagang matinong lalaki pagdating sa pag-ibig!
Alam na kaya to ni Sab? I have to contact her as soon as possible. Kailangan niya tong malaman.
Pagkatapos ko yung marinig. Umalis na ako dun. I've already heard enough.
BINABASA MO ANG
Inlove ang Bitter
Teen FictionBitter they say. Hindi naman talaga kaylangan ng tao ng love diba? na sa puntong wala ng matira sakanya, iiyak na lang siya sa sulok at kikimkimin ang sakit. But what if one day mawala bigla ang belief ko, being bitter in love? And realized na magi...