Sonata 8: Ground Zero

25 1 0
                                    

“Nakalimutan mo na bang gumamit ng concealer?”

“Hindi natural yan ngayon?”

“Ano bang pinag gagawa mo kagabi hah. Nag concert ka naman siguro sa kwarto mo may kinakabisado ka na namang kanta noh?!”

“Maganda sana kung yun nga ang dahilan Ate Pen pero hindi eh…nananaginip ako masamang masama. Di ko alam kung horror bang matatawag ‘yun.”

“Hindi ka kumain ng dinner noh kaya yan yung angel mo nangapitbahay at naghanap ng pagkain tapos nakakita siya ng kaldero binuksan niya yun at pumasok sa loob tapos hindi na nakalabas nakulong. Ikaw kasi diet ka ng diet. Ang pangit pangit mo ngayon!”

“Talaga?! Magsarado muna tayo ng library hindi pwedeng humarap ako sa mga users na ganito ang itsura ko. Baka biglang kumunti yung mga followers ko sa tweeter at instagram account ko. Di pwede ‘yun.”

“Kaya nga ayos ayusin mo yang pag mumukha mo noh!”

“Inaantok talaga ako wwwaaaahhhh..”

Eh paano naman kasi hindi ako makatulog kagabi baka naman kasi bigla siyang kumatok sa bahay tapos pagbubuksan ko siya siyempre tapos ra rat ratan ratan niya ako wala na goodbye Serille na ang beauty ko. Halos italukbong ko na yung kumot ko sa sobrang takot ba’t ko pa ba naman kasi tinawagan yun nanahimik na ako eh ito naman kasing konsensiya ko ang kulit kulit!

Ayun wala akong choice kung hindi eh conceal ang dapat itago pero wala talaga ako sa mood mag ayos. Wala rin akong ganang mag trabaho kaya ito ang ginawa ko nag plants vs. zombies na lang ako bagay na bagay sa kung ano ako ngayon hahahahha.

1 2 3…Ting! Ting! Aaaahh..naku kailangan ko na talagang magpa gasolina ng kape inaantok na talaga ako

But na lang at may coffee vending machine na sa baba pwedeng pwede na akong makapag kape sa halagang 5 pesos oh diba sulit na sulit.

“Hi! Tin!”

“Good Morning, Ate Lynn. Anong meron at napadpad ka sa building ko.”

“Aba kung maka “building ko” eh ikaw itong nagpatayo aaahhh…”

“Building ko ‘to yung sa’yo ayun oh!”

“Anyareh sa mukha ang pangit mo ata ngayon.”

“Ngayon lang mamaya maganda na ako pag naka inom na ako ng kape!”

“Wow! So kailan mo pa naging beauty antidote ang kape!”

“Ngayon lang.

“Grabeh ka anong klaseng milagro kasi pinag gagawa mo kagabi hah”

“Huwag mo nang itanong”

Dug…Dug..Dug..

a 21 year old sonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon