Sonata 5: What If

31 1 0
                                    

Anong klaseng LOVE DAY ito hah…

Ba’t ganun ang daya, LONELY ako!

Marami namang SINGLE dito hah pero ako lang ata yung walang ka partner.

Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan oh FC na FC na nga ako kay kupido eh.

Hhhhyyy…nakaka inggit naman sila. Tingnan mo oh holding hands ang peg while yung ulo ng girl naka sandal sa shoulder ng guy habang naglalakad.

Yung isa naman piggy ride back aaahhh gusto ko rin nun.

Yung isa aba dinaig pa ang kinasal. Nakaka frustrate tuloy.

Nasa isang café lang naman ako pinaglalaruan yung inorder kung kape. Sino namang gagganahang mag chill diba kung ang mga nakapalibot sa’yo eh sing tatamis ng mga bubuyog bet na bet talaga yan ni Winnie the Pooh.

Oh! Goddess of Love. Ano po ba ang nagawa kong kasalanan. Mabait naman po ako at super ganda aaahhh…

Kung itatanong niyo kung ano ang facial expression ng pagmumukha ko ngayon well e imagine niyo naka cute duck face ako ngayon na nakapalumbaba at naka tingin no where.

“Nakakalungkot naman wala man lang akong kasama. Ang unfair talaga yung mga kaibigan ko ayun sa mga lover boys nila samantala ako ano ito ka date ko ang isang malamig at unlimited na kape!”

“AaaaaAaahhhmmm… Excuse Me.”

Slow Motion akong tumingin sa nag tanong. Bagsak Panga! Mga bakla! Ang gwapo my  ghee..Tsug! Tsug! Oh My Ghee relax ka lang huwag kang masyadong magpapahalata na isa ka nang desperada.

“Yes.” kemi kong sagot pero deep inside kilig much this is it!

“May kasama ka ba?”

“Aaaahh..wala..” aaaaahhhhhhh >////<

“Pwedeng maki share occupied na kasi lahat ng sits.”

“Yeah, sure okay lang patapos na din kasi ako hehe.” Naku pigilan mo ko dali dali!

“Take your time. I’m sorry if I interrupted you mukha kasing malalim yung iniisip mo kanina.”

So ibig sabihin pinagmamasdan niya ako sa malayo. Teka masyado bang halata? Sabihin niyo nga?

“Aaahhh..Yun ba. Wala. Chi Chill lang. Pa relax relax ng kunti. “

“Para kasing dinadamdam mo yung holiday ngayon. Single ka noh? Hindi ka pa nagkaka boyfriend tama ba?”

Wwwoooaaahhh…Teka pare straight to the point naman tayo pwedeng hinay hinay lang huwag mo akong masyadong biglain mashakit eh!

“Hahahhah..patawa ka…naku every day is a Love Day naman hindi na ‘to special na occasion para sa akin. Araw araw ko namang nafe feel yung love galing sa boyfriend ko. Minsan nga nakakasawa na pero hahanap hanapin mo pa rin kasi ganiyan ang pag ibig mala Coco Martin, Yummy…!.” Hindi ako pwedeng mag mukhang kawawa noh! Loko ‘tong lalaking ‘to aahhh may sayad ata sa ulo eh. Malala na.

“Ikaw naman masyado kang offensive. Hahahahah sabagay wala namang special sa araw na ito parang birthday mo lang hindi mo mapapansin na tapos na diba.”

“Alam mo tama ka kaya hindi dapat tayo mainggit sa mga nag chu chuvachuchu diyan kasi sobra sobra na yung nare receive nating LOVE galing sa mga taong nagmamahal sa atin. Sa tingin ko yung  focus ng occasion na ‘to ay hindi lang dapat sa may mga ka relasyon e express rin dapat natin sa mga taong mas importante pa sa buhay natin diba. Mas worth it silang pag bigyan ng ganoong attention.”

“Aaaahhh..kaya ba hindi mo kasama yung boyfriend mo ngayon?”

“Actually kasi hindi ko naman alam na LOVE DAY dito sa Ubec. Binisita ko lang naman yung mga bestfriends ko susurpesahin ko sana kaso ako ata ang sinurprise nila kaya ayun sine celebrate ko na lang mag isa. Wala kasi dito ngayon yung boyfriend ko nasa Serille eh.”

a 21 year old sonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon