Sonata 3: WishList: Blind Date

27 1 0
                                    

Ayokong ma late sa una kong date. Aba todo preparations talaga at syempre with the help of Kristine’s Super Friends. Maganda na nga ako mas lalo pa akong gumanda ngayon. Feeling ko lahat nang mga guys naglalaway habang with poise akong naglalakad syempre taas noo ang peg hindi bagay sa akin ang yumuko. Very proud lang naman ako sa napaka artistic na anyo nang aking mukha. Made in heaven. Amen.

Wala pang 6:30 nasa venue na ako. Pinagpapawisan ata tong mga palad ko hindi naman ako pasmado hah. Relax ka lang Kristine huwag kang magpapahalata na first time mong makipag date huwag kang maging ignorante.

Papalapit pa lang ako doon sa cashier o kung baga sa library information desk ewan anong tawag dun ay may lumapit na sa aking lalaki sa suot pa lang niya eh waiter siya dito.

“Good Evening. Welcome to Eli Restaurant. Kayo po ba si Ms. Kristine Tamala. This way po nasa VIP room na po si Sir Michael.”

Hah?! Sino daw Michael. M I C H A E L ang pangalan niya oh common mamon. Teka bigla atang sumakit yung tiyan ko pwedeng mag CR nyemas naman oh ang OA.

“aahh…okay.” Kuya Waiter baka pwedeng mag CR po muna ako ma check ko lang kung okay pa po yung maganda kong mukha.

Tsug! Tsug! Tsug! Tsug! Nahihilo ata ako naku kuya hatakin niyo na lang ako. Hindi ko na nafe feel yung mga buto at ugat ko sa katawan. Ito ba talaga yung feeling na first time mag date at sa hindi mo pa talaga nakilala.

Dinala ako ng waiter sa very exclusive at VIP room nila. SOSYAL. At bigla na lang nag shimmering at splending ang aking mga mata. Oh My Ghee totoo nga nag e exist pa talaga sa mundo ang katulad ni Michael Jiang. Spell NGA NGA. Teka mai check ko kung my tumulo na laway nakakahiya >///<

Bago pa man kami makalapit eh may binulong muna ako sa waiter.

“Kuya! Hindi niyo naman siguro ela lock yung pinto diba? Pwedeng makahingi ng duplicate key atsaka samahan niyo na rin nang pwedeng mai hampas kung sakaling may masamang mangyari.” Naku mabuti nang maging handa noh! Hindi ko pa kayang isuko ang Bataan.

Nag nod na lang siya. Ano yun susundin niya o gagawin niya? Ang gulo diba. At iniwan niya ako at dahil sa na wash out lahat nang pinag aralan at minemorize ko about dating kaya ayun para akong estatwa sa kinatatayuan ko. Hello! Ikaw ba namang may ka date na super duper gwapo at dream guy mo pa hindi ka ba something mae speechless.

“Aaahh..Hi! I’m Michael Jung! And you’re Kristine. Right?” Magka tunog talaga ano ba to chinese, koreano o hapon. Ano ba e extend ko ba yung hand ko. Ay bahala na nga paki batukan niyo na lang ako kung magkamali man ako hah (^/\^)

“Oh! Hi! I’m Kristine Tamala. Nice to meet you Michael.” At yun nga inextend ko yung kamay shake hands kami hahahah friendly gesture. Oh My Ghee nahiya naman ako sa kamay niya ang lambot!

“Tara! Let’s sit. Ang pangit namang tingan kong nakatayo lang tayo all the time.” Aaaahhh ang sweet >///< oo nga naman teka kailangan ko bang antayin siyang ipaghila niya ako ng upuan o ako na mismo ang gagawa.

“Let me help you. Oh Ayan.” Ano ba nakakainis hoy! mga brain cells magsi trabaho nga kayo. Pag ito pumalpak magha hunger strike ako sige kayo!

a 21 year old sonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon