Sonata 7: The brown leather case curse

29 1 0
                                    

Sa buhay hindi maiiwasang makaramdam ka ng katamaran. Kahit na sa sobrang dedicated ka sa trabaho at very committed may time na gusto mong ayaw munang pumasok hindi dahil sa nawalan ka ng gana o kung ano mang personal na dahilan kung hindi wala trip mo lang talaga na ayaw pumasok. Sigurado naman akong na feel niyo ‘yan. Basta bigla akong tinamad maransan ko lang yung buhay tambay. Late kang gigiseng. Pakain kain ng kunti dahil di pwedeng masira yang pagiging size 26 mo dapat maintain. Bulagin ang sarili sa panonood ng TV na walang permanenteng channel na mismo ikaw mahihilo sa gusto mong mga panoorin. Pa GM GM, FB FB, tweet tweet dito, selfie doon, tumbling dito at pakanta kanta sa lahat ng sulok ng iyong kwarto.

Oo…nagkulong ako sa kwarto ng dalawang araw. Pina soundproof ko lang naman ito. Kaya magagawa ko ang mga gusto kong gawin. Sa buhay kailangan mo ring mag enjoy di puro trabaho lalo na’t nagmamahal ang mga beauty maintenances.

Hhhyy..sarap mag buhay TAMBAY na may assurance kang makukuha. Hindi ka mamumulubi kahit na isang linggo kang hindi pumasok.

Knock! Knock!

Sa ngayon hindi pa high tech ang kwarto ko kaya wala pa akong doorbell o yang basta yung latest technology na pwedeng e open sesame e imagine niyo na lang.

“Ano ‘yun?”

“Ati! May sulat pong dumating?” Si Ica, matagal na naming kasama sa bahay siya yung nagbabantay sa mga bunso sa school.

“Sulat? Oh My Ghee..loveletter ba teka sinong nag abot sa’yo? Gwapo ba?”

“Naka rid pu mula ulo hanggang paa tapus rid din po yung motor. Tapos CBL po yung nakalagay sa parang box sa likod”

“Oh My Ghee..Love is in the highway!havey ang outfit! Thank You hah.”

Niyakap ko nang bongang bongga yung letter na natanggap ko. Sa sobrang kilig eh nagtatalon talon ako sa kama at kumakanta nang “here comes the bride all dress in pink!” Oo alam kong OA ang reaction ko pero first time, first time ‘to na may nag bigay sa akin ng isang loveletter sa di ko man lang kilalang tao. Kkyyyaaahhh.. Ibig sabihin may stalker ako! AAaaaaAaaahhh ang GANDA GANDA ko talaga.

Bigla akong napasimangot nang makita ko yung recipient ng letter

Mga Book Price List lang pala. Naku ang sarap pagpupunit punitin wwwaaaaahhhhh… Nakakainis kaya nga hindi ako pumasok kasi gusto kong magpakalayo layo kahit sandali sa mga paper works tapos ano ba bahay ko ‘to!

“Aaaaahhhh…Lecheng Life ‘to! Ano ba!” Ang sarap umiyak promise hindi sa disappointed ako kasi akala ko loveletter pero bored na bored na talaga ako sa buhay ko wala man lang ka thrill thrill. Walang bang bang bang yung pang action movie ang effect.

“Himala Ate lumabas ka sa lungga mo. Sinong pinagluluksa mo hah? Kung mag emote ka eh daig mo pa yung na broken hearted eh wala ka namang boyfriend!” Salamat VJ sa support hah. Grabeh sige i push mo pa yang pagiging single ko!

“Oo nga eh hindi pa nga naligo kaya pala ang baho!”

a 21 year old sonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon