Sonata 15 How do you deal with your broken hearted bestfriends? (Diana and Kim)

4 0 0
                                    

Nasa Retiron Café na kami ngayon at kasalukuyang hinahanap si Twin ni hindi ko man lang natanong kung saan siya naka pwesto nang may mapansin akong pink cartolina na may nakasulat na “Welcome Back Twin.” Agad naman kaming umakyat perfect yung spot na napili ni Twin very exclusive para sa mga ka dramahan namin ngayong araw.

“Twwwiiiinnnn…” bigla siyang tumayo pero umupo naman agad. “Ay oo nga pala bawal nga pala akong gumalaw. Na miss kita!” (Diana)

“Twin naiwan mo na naman ba ‘yang utak mo sa bahay niyo? Atsaka napapadalas na yang panonood mo ng koreanovela hindi bagay sa’yo ang sagwa.”

“Si Twin naman oh puso ko ang iniwan ko doon pero iligaw ko man ‘yun eh babalik at babalik pa rin kung saan siya nababagay.” (Diana)

Anong nangyari kay Twin mukhang hindi mapakali eh.

“Twin? May inaantay ka ba bukod sa amin kanina ka pa hindi mapakali sa pwesto mo.”

“Diana, huwag mong sabihin pinapunta mo dito si Jim?” (MJ)

“Oh please wala kaming energy na makipag away ngayon. Kotang kota na eh.” (Justina)

“Hindi. Kanina pa kasi ako naiihi sabi kasi ni Twin dito lang daw ako bawal daw akong umalis ni pag ihi. Sasabog na nga ‘yung pantog ko.” (Diana)

“Loka loka ka ba? Bilisan mo na baka magkalat ka pa dito naman sa susunod kasi gamitin mo yang utak mo!” (Kristine)

“Parati ko namang ginagamit ‘to pero ba’t ganun kahit puso at utak na yung pinaiiral ko fail pa rin ako.” (Diana)

“Hoy! Tama na nga yang ka dramahan mo bilisan mo pumunta ka na ng banyo.” (MJ)

“Hhhyy..ayokong makita.” (Justina)

>///<

Hello…Goodbye by Hyoryn

Hindi ko na inalam kung sino pa ‘yung caller sinagot ko na lang agad.

“Hello?”

“Kristine.”

Tsug…Tsug…Tsug…Tsug..Oh My Ghee..Oh My Ghee..Sandali..Ba’t ngayon pa wrong timing..Pinagpapawisan ako. Ba’t ba napaka defensive ko naman pwede ko namang sabihin sa kanila na friend ko o kaya naman kasama ko sa school. Paano na?

“Tina, okay ka lang ba? Sino yung tumawag?” (Justina)

“Oo nga kanina pa ‘yan? Stalker mo? BOY FRIEND mo???” (MJ)

Nakagat ko na lang yung dila ko huwag kang magsasalita. Huwag kang magsasalita maliwanag Kristine!

“Oh I guess you’re busy. We’ll hangout next time. Bye.”

a 21 year old sonataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon