Blove (2)
Pagmomove-on?
Parang pag-aaral lang iyan, marami kang matutunan sa iba't-ibang bagay kumbaga iyong mga guro, classmates at mga kaibigan mo sila iyong materyales ng pagmomove-on mo, sila iyong magtuturo sa'yo.
Iba-ibang paraan ng pagtuturo kung paano, may mga grades kung ilang porsyento ka na ba ng pagmomove-on mo at maraming proseso. Tulad lang ng pag-aaral, mahirap, nakakaiyak, nakakapagod, nakakasawa at nakakainis pero sa huli matatapos ka rin.
Lahat ng paghihirap, lahat ng pinagdaanan mo at lahat ng mga emosyong naramdaman mo mawawala lahat. Kasi tapos na.
Masaya, iyan siguro ang emosyon na mangingibabaw sa'yo kapag natapos ka. Babalikan mo na lang iyong mga panahon at oras ng proseso kung paano mo siya makalilimutan pero hinding-hindi ka na ulit makakabalik sa prosesong iyon.
Maaari namang mag-aaral ka ulit, mauulit na naman iyong proseso ng pagmomove-on mo. Ibang subject, ibang teacher, classmate at kaibigan.
Pero lagi mong tatandaan, may oras para matapos ka. May tamang panahon para makalimutan mo siya, mahaba 'man ang proseso, mahirap at masakit in the end matatapos din ang lahat.
BINABASA MO ANG
Blove
Short Story(BOOK 2 OF FACTS) Blogs about love. Para sa mga taong pilit pinapatunayan na totoong ang forever ngunit hindi pa rin mapatunayan sa kanilang mga sarili.