Blove (3)

310 16 0
                                    

Blove (3)



Nakakamiss maramdaman iyong tinatawag nilang Puppy Love, kapag naranasan mo iyan akala mo first love o true love na. Pero hindi eh, iba ang epekto ng puppy love, kapag lumipas na ang panahon nakakatawa na lang isipin.

Pero kapag naramdaman mo na iyong first love o iyong tunay na sakit sa pagmamahal kapag lumipas ang panahon nandoon pa rin iyong pakiramdam na nakakapanghinayang, iyong mga masasakit at masasayang ala-ala. May pakiramdam sa puso mo na paano kaya kung kayo pa ngayon? Paano kaya kapag hindi kayo naghiwalay? Ano na kaya ang mangyayari sa inyong dalawa? Nandoon pa rin iyong fact na sana hanggang ngayon kayo pa rin talaga.


Ibang-iba talaga ang puppy love, kung sana iyan na lang ang nararamdaman ng bawat tao. Iyong tatawanan mo na lang paglipas ng panahon.

BloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon