Blove (14)

177 9 2
                                    

Blove (14)

Kapag minahal mo ang isang tao maraming level. Maaaring mahal mo siya dahil iyon ang sinasabi ng utak mo, maaari namang mahal mo siya dahil iyon talaga ang sinasabi ng puso mo. Mayroon ding pagmamahal na agad-agad nawawala, panandalian kumbaga. Mayroon ding pagmamahal na pangmatagalan.

Pero may mga pagmamahal na nagpapahinga lang. Iyong akala mo hindi mo na siya mahal, iyong masaya ka dahil nakapagmove-on ka na pero makita o magparamdam lang siya ulit biglaan na lang babalik. Para bang ang hirap paniwalaan iyong sarili mo na hanggang ngayon mahal mo pa rin siya, mahirap paniwalaang biglaan na lang babalik lahat ng nararamdaman mo. Kahit anong tanggi mo lalabas pa rin ang katotohanan, wala kang magagawa kundi ang masaktan na lang at umiyak.

Siguro ito ang tinatawag na first love o true love. Ang hirap pala.

BloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon