Blove (10)
Kapag mahal mo hindi ka mapapagod intindihin siya, hindi ka mapapagod alagaan at lalong-lalo nang hindi ka mapapagod mahalin siya. Mahal mo e, kahit pagod ka na titiisin mo, kahit sawang-sawa ka na hindi ka susuko sa kanya, kahit ayaw mo na patuloy pa ring sinisigaw ng puso mong, 'kaya mo pa'. Kahit anong mangyari hindi mo bibitawan ang mga kamay niya at gagawa't-gagawa ka ng paraan upang maging masaya siya kahit magmukha ka ng tanga. Isasantabi mo muna lahat ng mga kahihiyang gagawin mo, pahahabain mo pa lalo ang pasensya mo at hindi mo paiiralin ang galit mo para lang hindi kayo mag-away. Lahat gagawin mo para lang sa kanya. Mahal mo e, iyon naman ang mahalaga.
BINABASA MO ANG
Blove
Short Story(BOOK 2 OF FACTS) Blogs about love. Para sa mga taong pilit pinapatunayan na totoong ang forever ngunit hindi pa rin mapatunayan sa kanilang mga sarili.