CHAPTER 4 - THE TRUTH BEHIND

17 1 0
                                    

SITE's POV

OTTAWA CANADA

Katahimikan...

Isang nakakabinging katahimikan.

Isa pang araw ng malungkot at pasakit sa buhay ang dumating sa 'kin.

At isang napakadilim na mundo...

Hindi ko man nakikita pero alam kong nasa loob ako ng isang private room... nag iisa.

***"From now on, hindi ka na gagamit ng kahit na anong gadgets."

Hindi ako sumagot sa sinabi ni daddy habang si mommy ay iyak ng iyak sa tabi ko. Na-confine ako nun nung bigla nalang akong mag passed out sa bahay dahil sa pagdidilim ng paningin ko. Third year college ako nun nang mapag alaman namin na may eye cancer ako. That there's a tumor growing in my eyes uncontrollably.

"Kailangan mong magamot habang maaga pa. Tatawagan ko ang mga kaibigan kong doctor to help us for your treatment."

***"Bakit kaya may mga contacts siya ng mga lalaki dito? Tsss..." Nasa 'kin noon yung phone ni Shaine. Hinihiram ko lang yun para makita kung sino ang mga katext at kausap niya sa phone since hindi na rin kami masyadong nagkakausap through phone kasi nga bawal akong gumamit ng gadget na makakasama sa mata ko. "At itong Jared! Sino ba 'to at panay ang papansin kay Shaine ko?!" Dinelete ko ang buong convo nila. Gusto ko rin sanang idelete yung number pero, napigilan ko pa ang sarili ko.

Nakita kong paakyat na ng bus si Shaine kaya yumuko ako sa likod para hindi niya ako makita. Nang makita kong nakaupo na siya ay saka ako maingat na lumapit sa kanya habang umaandar na yung bus. Tinakpan ko agad ang mata niya nung makalapit ako.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Mr. Luisito Fuentebella Jr.! Nagtago ka na naman kaya hindi kita nakita pag akyat ko."

Kumapit ako sa handrail at tumayo lang sa gilid niya. "Ang galing mo talagang manghula."

"Eh, sino pa bang gagawa nun sa 'kin? Ikaw lang naman, eh."

"Dapat lang. Tatamaan sa 'kin ang ibang hahawak sa 'yo. Eto na pala yung phone mo. Thanks a lot."

"Sure ka okey ka na jan?"

"Yup. You're a big help. Hihiram nalang ako pag may kailangan uli ako." Hihiram nalang uli ako pag medyo alam kong kinukulit ka na naman ng Jared na 'yun.

"Ah, sure." Nakangiting kinuha niya sa 'kin yun.

"Hindi pa kasi ako nakakabili ng bago. Pasensiya na." Actually hindi ko naman talaga kailangan ng bagong phone. Nasa drawer ko lang yun. Hindi ko lang ginagamit.

"Okey lang ikaw pa, ano ka ba."

Lagi kaming magkasabay kumain ng lunch. Habang inaantay ko siya sa canteen ay nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba sa kanya yung folder o hindi. Kung ibibigay ko yun sa kanya, alam kong sumusobra na yata ako. Pero kung ako naman ang gagawa ng narrative ko, tututok ako sa computer at masama yun para sa kalusugan ko. Ayoko rin namang sabihin sa kanya ang totoo. Alam kong mag aalala lang siya. At ayokong makita siyang ganun dahil sa 'kin. Pero pangako ko, babawi ako sa kanya. At last na 'to!

Habang papasok siyang nakangiti sa canteen at kinakawayan ako ay parang nakokonsensiya ako. Ayokong isipin niya na sinasamantala ko siya. I know I'm being selfish here. Gusto ko lang siyang makita pa ng mas matagal. Dahil kung matututok ako sa radiation ng mga gadgets ay baka mas mapadali lang ang tuluyang pagkawala ng buong paningin ko. At ayokong mangyari yun. Na hindi ko na siya makikita.

At ayokong kaawaan niya ako.

The next day...

Hindi ko siya nakasabay sa bus. So naghintay nalang ako sa labas ng gate like we used to. And that time, good thing dala ko ang phone ni mommy ko kaya tinext ko na siya.

Hopelessly Devoted (DIYOSA NG MGA HOPING!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon