"Thank you so much Ms. Evangelista." Hindi magkandaugaga si Luz sa binigay ko sa kanyang mga paper bag na puno ng gifts and boxes of chocolates na natanggap ko kagabi."Sige na. Ipamigay mo na yan sa iba."
"Yes madam! Thank you dahil dito. Feeling ko tataba na ako." Isa kasi siyang payat at matangkad pa.
"Well. Dapat maging kasing sexy mo na rin ako."
"Sana kasing ganda rin."
"Yes sure! Para naman may kahati na ako sa atensiyon ng ibang baby boys ko." Inipit ko ang buhok sa tenga. "Masyado na kasi akong naaawa sa kanila. Kung pwede lang sana akong dumami, wala na sana ngayong baby boy na nag aantay ng matamis kong oo."
"Kinuha mo na kasi lahat madam. Hindi mo man lang ako tinirhan. Kaya ngayon heto nakikishare nalang ako ng blessings." Itinaas nito ang hawak na paper bags. "By the way! Nakita mo na po bang trending kayo ngayon? About sa ginawa niyong date kagabi?"
"Ahh. Hindi ko pa nakikita pero hindi ka na nasanay. Lagi lagi naman na yan, eh, so wala nang bago dun."
"Grabi talaga ang beauty niyo. Naalala ko rin nung mafeature kayo sa isang sikat na magazine. At nung may mag interview sa inyo kung paano niyo nagagawang maglakwatsa sa labas ng mag isa. Kasi kahit saan kayo pumunta may mga stalker kayo. Naalala ko rin nung may nagpunta dito at nag offer para gawan kayo ng movie na tinanggihan niyo. Grabi talaga. Isa talaga kayong diyosa sa ganda. Napakalakas ng karisma niyo nakakainis."
"Yes! And I'm very thankful to my mama and papa for giving birth of me!"
Sumimangot ito. "Lalabas na nga ako. Naiinis lang ako sa mukha ko. Sige na madam. Magwowork na ako."
Natawa ako at tumango na rin.
Humarap na ako sa computer ko nang wala na si Luz para tingnan ang takbo ng mga nagchecheck-in sa hotel.
Naisip kong sumilip saglit sa social media at tiningnan ang topic tungkol sa 'kin.
DAL'LANG NG BAGONG HENERASYON, NAKIPAG DATE SA MGA MANLILIGAW NIYA PARA PUMILI NA NG JOJOWAIN. ANG TANONG, NAKAPILI NA NGA BA SIYA?
Si Dal'lang nga pala ang diyosa ng kagandahan sa mitolohiyang pilipino at yun ang tawag ng lahat sa 'kin.
Yun ang isa sa mga nabasa kong article.
May mga comment dun. Siyempre kung may suporters ako, of course may bashers din.
Nakita kong maraming stolen shots sa 'kin yung mga baby boys. Siguro habang naghihintay sila na mai-table ko ay kinukuhanan na nila ako ng pictures. May ilang selfie din namin doon na ini upload ng mga tini-table ko. Nagrerequest kasi sila ng selfie sa 'kin.
Wala ni isa man kagabi ang umagaw ng atensyon ko. Wala akong nararamdaman sa kanila kahit kunti. Lahat naman sila may mga hitsura at mga bigatin at kaya na akong bigyan ng magarbong kasal. Kaso wala eh. Wala akong kakaibang pakiramdam na nararamdaman para sa kanila.
Biglang napadako ang tingin ko sa calendar table na katabi lang ng computer. Kinuha ko yun at tiningnan ang likod kung saan naroon ang bucket list ko.
I think kailangan ko nang masundan ang adventure ko.
Boracay Island. ✔
Burias. ✔
Kalanggaman Island. ✔
EL Nido. ✔
Coron. ✔
Moalboal. ✔
Camp Sawi. ✔
Puerto Gallera. ✔
Bohol. ✔
Hundred Islands. ✔
16K blossoms. ✔
Mount Pulag. ✔
Sagada. ✔
Hongkong. ✔
Gugma Island. ❌
Paris. ❌
Quebec City. ❌
Niagara Falls. ❌
Great Wall of China. ❌
Jeju Island. ❌
Hawaii.❌Tiningnan ko dun sa may mga naka cross kung ano ang next kong pupuntahan since ung may mga check eh napuntahan ko na rin so far.
Naisip ko yung Gugma Island.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (DIYOSA NG MGA HOPING!)
RomanceLabinlimang taon na ako. LABINLIMANG TAON! Sa edad kong yan maniniwala ka bang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH pa ako? Alam kong limang taon pa bago ako mawala sa kalendaryo pero gusto kong mahanap na SIYA. Gusto kong gumawa na kami ng maraming memories. G...