Monday.
Ang future tense ng naliligo ay nagbibihis. Tama ba? Kaya ngayon ay tapos na akong maligo at nagbibihis na ako.
Uniform and shoes on.
Sinusuklay ko na ngayon ang magaspang kong buhok. Kaunting polbos at lipstick lang lumarga na rin ako.
Nilibot ko agad ng tingin ang mga estudyanti sa loob ng bus sa pagbabakasakaling nandun uli si Site. Madalas kasi kaming magkasabay. Pero wala siya.
Naghanap ako ng mauupuan at swerteng may isa pang vacant yun.
Maya maya naramdaman ko nalang na may tumakip ng mata ko mula sa likod. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya na familiar na sa 'kin ang laki at lambot niyon dahil ilang beses ko nang nahawakan yun. "Mr. Luisito Fuentebella Jr.! Nagtago ka naman kaya hindi kita nakita pag akyat ko."Narinig ko siyang tumawa at binitiwan na ako. Tumayo lang siya sa tabi ko since occupied na yung isang upuan. Kumapit nalang siya sa handrail.
"Ang galing mo talagang manghula."
"Eh, sino pa ba ang gagawa nun sa 'kin? Ikaw lang naman, eh."
"Dapat lang. Tatamaan sa 'kin ang ibang hahawak sa 'yo." Kinilig na naman ako. Yun bang wala pa siyang ginagawa o sinasabi pero kinikilig na ako. Eh pano pa ngayong may sinasabi na siya. Talagang hihimatayin na ako. May dinukot siya sa bulsa. "'Eto na pala yung phone mo. Thanks a lot."
"Sure ka okey ka na jan?" Tanong ko na hindi muna tinanggap yun mula sa kanya.
"Yup. You're a big help. Hihiram nalang ako pag may kailangan uli ako."
"Ah, sure." Nakangiting kinuha ko yun.
"Hindi pa kasi ako nakakabili ng bago. Pasensiya na."
"Okey lang ikaw pa, ano ka ba."
Nung makarating na kami sa school ay saka lang kami nagkahiwalay para tumungo sa kanya kanya naming klase. Nagkita lang uli kami sa canteen nung lunch at sabay kaming kumain.
"Nga pala. Pwede ko bang ikaw nalang ang gumawa ng narrative report ko sa OJT? I don't think if I have time to do it." Iniabot niya sa 'kin ang isang folder.
Nakangiting kinuha ko 'yun. "Yes. No problem. Kelan ba ang deadline niyo?"
"Sa monday next week."
The next day...
Gaya ng nakagawian, nililibot ko agad ng tingin ang mga lulan ng bus. Hindi ko nakita si Site. Ewan ko lang kung hindi na naman niya ako pinagtataguan.
Naupo nalang ako. Kinuha ko ang phone sa bag at nakita kong may message mula sa kanya two minutes ago.'San ka na?'
Kinilig naman ako agad nung mabasa yung text na 'yun ni Site. Walang segundo na hindi ako kinikilig pagdating sa kanya. Mabilis akong nagtype ng reply ko.
'On the way na po. :))'
Masayang
bumaba na ako ng bus at naglakad papasok ng gate. Agad na nagsunod sunod ang pintig ng puso ko nung makita ko siya sa labas ng gate at kumakaway sa 'kin. Ganito ang routine namin tuwing umaga pag hindi kami nagkakasabay sa bus.
"May cellphone ka na?"
"Kay mommy lang hiniram ko."
"Ba't hindi ka pa bumibili ng bago?"
"Actually, may phone naman talaga ako. C-in-onfiscate lang ni dad. Ayaw niyang nagpophone ako at limited lang din yung allowance ko."
"Bakit may ginawa ka bang kasalanan?"
"Nope. He just want me to focus on my studies."
Tumango tango ako. Naghiwalay na rin kami to attend our clasess.

BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (DIYOSA NG MGA HOPING!)
RomansaLabinlimang taon na ako. LABINLIMANG TAON! Sa edad kong yan maniniwala ka bang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH pa ako? Alam kong limang taon pa bago ako mawala sa kalendaryo pero gusto kong mahanap na SIYA. Gusto kong gumawa na kami ng maraming memories. G...