Gusto kong maiyak. Napakamalas ko talaga.
"Shaine!" Narinig ko ang boses ni Jared. Agad niya akong tinulungang makatayo. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Pwede ba tayong dumaan muna sa ospital please?" Agad na sabi ko nung makatayo ako.
"S-sure!"
Mabilis akong pumasok sa kotse niya. Hinayaan ko na muna yung phone ko. Mas importanti sa 'kin si mama ngayon.
"Alam ko na siguro ang sagot sa gusto kong itanong sayo."
Hindi ako nakasagot kay Jared dahil umiiyak na ako.
"Hwag ka nang umiyak. Everythings gonna be alright." Ikalawang beses na niyang sinabi sa 'kin yun.
Mabilis kaming nakarating sa ospital.
Naabutan ko si Papa palabas ng room. "Pa! Anong nangyari kay mama?"
Isang buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago sumagot. "Biglang nanginig ang buong katawan niya. Sabi ng doktor kulang daw yung dugong nagsi-circulate sa katawan niya."
Pumasok na ako ng kwarto matapos sabihin ni papa yun. "Ma!"
Tumayo si Shone mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. "Nagpapahinga siya ate."
Tulog si mama. Hindi pa rin maiwasan ng likido sa mga mata ko ang sunod sunod na paglabas.
"Kailangan mo nang umattend ng graduation niyo. Pumunta na kayo dun ni Jared. Susunod nalang ako."
"Hindi papa." Napatingin silang lahat sa 'kin. Lumapit ako sa gilid ng kama. "Hindi ko po iiwan si mama."
"Shaine!" - Papa.
"Mas mahalaga sa 'kin si mama." Ginagap ko ang kamay ni mama. "Ayokong magdiwang dun habang si mama dito naghihirap."
"Isang beses lang mangyayari sa buhay mo 'to Shaine Marie. Sa tingin mo ba matutuwa ang mama mo pag nalaman niyang hindi ka sumipot sa graduation niyo?"
"Pa. Nangako ako sa inyo ni mama na dalawa kayong dapat makasabay kong magmartsa sa harap ng entablado. At kung wala si mama dun, ayoko nang tumuloy tayo. Para ko lang dinaya si mama nun." Narinig ko ang muling paghinga ng malalim ni papa. "Sorry pa." Muling napahagulgol ako ng iyak. Naramdaman ko naman ang paglapit ni papa at niyakap ako. "Sorry papa. Pero hindi ko talaga kayang pumunta dun."
Hinaplos ako ni papa sa likod. "Naiintidihan kita anak."
Hindi na rin ako pinilit ni papa. At ayoko na rin talagang pumunta dun. Kung sakali mang umattend ako, hindi rin ako makakaoagfocus sa celebration dahil nakay mama ang utak ko. At panigurado rin na hindi ako matitigil sa pag iyak kung aalis ako ng ospital at iiwan si mama.
"Once in a lifetime mo lang 'to maeexperience. Sure ka na ba na hindi ka aattend?" Tanong ni Jared habang sinasamahan ko siya patungo sa lobby ng ospital.
Tumango ako. "Paki inform nalang yung mga prof natin. Hindi na talaga ako makakarating." Namumugto na ang mata ko at alam ko yun.
"This is so bad. Walang magba valedictorian speech ngayon." Tinapik niya ako sa balikat. "Pero okey lang yan. Unahin mo nalang muna ang mama mo. She's more important than anything else." Tinitigan ko siya. Napaka considerate niya talaga. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at may pinunasan sa mukha ko. "Tama na ang iyak ha? Tingnan mo yang make up mo. Kung saan saan na napunta."
"Thank you Jared ah? Kasi lagi kang nandiyan para sa 'kin."
"Wag kang mag thank you. Nagkataon lang lahat ng 'to. Ang ipagpasalamat mo, naging kaibigan mo ako!" Tumawa siya. "Ayan! Ngumiti ka rin sa wakas kahit kunti."
![](https://img.wattpad.com/cover/114572492-288-k125094.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopelessly Devoted (DIYOSA NG MGA HOPING!)
Storie d'amoreLabinlimang taon na ako. LABINLIMANG TAON! Sa edad kong yan maniniwala ka bang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH pa ako? Alam kong limang taon pa bago ako mawala sa kalendaryo pero gusto kong mahanap na SIYA. Gusto kong gumawa na kami ng maraming memories. G...