LEY'S P.O.V
Kanina pa ako dito sa kwarto ko, umiiyak nanaman, nasasaktan nanaman, malungkot nanaman.
["Ley, mahal ka na ni Xander. at kung bulag ka parin para makita yun sige .. ipagtabuyan mo siya, hindi sa nangengeelam kami Ley oo, mali rin kami pero maniwala ka minahal ka nya"-Kierra]
["Ley mahal kita..."-Xander]
"Bakit? bakit mo nagawa sakin toh xander?"
Kasabay nang pagtulo nang luha ko ang pagbuhos nang malakas na ulan.
"
Ley!!" sigaw mula sa labas sabay kalabog nang gate
Mas lalong bumilis ang pagtulo ng luha ko nang makita ko si Xander na basang basa at panay pasa ang muka na kumakatok sa gate namin ngayon. pinigilan ko ang pagluha ko pero di ko magawa, nasasaktan ako sa ginagawa nya
"Ley! kausapin mo ako! mahal na mahal kita Ley! hindi ko makakaya kung mawawala ka, patawarin mo ako. nagawa ko lang yun kasi mahal kita...!
Ley, mahal na mahal kita.. Patawarin mo na ako Ley! Please Ley pagusapan natin toh!" -XanderTinitigan ko lang si Xander sa labas and its been hours since nagpapakabasa siya sa ulan.
"Xander.. please umalis ka na, please.." bulong ko sa sarili ko
Isasara ko na sana yung kurtina nang bigla syang sumigaw ulit. At sa pagkakataong yun mas lalong nawasak ang puso ko.
"LEY, MAHAL NA MAHAL KITA!!" mga huling sinabi nya bago sya matumba.
"XANDER!!!" sigaw ko saka kumaripas nang takbo papunta sa labas.
Pagbukas ko nang gate nakita ko si xander na nakahandusay sa daan, agad ko siyang nilapitan .
"Xander gumising ka, please xander.." pag gising ko sakanya
Nagulat naman ako nang biglang may sasakyan na huminto sa tabi namin, it was Chaizer , binuhat nya si Xander at ipinasok sa sasakyan.
Andito na kami ngayon sa Hospital. Hinihintay nalng namin na magising si Xander.
"Ley, you need to go. kailangan mong magpahinga, baka ikaw rin yung magkasakit . may game pa tayo" pag aalala ni chaz
"Hindi, ok lang ako chaizer.. "
"please Ley, ako na ang bahala kay Xander."-chaz
Tumitig lang ako kay Xander at sa huling pagkakataon tumulo nanaman ang luha ko, hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ang forehead nya..
"im sorry xander, pero ang hirap nang ibalik yung dati. sobrang hirap na.. patawarin mo ako sa gagawin ko.. kailangan mo na akong kalimutan." mga huli kong sinabi at tuluyan nang umalis.
Masakit parin yung nangyari, sobrang sakit. Pinagkatiwalaan ko si Xander pero niloko nya ako.. Umalis na ako at iniwan si Xander kasama si chaz. Masakit man pero kailangan kong lumayo sa taong di ko alam kung mapapagkatiwalaan ko..
Please Vote.
-Black_Sadist.
BINABASA MO ANG
That Gay's Inlove (COMPLETED) S1
HumorPaano mafall sa Bakla? Paano ba Magkagusto ang Bakla? Does Revenge can make your life Perfect? or Does Love can Change of What you are?. -short story