"BAD INFLUENCE" (anino ng dilim)

8 0 0
                                    

Babalik muna ako sa dating AKO,
Tahimik lang,walang gulo,
Walang kaibigan,walang kalaro,
MAG-ISA lang kung tutuusin mo...

Ako yung tipong ARAL lang ang inuuna,
Hindi yung nakikipaglandian tulad ng iba,
Hundi yung umiinom at gumagamit ng DROGA,
At higit sa lahat hindi LAKWATSERA..

.

Dumating ang panahon na may nakilala ako,
Na naging dahilan ng aking pagkalito,
Hindi kona din alam kung saan nga ba ako patungo,
Dahil lahat ng meron ako ay biglang NAGLAHO...

Ang kamay ko'y kanilang hinawakan,
At ako'y sinama sa kanilang dinadaanan,
Dinadaanang punong-puno ng kaguluhan,
At higit sa lahat puno ng KASAMAAN.

'Di nagtagal ako'y naakit na sa kanilang mga gawa,
Kaya lahat ng MALI ay natutunan kona,
GALIT...TAMPO ...at kung anu-ano pa,
Ay naging kakambal ko sa paglalakbay kasama sila..

Akala ko magiging masaya ako sa pinili ko,
Akala ko magiging ligtas ako kung may mga kaibigan ako,
pero bakit ganito?????
Mas gumulo pa ata ang buhay ko,
Pati sarili ko hindi ko na kayang itayo...

Iba narin ang tingin sa akin ng ibang tao,
Dahil yung dating tahimik na buhay ko,
Ay naging miserable at biglang nagbago....


By: Judy Ann Resquier

TULA Where stories live. Discover now