"HIGH SCHOOL LOVE"

7 0 0
                                    

"UNANG ARAW NG PASUKAN",
Mga salitang laging nasa aking isipan,
Pasok sa umaga,hapon ang uwian,
HAy nako! buhay nga naman...

Habang akoy papasok sa aming paaralan,
Isang babae ang lumitaw sa aking harapan,
Akoy napatigil sa aking kinatatayuan,
Nang masilayan ko ang mala dyosa niyang kagandahan....

Pagdating sa klasrum ika'y aking nakita,
Hindi ako makapaniwalang classmate pala kita,
Sa mga sandaling iyon akoy natutuwa,
Salamat sa Diyos akoy sobrang pinagpala.....

Makalipas ang ilang linggo tayo'y malapit na sa isa't isa ,
Naging magkaibigan at doon sumaya,
Mga ngiti sa ating mga labi'y hindi maipinta,
At sa mga sandaling iyon ako'y napamahal na....

Natorpe ako sa aking nararamdaman,
Ilang pagkakataon narin ang aking nasayang,
Para sabihin mismo sayo ng harap-harapan,
Na"GUSTO KITA"yan ang katotohanan..

Dumating ang panahon na pinakahihintay ko,
Ang masabi sayo ang tunay na nararamdaman ko,
Hindi naman ako nabigo sa naging resulta nito,
Dahil sabi mo sa akin"MATAGAL NA DIN KITANG GUSTO"...

Salamat sa Diyos at AKIN kana,
Yung dating pangarap koy abot kamay kona,
Pangako'y iingatan kita at dina papakawalan pa,
Dahil sayo akoy SUMAYA....

Lumipas ang ilang taon ng ating pagsasama,
Yung dating ikaw ay biglang nagbago na,
Akoy laging inaaway at ikay naglalasing na,
Kapag kasama mo ang iyong mga BARKADA....

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon,
Ginawa ko naman lahat pero binalewala mo lang ang mga iyon,
Hindi ko lubos maisip na yung dating TAYO noon,
Nagkakalabuan na pala ngayon...

Ako'y nasaktan sa huling salitang sinabi mo,
Na naging dahilan nang pagbagsak ng mga luha ko,
Hindi ko inaasahang sasabihin mo sa akin ang lahat ng ito,
"AYAW KONA SA'YO,MAGHIWALAY NA TAYO"...

Hanggang ngayon sariwa parin sa aking puso't isipan,
Ang mga masasakit na salitang iyong binitawan,
Buti nalang meron akong mga kaibigan,
Na laging laging andyan para ibangon ako sa aking kinalalagyan...

SALAMAT PALA SA TUNAY NA MGA KAIBIGAN
MGA KAIBIGAN NA MAAASAHAN
KAIBIGAN NA HANDA KANG DAMAYAN AT
KAIBIGAN NA LAGING ANDYAN KAPAG IKA'Y NASAKTAN


credits:Frederick
edited: Judy Ann

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA Where stories live. Discover now