"KAIBIGAN" (kakambal ng kaligayahan)

7 0 0
                                    

Bumalik muna ako sa dating ako,
Tahimik lang at may sariling MUNDO,
Walang kaibigan,walang kalaro,
Mag-isa lang kung tutuusin mo...

Sa panahong iyon,ang boring talaga ng BUHAY ko,
Pero dumating ang isang araw na nakilala ko KAYO,
Naging kaibigan.....naging tagapayo,
At doon ang  buhay  ko ay biglang nagbago..

Sa  milyong  tao na nakasalamuha ko,
Kayo lang talaga ang nagpasaya sa akin ng ganito,
'Diko inaasahan na magkakaroon ako ng mga kaibigang katulad niyo,
Baliw at palabiro ngunit mababait naman at matatalino...

Ang mga katulad niyo'y   'diko makakalimutan,
Dahil sa inyo ko lang naramdaman ang tunay na kasiyahan,
At kayo ang bumago sa aking  NAKARAAN,
Na noo'y nababalot ng nakabibinging katahimikan...

Sobrang pasasalamat ko sa inyo mga kaibigan,
Dahil hanggang ngayon di niyo parin ako iniwan,
Nanatili kayong andyan para ako'y tulungan,
Kahit na minsan ko na kayong SINAKTAN..

Kahit maraming problema pa ang dumaan,
Basta't tayo'y sama-sama ay agad din nating malalampasan,
Nananating matatag  at nagmamahalan,
Walang GULO at PLASTIKAN sa ating pagitan...

Saludo ako sa bawat isa,
Minsan mang nabuwag pero hindi nawala ang TIWALA,
Humahanap ng paraan para muling magsama-sama ,
Ang mga miyembro sa grupong hindi dapat MASIRA...

Sa dalawang taon ng ating pagsasama,
Hanggang ngayon nasa Puso ko parin ang mga masasaya nating ala-ala,
Na naging KATUWANG ko sa pagtahak ng bawat pahina,
Ng aking buhay na walang kasing saya...


Kasama kayo MGA KATROPA...

By: Judy Ann Resquier


TULA Where stories live. Discover now