Nagsimula ang ating kwento sa simpleng BANGGAAN,
Ang mga mata natin ay nagtagpo at nagkatitigan,
Ang puso ko'y tumibok sa di malamang dahilan,
Nang masilayan ko ang mukha mong ubod ng KAGWAPUHAN....Lahat ng ito ay tinatak ko sa aking isipan,
Baka sakaling makita kitang muli ng harap-harapan,
At nang malaman kona mismo ang Katotohanan,
Kung totoo bang "LOVE AT FIRST SIGHT" ang natatanging kahulugan...Isang araw habang ako'y nasa daan,
Bigla nalang akong natigilan sa aking kinatatayuan,
Ang puso ko'y bumilis ang tibok na para bang nakikipaghabulan,
Nang ika'y muli kong masilayan ng malapitan....Ang ganitong pakiramdam ay hindi ko pa nararanasan,
Dahil ang katulad ko'y TIGASIN ang GALAWAN,
Lalaki kumilos ngunit babae kung titigan,
Sa madaling salita TOMBOY ng BAYAN...
Ilang buwan na ang nagdaan,
Ngunit ikaw parin ang laman ng aking puso't isipan,
Gustuhin ko man na burahin kana ng tuluyan,
Pero diko magawa dahil tinutulak ako ng kapalaran...Dumating ang panahon na diko inaasahan,
Na ikaw at ako'y official ng MAGKASINTAHAN,
Hindi ko akalaing ganito ang kalalabasan,
Nang ating malafairytail na BANGGAAN....
By: Judy Ann Resquier
