"PAGTINGIN" ( landas ng katotohanan)

0 0 0
                                    

Andito nanaman ako,
Umaasang mapansin mo,
Umaasang maging  "ikaw" at "ako",
Kahit imposibleng maging "TAYO"...

Nasayo lahat ng katangian at ugaling gusto ko,
MABAIT..TALENTADO at higit sa lahat MATALINO,
Hindi ko naman inaasahang magkagusto sa isang katulad mo,
Ngunit puso kona ang siyang pumili nito....

Sinunod ko ang puso ko ngunit hindi ko pinahalata,
Hindi ko pinakita at pinaramdam sa'yo na gusto kita,
Hanggang isang araw nagkasabay tayong dalawa,
Akala ko mapapansin mona  na gusto kita,
Dahil sobra ako kung makatitig sa maamo mong  MUKHA....

Kapag lagi kitang nakikita mas lumalalim ang nararamdaman ko,
Kaya pinili kong magtago at lumayo na lamang sa'yo,
Kasi hindi ko kayang magmukhang  TANGA  sa harap mo at sa harap ng maraming tao,
Na umaasang magustuhan mo rin ako tulad ng nararamdaman ko sa'yo...

Sa dinami-dami ba naman ng babaeng nagkakagusto sa'yo,
Imposible namang magustuhan mo pa ang isang  tulad kO,
Pero dumating ang araw na pinapangarap  ko,
Dahil isang araw paggising ko,
Nalaman kong matagal mo na pala akong  GUSTO....

By: Judy Ann Resquier

TULA Where stories live. Discover now