Andito nanaman ako,
Nagpapakatanga at nagpapakaloko,
Binabalik-balikan ang mga ala-alang iniwan mo,
At ang mga araw na uso pa sa akin ang salitang "TAYO"....Biglang sumaya ang dating malungkot na buhay ko,
Nang marinig ko mismo mula sayo ang matamis mong "OO",
Na naging solusyon sa aking pagbabago,
Dahil yung dating ako na GAGO at BASAGULERO,
Ay naging Seryoso at unti-unting nagpakatino....Walang araw na hindi tayo masayang dalawa,
Na para bang wala ng katapusan ang mga kalokohan nating dalawa,
Mga ngiti sa ating mga labi'y hindi maipinta,
Kapag tayong dalawa ang magkasama...Hindi ko kayang itago ang pagmamahalan nating dalawa,
Kaya hinarap ko ang magulang mo at ipinaglaban kita,
Ginawa ko lahat para mapa"oo" sila,
Hanggang sa ako ay tinanggap narin nila...Dahil sa kasiyahang abot kamay kona,
Ay biglang gumanti sa akin ang TADHANA,
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata,
At ako'y natauhan sa aking nakita,
Na ang pinakamamahal ko ay may mahal na palang iba....Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa akin ang lahat ng ito,
Akala ko ba mahal mo talaga ako??,
Pero bakit bigla ka nalang naglaho??,
At ako'y pinagpalit mo...
Hindi ko lubos maisip ..na yung dating "ikaw" at "ako",
Ay tuluyan na palang naging MALABO...
Maraming mga tanong ang naglalaro sa aking isipan,
Mga tanong na sa iyo ko lang mahahanap ang kasagutan,
Ano bang nagawa ko sa'yo at bigla mo nalang akong iniwan,
Bigla mo nalang akong iniwan ng wala man lang sapat na dahilan...Dumating ang araw na ako'y nagising sa katotohanan,
Na ang dating "TAYO" ay nawasak na pala ng tuluyan....
Hindi ko na kayang magpakatanga sa inyong harapan,
Kaya ginawa ko ang lahat para tuluyan nadin kitang makalimutan.....PAGSUKO......
OO !! PAGSUKO ang alam kong tama,
Na magiging kakambal ko Para tuluyan ka ng mabura,
Sa mga ala-alang tumatak na sa akin nung TAYO pa....Alam kong hindi madali ang lahat ng ito,
Alam kong masasaktan ako sa bawat kilos na gagawin ko,
Pero ayaw ko lang naman na guluhin pa ang masayang buhay mo,
Kaya magpaparaya't masasakripisyo na lamang ako para sa inyo...PAALAM
.....MAHAL KO.....By: Judy Ann Resquier
Requested By: Jv