Chapter 22: I love you [ENDING]

2.2K 51 6
                                    

Yumi's Pov

5 months nadin ang nakalipas simula nung graduation
Anong nagbago? Madami

Hindi na artista si Charles ngayon kundi isa nang Chairman ng kompanya nila
At dahil nga tini-train pa sya ni Tito sa pagiging chairman nya ay hindi muna sya nakatira dito sa bahay pero halos araw-araw naman syang pumupunta dito at lagi akong tinatadtad ng text and calls

Hindi ko man nga lang naramdaman na wala sya sa tabi ko kahit minsan dahil sa sobrang sweet at clingy nya haha

Hmm ano namang nagbago sakin?
Well isa lang naman akong chef sa isang sikat na kompanya ngayon.... kompanya nila Charles at hindi lang ako nagluluto sa canteen ng building nila dahil ako din ang personal chef nya

Hindi nga dapat ako mapupunta dito sa kanila kundi dun sa isang sikat na restaurant kaso ipinilit nya eh
Halos umiyak na nga sya at di talaga tumigil hangga't di ako pumapayag
Mamimiss nya daw kasi ako agad

Sa sobrang pagka miss nya nga sakin ay minsan sya pa mismo yung bumibisita sakin sa canteen kagaya nalang ngayon

"Bumalik kana po dun Chairman, madami kapa pong trabaho"

Sabi ko sa kanya
Hindi na din ako maka trabaho dahil sa kanya hayyy kaya ayokong pumayag eh

"Wait lang pa charge muna, lowbat na ako eh"

Sabi nya sabay yakap pa sakin
Hayyy

"Charles naman"

"Sige bibitawan kita basta may pupuntahan tayo mamaya"

"San naman?"

Tanong ko

"Secret"

Andami na palang mga taong nakatingin samin huhu bago ko lang napansin

"S..sige basta bumalik kana dun"

Sagot ko sa kanya at ngumiti naman sya at naglakad na paalis

Tumalikod na ako at nagtatrabaho na sana nang bigla namang may humila sakin ng sobrang bilis at hinalikan ako sa pisngi

"Opssss nadulas ako love hehe babye"

Sabi nya pa at kumaripas na ng takbo palayo habang ako naman ay tulaley na nakahawak sa pisngi ko

Sa..sana naman ay hindi namumula ang mga pisngi ko ngayon

"Ang sweet nila noh?"
"I know right, sana meron din akong lovelife"
"Aww im so jealous"

Rinig kong bulungan ng iba kong mga katrabaho
Napaka clingy naman kasi ng boyfriend ko eh

Arghhhh back to work na nga

......
.....
....
...
..
.

"Where are we going?"

Tanong ko kay Charles na kasalukuyang nag dadrive

"Hmm dahil hindi mo pa naman ako napapakilala sa future mother and father-in-law ko ay ako nalang ang mismong magpapakilala ng sarili ko sa kanila"

Napaisip ako bigla dun sa sinabe nyang yun at nung narealize ko ay bigla akong nakaramdam ng hiya kasi totoo nga naman
Nakonsensya tuloy ako

"So..sorry love"

Nahihiya kong sabi
Nginitian nya lang ako at hinawakan ang isa kong kamay habang ang isa nyang kamay ay nakahawak pa din sa manobela

"Are you mad?"

Tanong ko

"No, pano naman ako magagalit sa napaka ganda kong girlfriend?"

Im Inlove With Mr. Celebrity [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon