14

608 19 0
                                    

Ara

"Meron.", walang takot kong sagot kay ate Wensh at tumingin kay Jeron. Si Jeron naman ay nakatingin din sa akin, kanina pa nga eh.

"Pwede ba malaman?", excited na tanong ni Cienne sa akin. Panigurado nasabi na ni Camille to sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Crush lang naman, pero sa ngayon ayoko muna sabihin", sagot ko sa kanila. Bahagya naman silang nadismaya.

"Pag ok na ang sitwasyon, magugulat na lang kayo may dala na kong bulaklak at tsokolate pag balik ko rito sa dorm niyo", malakas na loob na sinabi ko sa kanila. Nakita ko naman na napangisi si Cienne at ang iba naman niyang teammates ay nabigla at nanlaki ang mata.

"AAAAAAAAA KILALA KO NA YAAAAN AAAAAA", malakas na tili ni Cyd at nagtatatalon. "AAAAH AKO RIN!!!!", pagsabay ni Kianna sa tili ni Cyd at tumalon talon din, nagtuloy tuloy yun hanggang sa si Mika, ako, jeron at joshua na lang ang nakaupo. Pati sila Ate mich at ate melissa na galing sa kitchen ay nakikipagtilian na rin.

"Wait sandali nga! Ano ba meron?", nagtatakang tanong ko sa kanila. Natigilan naman sila at nagbulungan sandali, tiyaka nagbalikan kung saan sila mga nanggaling.

"Wala naman, kilala na kasi namin", mapang-asar na sagot sa akin ni Cienne at nag-ayos na ng upo katabi sila Justine.

"Joke lang yon! Wala akong crush, nang-aasar lang ako", sagot ko kay Cienne. Napabuntong hininga naman ang iba sa kanila at si Cienne ay tumingin sakin na may mga matang nagsasabi sa akin ng 'wow parang wala kang inamin kela Camille ah'

"Guys, tara kain!", yaya sa amin ni Ate Michele na galing sa kitchen. Nagsipuntahan kami sa dining table habang si Mika at Cienne naman ay may kinuha lang daw saglit sa kwarto nila. Ang natitirang mga upuan na lang ay ang katabi ko at ang kay Jeron. Sabay silang bumaba ni Cienne, natigilan naman ang lahat at tumingin kay Mika at inabangan kung saan siya uupo.

Dahil sa sobrang kaba, yumuko na lang muna ako at kinalikot ang phone ko, di pa naman kami kumakain. Nakareceive naman ako ng text, galing ito kay Cienne.

from: Cienney the Forehead
Gwapo mo girl, tingin ka kaya sa kanan mo?

Jeron
Hindi ko alam kung masasaktan pa ba ako sa pagpili ni Mika na tumabi kay Ara o hindi dahil inaasahan ko naman na yun. Napatigil si Ara sa pagkalikot ng phone niya at tumingin sa tabi niya. Namula siya, kahit pilit niyang tinatago namumula talaga siya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Let's pray!", masayang sabi ni Mika at naglead ng prayer. After ng pagdadasal namin ay nagsimula na kami kumain.

Di ko mapigilang tumingin kay Ara at Mika. Si Ara ay naglalagay ng pagkain sa plato ni Mika at si Mika naman ay nagsusubo kay Ara nung mga ulam na hindi maabot ni Ara para malaman niya kung gusto niya ito o hindi. Daig pa nila si Josh at Justine na tahimik lang na nagkkwentuhan habang kumakain. Sa madaling salita, mukha silang mag-asawang kumakain na kasama ang pamilya nila. Sobrang komportable na sila sa isa't isa, eh ang alam ko ilang araw pa lang naman sila magkakilala.

Nakatulala lang lahat sa kanilang dalawa. Tapos, habang si Cienne ay busy sumubo ng napakalaking hati ng ulam ay siniko siya ng mahina ni Cyd dahilan para mapatingin siya dito ng masama. Nginuso naman niya sila Mika at Ara, at tumingin si Cienne sa kanila. Napangiti naman siya.

"EHEM.", pagclear ni Cienne ng throat, lahat naman ay tumingin sa kanya. Ang naglalambingan na Mika at Ara, ang nagtatawanang Ate Melissa, Ate Michele at Ate Wensh, ang nagkukulitang rookies at siyempre ang naglalandiang Josh at Justine.

"Wala lang, napansin ko kasi may sari-sarili tayong mundo", sabi niya nang may tonong nagpaparinig.

"Tenenenen tenenen tenenen", dugtong ni Mika kay Cienne dahilan para batukan siya nito. Natawa kaming lahat sa kaniya, ang cute kasi. Feel na feel niya, nakapikit pa siya habang 'nagsstrum' sa 'gitara' niya.

"Aray naman!", pagrereklamo ni Mika kay Cienne.

"Ano ba kasi yang pa-instrumental mo?", bulyaw ni Cienne sa kanya. Sumimangot naman ito at hinimas himas ang batok niya.

"Sabi mo kasi mundo! Edi nakiride lang! Bait ko nga eh", reklamo niya pa at nagpatuloy nang kumain. Inirapan na lang siya ni Cienne.

"Hahahaha sige mamaya ituloy natin yang Mundo mo para di ka na malungkot", sabi ni Ara kay Mika. Ngumisi na naman muli ang teammates niya.

"Eh pano kung ikaw yung Mundo niya?", paasar na sagot ni Cyd kay Ara. Sasagot pa sana si Mika pero naunahan na siya ng pagkanta ng mga teammates niya.

"AKIIIIIING SINTAAAA, TENENEN- HAHAHAHAHA", sabay sabay na pagkanta at pagtawa ng teammates ni Mika. Di na nila natuloy ang pagkanta kasi nagtuloy tuloy na ang pagtawa nila.

"Ikaw na ang tahanan at mundo...", sabay na kanta ni Mika at Ara. Nagkatinginan naman sila dahil di naman nila plinano magsabay,  at ang teammates nila na nagtatawanan ay sabay sabay na nang-asar.

"AYIIIEEEEEE" "MUNDOY MAGIGING IKAW LEVELS NA PALA KAYO"

"Mga siraulo talaga kayo! Kumain na lang tayo!", suway ni Mika sa kanilang lahat.

Habang sila ay nagkakasiyahan, ako naman tahimik dito sa gilid. Para akong nanonood ng talkshow ah? In fairness masakit sa puso.

"Uy may nalulungkot", pagpaparinig ni Mikaela. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ay di manlang umilag natamaan agad", dugtong pa ni Ate Wensh sa kanya.

"Okay lang yan Kuya Jeron, tayo na lang magdate", pag-aaya sa akin ni Dawn. Napangiti naman ako, ang cute niya, parang batang nagpapabili ng candy. Hahahaha.

"Hoy! Ako kaya dapat!", pagkontra ni Kianna kay Dawn, "Kuya Jeron! Libre kitang Army Navy gusto mo?", pagbaling naman niya sa akin. Magsasalita na sana ako nang may magsalita pa.

"Hoy! Isama niyo naman ako! Kuya Jeron ako ipagluluto na lang kita, walang gastos at with love pa!", napahalakhak naman kaming lahat dahil kay Justine.

"Sabi ko na nga ba crush mo si Jeron eh!!!!", pag-iinarte ni Josh. Nagpeace sign naman si Justine sa kanya, patuloy pa rin sa pagtawa ang lahat.

"Jusko nung nagpunta kami sa kusina kanina pigil na pigil na yan", sabi ni Mika, "Oo, wag daw sabihin na crush niya di Jeron kasi baka magselos si Joshua", dugtong ni Ara kay Mika. Ano ba yan, lagi na lang silang dalawa nakakarelate sa isat isa, baka sa susunod magkarelate-tionship na. HUHUHUHU HINDEEE!!!

"Sus kunwari pa kayong lahat, eh ako lang naman ang single talaga rito. Si Mich may Aldo, si Mel may artista, blind item na lang muna. Si Cienne, no comment. Si Justine may Joshua, si Dawn may Diego, si Mika, no comment na lang din.", andami dami pa niyang sinabi, pero nalimutan niya si Kianna.

"Oh ako di mo nabanggit ibig sabihin wala, oh I'm available talaga Kuya Jeron", pagpapacute sa akin ni Kianna.

"Ay oo nga pala. Eh diba may agila ka?", pang-aasar ni ate Wensh kay Kianna. Namula naman siya, kaya natawa uli ang lahat.

"Oo nga no, parang si Ate Wensh na lang talaga yung di natin naaasar rito na may kasomething", sabi ni Mika sa mga teammates niya.

Napangisi naman ako ng onti, akala lang nila wala.

"Huh?", paninimula ko. Napatingin sa akin ang lahat, tumingin naman sa akin si Ate Wensh nang may pagmamakaawa at namutla. "sure kayo jan?", mapang-asar kong sabi. Nilabas ko ang phone ko at may pinakitang picture sa kanila.

"OH MY GAHD ATE WENSH!!!!"

The One for Me - Mika Reyes & Ara GalangWhere stories live. Discover now