46

315 13 0
                                    

Thomas

"How's your heart bro?" tanong sa akin ni Arnold habang naglalakad kami pauwi. Inakbayan niya naman ako para icomfort ako.

"Okay lang, bakit?" maikli kong sagot sa kanya. Nakatulala lang ako habang naglalakad kasi wala talaga akong gana magpakasaya ngayon.

"Kanina pa Thom, nakikita kita nagpipigil ng luha. Tas finifake mo smile mo. Para ka kasing baliw why do you need to sit in front of them?" suway niya sa akin at binatukan ako nang mahina. Mabagal ang paglalakad namin kasi sabi niya gusto niya pag-usapan yung nangyari. Napaisip naman ako at inalala ko ang lahat.

Umupo ako sa harap nila Ara at Mika sa dining table para makapag-apologize sa kanila ng maayos. Hindi kasi ako makatiyempo before nun dahil nag-uusap sila. Bago kumain ang lahat, diniscuss namin yung mga nangyari. Nag-explain ako ng side ko, at ganun din sila. Pagkatapos nun ay nagkapatawaran kami.

Alam kong dapat sanay na ako pero lagi talagang nabibigla at kumikirot yung puso ko tuwing nakikita ko sila maglambingan. Si Ara, tagalagay ng pagkain sa plato ni Mika. Si Mika naman, tagasubo kay Ara ng mga gusto niyang ipatikim sa kanya. Inaasar din sila, at may isa pa ngang beses na pinicturean at pinagkaguluhan sila dahil namiss daw makita ng spikers na magkasama sila. Partida, isang araw pa lang yun.

Antanga ko, kasi kahit ako, nagpicture rin.

"Bro!" malakas na tawag sa akin ni Arnold. Nagising naman ang diwa kong lutang at napatingin ako sa kanya.

Pinitik niya ang noo ko at pinagalitan ako. "Alam mo Thomas, tell me what you feel. Mababaliw ka kung tutulala ka lang jan at iipunin mo lang sa loob. Baka mapahamak ka pa." nag-aalala niyang sabi.

"Di ko lang malimutan gaano sila kasaya kanina. Masaya rin naman ako eh, pero alam mo yun? Deep inside my heart, I wish I was in Mika's place." paliwanag ko sa kanya. Tumingin ako sa baba at huminga ng malalim.

"I understand", sagot niya sa akin. "I'm proud of you. You're handling the situation well. Keep it up brodie!" pagpapalakas niya ng loob ko. Natawa ako sa kanya at tumango bilang pag-agree.

Pagkadating namin sa dorm, umakyat agad ako sa kwarto ko para tingnan kung andun si Jeron. Pagkadating ko...

"SHIT, ARNOLD! KUYA!" malakas na tawag ko sa kanilang lahat.

Nakahilata si Jeron sa sahig na may hawak na alak sa kamay niya. Makalat yung kwarto, nasa lapag yung mga unan, nakasabog yung mga papel, at puro bote ng alak.

Nagtakbuhan ang lahat papunta sa kwarto namin at agad-agad inalalayan si Jeron. Hiniga namin siya sa kama, yung iba binihisan siya, yung iba naman niligpit yung mga kalat, yung iba naman nakitambay at kwento lang ambag. Hahahaha

"Naglasing amputa, Thom ano problema nito?" tanong sa akin ni Kuya Almond habang winawalis yung basag na bote sa gilid ng kama ni Jeron. Tumango naman yung iba na nagtataka rin kung anong nangyari. Mataas kasi alcohol tolerance ni Jeron kaya nakakabiglang makita na ganito siya kawasted.

"Huli niyang ganito kay Jeanine ah", bahagi sa aming lahat ni Kuya LA. Lahat sila ay tumango bukod sa akin. Mas malala si Jeron ngayon. Noon kasi, uminom siya pero kasama niya kami at di siya ganito kawasted. Nakakapagsalita pa siya nun at nagdrunk call pa nga siya. Ngayon kasi, bagsak na bagsak siya at di siya nagigising kahit nabalibag siya nila Prince sa kama.

"Mas malala yung noon. Tingnan niyo nga mata, mugtong mugto. Umiyak yan", sabi ko sa kanilang lahat at sabay-sabay kaming tumingin kay Jeron.

"Ano gagawin natin?" tanong ni Jollo sa mga kuya namin na parang di rin mapakali.

"Sunday naman bukas eh. Samahan nating lahat si Jeron at hintayin niyong mag-explain." advice sa aming lahat ni Kuya Almond bago magpaalam at pumunta sa kwarto niya. Bumalik na rin yung iba at sumunod sa kanya. Kami na lang ni Arnold, Jollo, Josh, at siyempre ni Jeron ang natira sa kwarto.

"Guess he'll learn his lesson after this", sabi sa amin ni Arnold habang nakatingin kay Jeron.

"Hope so." dagdag ni Jollo sa sinabi ni Arnold. Pinagmamasdan ko lang lahat habang nag-iisip. Kailangan ng kausap ni Jeron pero kailangan din niya matuto. Panigurado bukas pagkagising neto bukod sa masakit ang ulo, masakit din ang puso.

"He needs to face the consequences though", pagsasalita ko out of blue kaya sabay silang napatingin.

"Wag na natin samahan mag-apologize. Dati kasi sinamahan pa natin eh. Ngayon hayaan natin siyang magsorry sa kanilang dalawa nang siya lang", suggestion ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin at tinanong kung ano nangyari.

"Nagplano kasi si gago. Sabi kay Ara makipagkita kay Thom, tas last na raw yun. Kapag sinabi raw ni Ara kay Mika at nalaman ni Je mas lalala raw sitwasyon, kaya di sinabi ni Ara. Eh kaso naghire pala si Jeron ng pwedeng magpicture kila Thomas and ipost. Nagviral and then ayun", pagkwento ni Arnold bago pa ako makasalita kaya nag-agree na lang ako sa kanya. Gumuhit sa mga mukha nila ang pagkabigla. Hindi na ako nagulat dahil ganito rin reaksyon ko nung nalaman ko kay Arnold yung plano ni Jeron.

"Pano mo nalaman tol?" manghang na tanong sa kanya ni Josh. Bihira kasi mangielam si Arnold sa mga ganitong issue kaya nagulat silang dalawa na siya pa pinaka nakakaalam.

"Narinig ko kasi usapan nila nung hinire niya. Student eh, freshie pa naman. Nauto ni gago", pagkkwento ni Arnold. "Kinausap ko tapos umamin. Totoo raw. Sabi ni Jeron pag sinunod niya, bibigyan nya ng shirt natin na may autographs nating lahat. Now I don't know if we will still pay the kid", nag-aalala niya pang dagdag.

"Tayo na lang kaya kumausap dun sa inutusan niya? Tayo magbayad." suggestion ni Jollo. Tinapik ko nang marahan yung balikat niya at umiling.

"Dapat si Jeron pa rin. Pwede naman tayo mag-advice na lang. Di pwedeng lagi natin siya inaalalayan", payo ko sa kanila at agad ko naman silang napapayag.

"Sige, pahinga na tayo. Bukas na lang uli natin pag-usapan nang maayos." pag-aaya ko sa kanila. Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumunta na sila sa mga kwarto nila.

Nagbihis ako kaagad at nag-ayos dahil napagod din ako ngayong araw. Medyo maaga pa naman pero parang nailabas ko na lahat ng energy na pwede kong ilabas kanina. Naubos siguro sa pagpapanggap na masaya ako para sa kay Ara at Mika. Joke. Masaya naman talaga ako ako para sa kanila, pero ang lungkot din pala pag harap-harapan mong nakikita.

"M-mika..." mahinang pagtawag ni Jeron. Nilapitan ko siya agad at tiningnan. Tulog pa rin siya, sleep talk lang yun. Natawa ako at umiling.

Habang binabantayan ko si Jeron, naglakbay muna ako sa Twitter. Napangiti na lang ako, nang medyo may halong sakit, sa mga nakita ko. Sabog ang twitter notifications ko dahil sa tweet ko kanina.

"@iamthomastorres: it was actually a meeting for a groupwork 🤣 ako rin kasi mismo, shipper nila! #KaRa"

"@iamthomastorres: it was actually a meeting for a groupwork 🤣 ako rin kasi mismo, shipper nila! #KaRa"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I mentally facepalmed myself. Napakaclown ko talaga ;-;

The One for Me - Mika Reyes & Ara GalangWhere stories live. Discover now