34

413 17 5
                                    

Cienne
Last two bands na lang ang magpperform bago matapos ang gig. Malapit na mag12am, grabe. Ilang oras na rin kaming andito. Ilang oras na rin nakakadama ng iba't ibang emosyon ang audience. Party sa Mayonnaise, hugot sa December Ave, hugot na party sa Autotelic, at kung ano ano pa.

Basta ako, ang alam ko lang eh malungkot ako. Lintek na AVO yan. chz. Ayos lang naman na malate siya, kaso kanina, di manlang siya humingi ng tawad. Pagdating niya, ang sinabi lang niya, "Let's go Cienne, i think we're late. The place looks crowded". Aba'y siraulo ka parang ako pa may kasalanan?? bat kase antagal mo??? Chz again. Di naman kami, di rin kami nagliligawan. Basta a few months ago nag-aminan kami, at yun na yon. Hay, ewan ko na.

Pumasok ang Ben&Ben. Naghiyawan ang lahat, at ako naman kinabahan. Di ko alam kung bakit, pero may kutob ako na may mangyayari sakin.

"Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, o mahiwaga"

Pinigilan ko ang sarili ko na maisip si AVO. Pucha malulungkot lang ako, hindi ko na rin kasi alam ano ang aasahan ko sa kanya. Special ba ko sa kanya or what. Roar.

"Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?"

Naaalala ko pa yung araw na una ko siyang nakilala. Nung Animo Rally yon eh. Kumakain lang naman ako ron sa gilid, bigla niya akong tinapunan ng juice. Nagglare pa nga ako non sa kaniya kasi paborito kong sapatos yung nadumihan niya. Namutla siya at sinabi sakin, "hi... you're scary...". Hahahahaha

"Kay tagal ko nang nag-iisa
Andiyan ka lang pala"

Siya yung kauna-unahang lalaki na hindi ko pinigilan ang sarili ko na mahulog. Hindi ko siya pinush away, at di rin ako gumawa ng paraan para magkalayo kami. Hindi ko rin alam kung bakit, basta ang alam ko hindi ko kaya.

"Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw"

Naramdaman kong may humawak ng bewang ko. Pagkalingon ko, si Arnold. Kinagat ko yung labi ko para pigilan ang sarili ko na ngumiti. Di ako papademonyo!!! Galit ako!!! Hahahah

"Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin"

Tinitigan nya ako nang matagal. Nakatitig lang din ako sakanya. Hindi ko na mapigilan, kaya ako na ang nagsalita. "What?", tanong ko sa kaniya na may halong sungit. Onting sungit lang naman, hehe

"Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw"

huminga siya nang malalim at nagsalita, "Cienne... It's been months now since we knew each other then confessed. I discovered how wonderful you are by watching you grow each day. Cienne, you're my dream girl and all I wanna do now is to own you.", seryoso niyang sabi. Unti-unti nang lumalakas tibok ng puso ko.

"Sa minsang pagbali ng hangin
Hinila patungo sa akin
Tanging ika'y iibiging wagas at buo"

Hinalikan niya ang noo ko at ngumiti ako sa kaniya, pero nakatitig pa rin siy sa akin, ibig sabihin, hindi pa tapos ang sasabihin niya.

"Cienne, pwede ka bang ligawan?" may accent niyang sabi kaya natawa ako nang kaunti.

"Of course!" masaya kong sabi sa kaniya

"Payapa sa yakap ng iyong hiwaga"

Niyakap niya ako nang mahigpit. Hay, salamat, kahit papano panatag na ang loob ko.

"Payapa sa yakap ng iyong...
Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama sa 'yo'y malinaw
Mahiwaga
'Wag nang mawala araw-araw"

Nakayakap pa rin siya sa akin habang nagssway nang onti. Para niya akong sinasayaw, kumbaga.

"Mahiwaga
Pipiliin ka araw-araw."

Pagtapos ng kanta, binigyan niya ako ng bouquet of flowers. Okay na kami, di na ko nagtatampo. Rupok ako eh, chz.

Nilipat na nila ang upuan ni Arnold sa tabi ko para magkatabi na kami. Pagkalingon ko sa mga kaibigan niya, nakita ko si Thomas hingal na hingal. Natawa ako sa kanya, pulang pula buong mukha niya! HAHAHA

"Uy thom ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya. Napalingon naman silang lahat sa amin.

"Hah?" lutang niyang sagot. Lahat kami natawa.

"Bat ka hapong hapo sino nang-away sayo hahahaha", tawang tawang tanong sa kaniya ni Ate Aby.

"Eh kasi naman si Arnold! Biglang nagpabili ng bulaklak nung second to the last song na ng Autotelic! Napatakbo tuloy ako!" naiinis na sabi ni Thomas. Natawa naman kami lalo na si Arnold. Tinapik nalang ni Jeron balikat niya habang tawang tawa rin.

Ara

"Araaaaa looook your plan worked!!!" masayang sabi sa akin ni Mika nang makita naming okay na si Cienne at AVO. Lahat kami, kinilig. Pinagmamasdan lang namin sila habang tumutugtog yung Ben&Ben, ayaw lang namin magsalita kasi baka maistorbo sila tas magkahiyaan.

Pero secretly, naghahampasan na lahat dito. Meron ding mga kawawang boyfriend na bugbog na yung mga braso. Hahahaha

"It's OUR plan, Miks!" masigla kong sagot sa kaniya. Kilig na kilig talaga siya. Nako abangan neto pakikiligin ko rin siya. Joke 1/2

"Payapaaaa sa yakaaap AHHH CUTE HIHIHI", pagkanta niya nang onti habang inaalala sila Cienne. Ang cute cute niya di niya na napigilan yung kilig niya at may pagnginig pa siya.

Pinisil ko yung pisngi niya. "Cute cute mo mikmik!!!!" nanggigigil kong sabi. Pero siyempre di ko diniinan kurot ko sa kanya, baka mabad trip di na ako makaporma, hehe.

"Mikmik?" soft niyang sabi at para bang nagpuppy eyes. PUTA MIKAAAA WAAAG

"Call me mikmik always okay? I like it Ara", nagpapababy niyang sabi at nilower nang onti ulo niya at nakangiti sa akin. Hinawakan ko mukha niya at hinalikan siya sa noo.

"Hihi", pacute niyang sabi. Effective naman, ang cute nga kasi niya. Putaaaa ang cuuuute pigilan niyo ko baka pakasalan ko to in five minutes!!

walang char. ;)

niyakap ko siya nang patagilid at hinalik halikan pisngi niya. Bahala na, best friends naman kami diba? Hhhhhh ok joke di ko na ksi mapigilan i just love her so muuuuch hhhhh ano ba toooo mama kooooo

"Araaaaa", malambing niyang sabi sa akin. Parang sasabog puso ko.

Mika
Kanina pa ko naglalambing kay Ara. Hindi ko alam why it feeeeels so good. I had butterflies when she kissed my forehead. I feel at home in her arms. I feel sooo warm when she kissed my cheeks.

For the first time in 3 months, I feel at home again.

The One for Me - Mika Reyes & Ara GalangWhere stories live. Discover now