15

716 19 1
                                    

Jeron
Napahalakhak ako ng malakas dahil sa reaksyon nila. Si Josh naman ay hindi na rin nagulat kasi may one time na nahuli at nakasabay namin sila sa isang restau na medyo tago.

"PUTAKTE! TIGRE NAMAN PALA GUSTO MO ATE WENSH EH!", malakas na hiyaw ni Kianna ng makita ang pic.

"ATE WENSH NAMAN EH!!!! KAILAN PA?", pagdadabog ni Mika kay Ate Wensh. Si Ara naman ay natatawa na lang din sa kanila, katulad naming dalawa ni Josh.

"BAT PARANG MATAGAL NA TO? MAHABA PA BUHOK MO RITO!", pagsunod ni Mikaela sa sinabi ni Mika. Ang galing, Mika and Mika unite! Hahahaha

"Jeric Teng levels ka pala, Wensh!", pagbibiro ni Ate Melissa.

"Oo nga! Bakit hindi ko to alam?", dagdag ni Ate Michele kay Mika, "Sino pang may alam nito? Mel, ikaw?", tanong niya kay Ate Melissa na nasa tabi niya lang. Ang ibang teammates naman nila ay nakikinig nang mabuti sa usapan.

"Wala akong alam, Cess, ikaw?", baling naman ni Ate Melissa kay Justine.

"Di ko rin alam, tinago ni Ate Wensh sa ating lahat!!", pagmamaktol ni Justine kay Ate Wensh. Kitang kita naman sa mukha ni Ate Wensh ang taranta dahil sa iba't ibang reaksyon ng teammates niya.

"Saglit! Makinig!", pagpapakalma niya sa lahat nang may malakas na boses kaya agad namang tumahimik.

"Nagliligawan pa lang kami, okay? Mga getting to know stage ganun. Mga 4 months na rin", pag-amin ni Ate Wensh sa kanila. Napanganga naman silang lahat.

"4 MONTHS!?", sigaw nilang lahat nang sabay sabay. Nagulat naman si Ate Wensh at halatang mas lalong nasindak.

"Ang galing mo magtago ah!", sabi ni Ate Michele sabay batok kay Ate Wensh.

"Oo nga! For the first time may balitang nakalusot samin!", dagdag pa ni Ate Melissa.

"May balitang nakalusot kay Cienne!!!", sabay na sabi nila Cyd, Mikaela at Mika. Natawa ang lahat, pati kami, at napairap naman si Cienne.

"Che ako na naman ang target basta usapang chismosa?", pagsusungit ni Cienne sa kanilang tatlo, "busy ako no! Wala ako time para jan", mataray na sabi niya sa kanila. Nagkatinginan naman si Mika at Cyd na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila.

"Hmm kanino ka busy?", tanong ni Cyd sa kaniya habang nagtataas baba ang kilay.

"H-huh? S-sa pag-aaral m-malamang!", defensive na sagot ni Cienne habang nauutal-utal siya.

"May kwento ako", nakangising saad ni Mika, "a long time AVO... este, ago..", di na tinuloy ni Mika ang kwento niya dahil nagsigawan na naman ang mga teammates niya.

"Confirmed!!!", malakas na sabi ni Ate Michele, tumawa naman ang lahat dahil pulang pula na ang mukha ni Cienne.

"Ah!! Kaya pala!", sabi naman ni Josh.

"Kaya pala ano?", tanong ni Justine sa kanya.

"Kaya pala alam na alam ni Van yung schedule nitong si Cienne", pagsagot ko sa tanong ni Justine kay Josh. Mas lalo pang namula ang mukha ni Cienne kaya mas lalo siyang nakatanggap ng pang-aasar.

"Taray niyo! May artista, may agila, may tigre, may archer! Kulang pa tayo ng falcon, bulldog, maroon, warrior at tamaraw wag papatalo mga sis!!", pang-aasar ni Cyd sa kanila. Gumaan na rin ang atmosphere namin hindi tulad ng kanina. Puro tawanan na lang kami ngayon.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na rin kami na babalik na kami ng dorm. 1:35pm na rin kasi, usapan na 2pm ang foodtrip.

"Maraming salamat po sa inyo, we had fun", nakangiting sabi ko sa seniors nila at umalis na kami ni Josh. Pero bago ako makatalikod para maglakad papalayo ay may pumukaw ng atensyon ko. Si Mika na nakangiti habang inaayos ang buhok ni Ara, tapos si Ara naman ay nakatitig lang sa kanya. Napakasweet talaga nila, kanina pa!

Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga, ngumiti ng mapait at lumayo na.

Ara
Andito kami ni Mika sa gate ng dorm nila dahil papaalis na rin ako.

"Fan ka ng IV of spades?", tanong sa akin ni Mika habang nakangiti ng napakalaki. Ansaya saya ng dating niya ngayon, malaki rin talaga ang natutulong ng pagkausap sa kanya. Kapag natatahimik kasi siya ay mas nalulugmok lang.

"Oo, maganda kasi mga kanta nila. Tapos hindi lang basta kanta, may malalim din na meaning", sagot ko sa kanya. Napatango naman siya.

"Good thing may karamay ako. Nood tayo ng gig nila ha!", masaya niyang sabi sa akin. Napatawa naman ako nang bahagya, sobrang cute niya kasi, mukhang bata. Kinurot ko ang pisngi niya dahilan para mapasimangot siya.

"Aray naman Ara eh", naiinis niyang sabi sa akin kaya kinurot ko uli siya dahil napakacute niya talaga. Hinawakan niya naman ang dalawang pisngi ko sabay inipit ang buong mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. (Sana gets hehe)

Napatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun. Ang cute kasi talaga, nakakaaliw siya.

"Sige na Mika, kailangan ko na ring bumalik sa dorm. Andun na rin kasi si mother- si ate Aby eh.", pagpapaalam ko sa kanya. Nagulat naman ako nang niyakap niya ako ng mahigpit.

"You make me so happy, sobrang salamat kasi pati teammates ko ay pinapasaya mo", sincere na bulong niya sa akin. Lumambot naman ang puso ko at pakiramdam ko ay nanghihina ang mga tuhod ko.

"Basta ikaw", maikling sagot ko sa kanya. Bumitaw na siya sa yakap at naglakad na rin ako papalayo. Kumaway siya sa akin, at humabol pa, "nood tayo ng gig nila ha", pag-uulit niya. "Oo pangako, pag naggig sila nang malapit lang and pag available tayo", nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti na naman siya ng malaki at hinayaan na ako umalis.

Thomas
Hanggang ngayon, lutang pa rin ako dahil sa nangyari kanina sa 7/11. Nakatulala lang ako at patuloy na inaalala yung mga pagtatawanan nila, ang ngiti ni Ara, ang saya sa mga mata ni Ara. Lahat.

Huminga ako ng malalim at nag-ayos na lang ng gamit. Magffood trip kasi kami mamaya maya kaya mas mabuti na yung maayos na lahat ng gamit ko habang wala pang ibang ginagawa.

May kumatok naman sa pinto, kaya bumaba ako para buksan ito. Busy kasi maglaro ang mga senyorito ko rito. Sarap ihagis isa isa eh. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang napakasayang Josh at napakatamlay na Jeron.

"Uy bro kamusta", tanong ko sa kanilang dalawa. Dire-diretsong pumasok si Jeron at hinila ako para sumama sa kanya. Pumasok kami sa loob ng kwarto namin. Nagbihis siya at umupo sa kama niya.

"bro something's weird, ang close nila masyado.", paninimula niya. Halata naman nang ang dalawang crush namin yung tinutukoy niya.

"Baka best friends lang talaga?", sagot ko naman sa kanya. Umiling naman siya sa akin.

"Hindi. Mukha silang mag-asawa maggirlfriend nagliligawan o kung ano man kanina. To the point na mas nagmukha pa silang in a relationship kesa kay Josh at Justine", tuloy tuloy na sagot sa akin ni Jeron. Halata namang nasaktan siya sa nangyari kanina kaya siya nagkakaganyan.

"Eh diba wala pang months nung nagkakilala sila? Baka inaalalayan lang ni Ara si Mika para makapagmove on?"

"Hindi, Thomas eh. Yun gusto ko isipin kaso halatang hindi. Ara likes Mika, it's obvious", sagot niya at huminto sandali, "Iba yung tingin niya kay Mika. At sabi niya may crush daw siya, baka magulat nalang daw ang spikers na biglang isang araw umaakyat na siya ng ligaw sa dorm nila"

May naramdaman naman ako na parang may sumaksak sa puso ko.

"Siguro all we have to do is to analyze them pa. Hindi naman sapat yung isang bagsakan lang", kalmado kong sabi sa kanya, para na rin mapakalma siya kasi parang kanina pa siya natetense.

"Siguro nga, bro. It might take us a lot of months pero kaya naman diba?", pag-eencourage niya sa akin. Tumango naman ako nang walang pag-aalinlangan at nag-apir kami bago bumaba sa sala.

Para sayo Ara. Lahat gagawin ko para sayo.

The One for Me - Mika Reyes & Ara GalangWhere stories live. Discover now