42

276 18 2
                                    

Jeron
Di ko mapigilang mapangisi nung nakita ko na nagviral yung tweet nung taong inutusan kong picturean si Thomas at Ara. Siyempre, walang nakakaalam nun kundi ako. Hindi ko sinabi sa kanilang dalawa dahil alam kong magagalit sila.

Tinext ko agad si Mika dahil nakita kong active siya sa twitter at may nilike siya recently na tweet. Halatang malungkot siya dahil lyrics yun ng Kathang Isip, siguro para kay Ara. Pag pinasaya at pinagaan ko loob niya ngayon, mas magiging close kami at mas madaling magkafeelings siya sa akin at hindi na kay Ara.

From: Mika Reyes
Sure! Nasa Agno ako :)

Mas lalo akong napangiti nung makita ko ang reply niya. Madali lang siya sunduin kasi nasa Henry Sy Hall lang ako nakaupo. Shit, is this the beginning of my happy ending? Hahahaha

"Bro", natigilan ang pagsasaya ko nung inistorbo ako ni Arnold. Mukhang dismayado siya, halatang halata na sa tingin niya pa lang sakin.

"Oh?" maikli kong sagot. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. Tumingin siya sakin nang sobrang matalim.

"Ano yun?" tanong niya sa akin na may halong disappointment sa boses niya. Alam ko naman yung tinutukoy niya eh, it's about Mika and Ara. Yung tweet, yung lunch nila Thomas, lahat.

"Ha? Alin?" pagpapanggap ko na hindi ko alam yung tinatanong niya. Umiling siya sa akin at napabuntong hininga.

"Ano ba, Jeron?" pagalit na sagot niya. Medyo tumaas na ang boses niya pero pabulong pa rin dahil may iba pang mga tao rito na nakatambay at baka marinig kami.

"Wala ka nang dapat malaman." seryosong sabi ko sa kanya nang hindi na tumitingin sa mata nya. Nakatingin lang ako sa baba. "I need to go, susunduin ko si Mika", huli kong sabi at tumayo na.

"Malaman na alin, Jeron? Na pinilit mo si Ara makipaglunch kay Thom para layuan mo si Mika, tapos may inutusan kang picturean sila at ikalat sa social media?" sumbat niya sa akin at inunahan akong lumakad palayo. Napako ako sa kinatatayuan ko at nakaramdam ng kaba. Pano kung may sabihan siya?

I shook off the thought at naglakad na ng mabilis papunta sa Agno para sunduin si Mika. Hindi ko alam kung dapat kong ituloy ang plano ko. Kaibigan ko si Ara, kaibigan ko si Mika, kaibigan ko si Thom. Pero andami nang nawala sakin dahil kay Ara, papayag pa ba ako?

Malayo na ang narating mo, Jeron. Wag ka nang umatras. Para kay Mika to.

Pagdating ko sa Agno, naabutan ko si Mika na nakasimangot habang nakapatong ang ulo niya sa lamesa. Andun si Cyd sa tabi niya na nakaakbay lang sa kanya at hinahagod ang likod niya. Pagkalingon sa akin ni Cyd, tinapik niya si Mika kaya inangat ni Mika ang ulo niya at tumingin din sakin. Nagpakita siya ng pilit na ngiti kaya medyo kumirot ang puso ko.

Let me heal you, Mika.

Kumaway ako sa kanya at lumapit. Tumayo naman siya at nagpaalam na kay Cyd.

"Je, ingatan mo to ha?" bilin sa akin ni Cyd at niyakap si Mika. Kiniss niya rin sa noo si Mika bago kami umalis. Ang cute, parang magkapatid na talaga sila.

Habang naglalakad kami ni Mika, nakatulala lang siya sa kawalan. Sobrang tahimik dahil walang nagsasalita. Hindi rin ako makabwelo kasi halatang wala siya sa mood.

"Mika, okay ka lang?" tanong ko sa kanya at sinusubukan kong pagaanin yung atmosphere namin. Parang nakaahon naman siya sa lalim ng iniisip niya nung nagsalita ako. Ngumiti lang siya nang matamlay at nagsabi ng maikling "Oo". Pagtapos nun, katahimikan nanaman.

"Je", pagbasag niya ng katahimikan. "Describe Thomas."

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya dahil hindi ko inexpect na matatanong niya yun, ever. Sa lahat ng tao, si Thom pa?

The One for Me - Mika Reyes & Ara GalangWhere stories live. Discover now