Someone's POV
"All passengers!! Sumakay na kayo dahil maya-maya ay aalis na ang bus"sabi ng conductor
Nagsisakayan naman ang mga pasahero sa bus. May mga nagtutulakan pa para makasakay. Tumingin ako sa paligid at nakikita ko na masaya silang lahat. Pero bakit parang kinakabahan ako? Wala naman sigurong masamang mangyayari diba? Ganito naman kase palagi. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito pero parang ganun na nga.
Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko na ang pag-andar ng bus na sinasakyan namin ng mga barkada ko.
Hindi ko alam kung bakit nanlalamig ang katawan ko na para bang binabalutan ito ng yelo. Hindi ako mapakali sa biyahe, parang may bumabagabag sa akin pero hindi ko maipaliwanag.
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong isang lalaki na nakaitim at nanlilisik ang mga mata. Nakahood ito kaya napakamisteryoso niyang tingnan. Sa sobrang titig ko sa kanya ay nagulat ako ng may dumaan sa harap ko. Nilingon ko ang taong iyon at nakita ko ang isang babae na may dalang Bata. Hindi ko na siya sinundan ng tingin ng may nagpaupo na sakanya. Lumingon ako ulit sa banda kung saan ko nakita yung lalaki kanina ngunit wala nga siya room. Nilibot ko ng tingin ang buong bus ngunit hundi ko na nakita ang lalaki. Nilingon ko uli ang babaeng may dalang bata ngunit nagtaka ako ng makita yung lalaking nagpaupo kanina ay nakaupo na ulit sa upuan kung saan umupo yung babae kanina.
Nilibot ko uli ang paningin ko sa buong bus ngunit hindi ko parin sila nakita. Siguro dahil na rin sa siksikan ng tao. Overloaded ang bus at ewan ko lang kung bakit walang sumisita dito.
Binaliwala ko nalang ang mga nakita ko.
Baka guni-guni ko lang yon o baka dahil narin siguro sa antok ko.
Ilang sandali lang ay napagpasyahan ko na lang matulog at balewalain nalang yung mga nakita ko kanina.
------------------------------------------------------
Narration:Malupit na pagpapahirap. Gugustuhin mo nalang na magpakamatay kaysa sa maunahan pa ka pang mapatay sa kamay ng iba . Papahirapan ka nila, unti-unti nilang pagpipiraso-pirasohin ang buo mong katawan habang nanonood sila na may galak sa kanilang mga mata. Wala ng atrasan pa, hindi ito laro kung saan willing kang sumali kundi isa itong laro kung saan mapipilitan ka. Mas masaklap na pangyayari mas masaya. If you get out of that place, 1 minute is too long para mabuhay ka pa. Ikaw anong pipiliin mo. Ang tumakas? O Ang sumali sa laro nilang kamatayan?
Characters:
Athena S. Montemayor
Claire P. Salazar
Mark Neil R. Nayal
Joanne A. Lopez
Shaine L. Scott
Carl Joseph P. Rivera
Kent John E. Perez
Chlea Rein S. SanchezA/N: Mag-aadd pa ako ng mga bagong characters. Maybe sa mga susunod na chapters pa. Please enjoy reading guys!!!!
YOU ARE READING
The Unseen Mystery Of The Playground
Mystery / ThrillerThose people just wanted to give themselves a break by having a great yet simple adventure ahead their way but things didn't went out as planned. The worst is about to happen and the only thing for them to do in order to escape is to enter the battl...