Chapter 4

16 3 0
                                    

Claire's POV

Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at niyakap niya ako ng mahigpit. Tinugunan ko naman siya ng isang mahigpit na yakap para maipahatid sa kanya na okay lang sa akin yun kahit na hindi talaga. Niyakap ko nalang rin siya para malaman niya na hindi ako aalis sa tabi niya ng dahil lang sa nangyari.

Hindi ko alam na aabot sa ganito ang mangyayari ngunit hindi ko siya sinisisi. Desisyon kong damayan siya at hindi parin naman tiyak ang mangyayari sa hinaharap.

Natakot rin ako sa sinabi niya. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may nakakita ng gumagaya sayo diba? Parang nagpapahiwatig lang na mamamatay ako.

"O-ok lang ako bes, Okay lang ako" sabi ko nalang sa kanya. Alam ko kasi na sisisihin niya nanaman ang sarili niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami sa building na pinagtatrabahuan namin at pumunta na kami sa café na pinag-usapan namin.

*Café*

Athena's POV

Papasok na kami sa café ngayon at sa di kalayuan ay nakita ko na sila Shaine na nakaupo sa isang mahabang mesa.

"Hoy! Long time no see!" Sabi ni Kent sa amin.

"Yeah" Maikling sagot ko sa kanya.

"Anyare? bad mood? Nakakita ka nanaman ba? Mas nakakatakot ba? O nakakatakot?" Sunod-sunod na tanong ni Shaine sa akin.

"Wait, teka, pareho lang yata yun ah" sagot naman niya sa sarili niya

"Wala lang to baliw" Sabi ko na lang sa kanya.

"Wehhh? Sa dinami dami ng tanong ko wala lang to lang yung isasagot mo?" Hindi naniniwalang reaction niya.

"Tsk.Bahala ka. Itanong mo nalang kay Claire. Tsismosa ka talaga eh" Sabi ko.

"Ikaw talaga, trashy talaga yang attitude mo eh"sagot niya pero agad naman niyang tinanong si Claire at nagsimula na silang magkwentuhan.

"Wahhh! As in? Nakakatakot naman yun!" Pasigaw na tanong niya kay Claire.

"Teka may nakakaexcite ba? Parang excited ka eh" Sabi naman ni Claire sa kanya.

"Hindi naman. Bakit may mali ba sa pagkakatanong ko? Sorry naman kung mukhang excited yung dating pero natatakot rin Naman ako"- Shaine

"Uie! Hinaan mo nga yang boses mo. Kahit na saan ka pa siguro ilagay napakaloud mo. Nakakahiya ka nagtitinginan na yung ibang costumers dito oh" Sita ni Neil sa kanya.

"Wag kang ano! Kung gusto mong sumali edi sumali ka! Dami mo pang satsat eh" Sagot ni Shaine at nagpatuloy na sa pakikipagdaldalan kay Claire.

" Satsat ka diyan. Kahit kailan talaga tong babaeng to madaldal talaga eh" mahinang sabi nalang ni Neil

Ang mga tao na nasa mesang eto ngayon ay ang mga kaibigan kong tumatanggap sa katauhan ko. Tanggap nila kung anong meron ako kahit na medyo kakaiba ako sa kanila.

Hindi nila ako kinatatakutan.

Minamahal nila ako na parang pamilya.

Sila yung dumadamay sa akin simula pa nung elementarya pa lang kami.

"Ahhhh. Ganun pala yun? Kaya pala parang matamlay ka. Ba't kasi hindi ka nag-oopen sa amin. Ang creepy kaya non tapos sinasarili niyo lang? Aba! Hindi ata tama yon. What's the use of us kung hindi ka rin naman magoopen- up sa amin." - Shaine

"Hindi kasi siya katulad mo na madaldal. Minsan kasi matuto kang itikom yang bibig mo noh? Shaine?" Mapang-asar na sabi ni Carl sa kanya.

"Tsk. Akala mo kung sino. Wag niyo na yang papansinin ahh!" Sabi niya na parang batang naghahanap ng kakampi.

"Yeah yeah Mukha namang susundin ka nila."

"Edi wow! Ikaw na! Pasalamat ka kaibigan kita! Kung Hindi pa Naku! Titirisin talaga kita ng parang kuto" Gigil na sabi ni Shaine.

"Owwsss? Nanggigigil ka? Cute ko kasi noh?" Pang-asar na sabi ni Carl

"Ikaw na CUTE!____" Hindi natapos ang pagsasalita niya ng sumingit na naman si Carl.

"Yiee! Cute ko daw ohh! No need to mention Shaine alam ko na yon since birth" Proud na sabi niya. Minsan talaga may kakapalan din ng mukha yung mga kaibigan ko. Ahh nakalimutan ko kami pala lahat.

"Pwede patapusin mo muna ako? CUTE means Certified Ugly Technically Ewww." Asar niya kay Carl.

"Tsk. Hindi na tayo friend hmpp." Parang batang ni Carl

"Itigil niyo nga yan ang sagwang tingnan promise" - Claire.

Ganyan talaga kaming magkakaibigan. Nag-aasaran kami pero may care rin naman kami sa isa't isa. Halos lahat naman siguro noh? Masaya ako na may kaibigan ako na katulad nila, yung tipong malalapitan mo sa lahat ng oras at tanggap ka kahit na hindi ka gaya ng ibang tao na halos perpekto. Sana magpatuloy itong pagkakaibigan namin habang buhay ng walang mawawala at walang magtatraydor.

A/N:CTTRO nalang yung meaning ng CUTE guys galing sa mga classmates ko.😂
Sa mga nagbabasa nito, Thank you!!😘

The Unseen Mystery Of The PlaygroundWhere stories live. Discover now