Chapter 8

16 4 0
                                    

Claire's POV

  Kumakain ako ngayon sa sala ng marinig ko na may nagdoorbell. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon at wala rin naman akong mga inorder sa online. Baka may mga bata na namang pinaglalaruan ang doorbell ng bahay namin.

   Tumayo nalang ako at lumabas ng bahay para buksan ang gate kahit na hindi ko alam kung may tao nga bang naghihintay o wala.

Pagkabukas ko ng gate ay nagulat ako nang pumasok agad si Shaine habang bakas sa kanyang mukha ang pagkataranta.

  "Hoy anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya

  "Naniniwala na ako Claire." Shaine

  "Naniniwala ka sa ano?" Tanong ko

"Naniniwala na ako sa mga sinabi mo kanina." Sagot niya habang nanginginig sa takot.

" Teka lang  mas mabuti pa na pumasok na muna tayo sa bahay" sabi ko sa kanya. At inalalayan ko siya papasok ng bahay.

  "Ano ba ang nangyari?" Tanong ko at inabutan ko siya ng tubig para huminahon.

   Agad naman siyang umupo at nagsimulang magsalita.

  "Kanina kasi, habang naliligo ako ay may narinig akong pumasok sa kwarto. Hindi ko nalang naman iyon pinansin dahil akala ko bumisita lang sina mama. Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa baba para tingnan kung nasaan sila ngunit Hindi ko naman sila nakita. Inisip ko nalang na baka imagination ko lang iyon kaya napagpasyahan kong bumalik nalang sa kwarto ko."

   Nagpatuloy lang siya sa pagkukwento habang nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

    Nang matapos na siyang magsalita ay agad ko siyang niyakap.

    Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon. Bakit nagpapakita sa amin ang mga masasamang elemento? Hindi naman siguro nakakahawa yung kakayahan ni Athena. Pero hindi ko maiwasang isipin iyon. Hindi ko rin naman siya sinisisi sa mga nangyayari sadyang nag-iisip lang ako ng mga posibilidad na sanhi kung bakit ito nangyayari sa amin ngayon.

   Ngunit nasisigurado ko na may masamang mangyayari. Ramdam ko na may darating na masama.

   Pinatulog ko nalang si Shaine sa bahay namin dahil hindi niya gustong umuwi. Naiintidihan ko ang takot na nadarama ni Claire sa mga sandaling ito sapagkat naramdaman ko rin ito ng makita ko ang imahe ng isang nilalang na lubos na kinasusuklaman ng maraming tao.

Carl's POV

    Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari.

     Nag-aalala ako sa kapakanan ng mga kaibigan ko dito at lalo na yung ibang mga kaibigan namin na nasa ibang bansa.

 
May masamang kutob ako sa mga nangyayari ngayon. Mukhang may hindi magandang mangyayari. Parang pamilya ko narin ang turing ko sa mga kaibigan ko kaya't labis ang kaba na nararamdaman ko ngayon na may halong pag-aalala.

  Nandito ako ngayon sa bar at umiinom akong mag-isa. Iniisip ko parin ang mga nangyari. Maraming mga babae ang lumalapit sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Wala ako sa mood na makipaglandian ngayon.

  Uminom lang ako ng uminom hanggang sa naramdaman ko na nalalasing na ako.

  Binayaran ko na ang mga nainom ko at napagpasyahan ko ng umuwi ng bahay para makapagpahinga.

   Pumunta na ako sa parking lot at agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito.

   Napakatahimik ng kalsada. Wala akong nakikitang ibang  nagdadrive kaya pinabilisan ko ng takbo ang aking  sasakyan.

  Malapit na sana ako sa tulay ng biglang may tumawid sa kalsada. Agad akong napapreno. Napakamot ako sa batok at lumabas ako ng sasakyan.

   Nawala ang pagkalasing ko dahil sa kaba. Tinignan ko ang palibot ng kotse at pati narin ang kalsada.

   Wala naman akong nakikitang tao na nasagasaan ko. Inisip ko nalang na baka epekto lang ito ng alak na ininom ko.

  Pumasok nalang ako uli sa kotse at inisip ko nalang na guni-guni ko lang iyon dahil sa aking kalasingan.

   Pagkapasok ko sa kotse ay agad akong napabuntong-hininga. Akala ko ay makukulong na ako.

  Tumingin ako sa salamin sa harap para makita kung may sasakyan bang nakasunod ng biglang,

"Ohhh!!! SH***ttttt." Napamura ako at agad na lumabas sa sasakyan.

  May nakita akong isang lalaki na napapalibutan ng maiitim na usok na may napakalawak na ngiti. Kinikilabutan ako sa nakita ko. Sigurado akong hindi na ito epekto ng kalasingan ko.

  Tinignan ko siyang mabuti at nakompirma ko na ang nakikita ko ngayon ay isang..

DEMONYO

   Unti-unti na itong naglaho at hindi ko na siya nakita sa paligid. So, totoo pala talaga ang sinasabi nila.

  Aaminin ko na natakot ako sa kanya. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan ko pang magmaneho pauwi .

   Pumasok na ulit ako sa kotse at umuwi na ako sa bahay. Mabuti na lamang ay hindi ko na uli ito nakita sa daan habang pauwi na ako ng bahay.

A/N:Thanks for reading. Please leave your comments and don't forget to vote.. Thank you!

The Unseen Mystery Of The PlaygroundWhere stories live. Discover now