Chapter 1

44 4 0
                                    

Athena's POV

Napaka busy ng mga tao na nasa paligid ko ngayon.

Maraming nag-iingay at marami ring mga tao na napakamisteryoso.

Nasa isang library ako ngayon, pero bakit ang ingay?

Hindi man lang sila sinisita ng mga guro.

Bingi ba ang mga tao dito? Hindi ba nila naririnig ang ingay dito?

Ako lang ba ang nakakarinig sa kanila?

Sinubukan Kong magsalita. Ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Sinubukan kong sumigaw ngunit parang ninakaw ng kung sino yung boses ko. Nahilo ako nang may humampas sa akin ng isang libro. Iniangat ko ang ulo ko para makita kung sino yung pumalo sa akin. Aangal na sana ako ng magsitayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko ng makita ko ang taong pumalo sa akin.

Isa itong babae na walang bibig, walang mata, at walang ilong natatabunan ng mataas niyang buhok ang kalahati ng kanyang mukha. Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at pinagtangkaan kong tumakbo pero hindi ako makalayo sa lugar. Tumatakbo ako sa lugar na kinatatayuan ko ngayon.Unti-unting lumalapit ang mukha ng babae sa akin nang...

Magising ako sa sampal ni Claire

"Hoy gaga!! Binabangungot ka na naman! Bumangon ka na nga diyan! Magpalit ka ng damit mo dun!! Punong-puno na ng pawis yang damit mo!" Mala inang sabi ni Claire.

" wait ka lang diyan! Kakagising lang ng tao eh! " Naiiritang sagot ko sa kanya. Sino ba namang hindi mababadtrip? Ang aga palang dumadada na yung kaibigan kong maingay.

"Tungkol saan na naman ba yung bangungot mo ngayon?" Usisa niya sa akin

"Wala lang yun, wag mo ng alalahanin.." Sabi ko sa kanya

"Wehhhh..sigurado ka? Tungkol sa mga multo na naman yan noh?" Tanong niya.

"H-huh?! Hindi ah!!" Depensa ko

"Sus! Ano ba naman yan! Simula bata pa tayo nakakakita at nakakarinig ka ng mga multo at ngayon napapanaginipan mo na?"

"Wala  na naman tayong magagawa ehh. Simula 3 years old ako ay nakakakita na ako ng mga multo.." Sabi ko

"Noon nakikita at naririnig mo lang ngayon napapanaginipan mo na. Ano ang susunod si kamatayan na naman ang magpapakita..??"

"Grabe ka huwag naman sana" Sabi ko sa kanya.

"Ano ba kasi nangyari sayo nung bata ka pa?" Tanong niya

"Ang natatandaan ko lang ay nagkasakit ako nung bata pa ako. Sabi pa nila daddy na muntikan pa daw akong mamatay. Simula noong gumaling na ako ay nagsimula na akong makakita ng mga iba't ibang klase ng kababalaghan. Hindi pa nga ako pinaniniwalaan ng mga parents ko nung una dahil nga daw guni-guni ko lang yun dahil sa pagkakaospital ko ng mahabang panahon. Ay teka, ilang ulit mo na itong tinanong sa akin ha?" Sabi ko sakanya

"Kasalanan ko pa? Eh sino naman yung palaging sumasagot? At tsaka may point naman sila besh ehh." Wika niya

"ehh sino ba kasi ang nagtanong diba ikaw? At tsaka wag mong sabihin na hindi mo rin ako pinaniniwalaan" Tanong ko

"Hindi naman sa ganon, baka kasi may koneksyon talaga yung pagkakaospital mo sa mga nangyayari sa iyo ngayon. O baka naman may nagbigay ng orasyon sayo. Yung mga alam mo na?"

Natahimik ako sandali at napaisip. Sa matagal na pagkakaibigan namin ni Claire ngayon lang pumasok sa isip niya na baka may nagbigay nga ng orasyon sa akin. At dahil magkaibigan kami, ngayon ko lang din yun naisip ulit. Hindi kaya totoo nga? Hindi ko rin naman kase masyadong tinatanong sina mama tungkol doon eh baka kase mag-alala na naman sila sa akin.

" Iyan rin ang matagal ko ng iniisip ehh. Ano kaya ang koneksyon ng pagkakaospital ko sa mga kababalaghan na nangyayari sa akin ngayon?"tanong ko nalang sa kanya

"Ewan ko sayo! Pero hanggang ngayon natatakot ka pa rin ba sa kanila?" Tanong niya

"Depende sa mga hitsura nila at sa kung paano sila gumalaw." Sagot ko sa kanya.

"Ngayon dito sa kwartong ito may nakikita kaba?" Tanong pa niya ngunit matatakutin naman. Tsk.

Linibot ko ng tingin ang paligid ng kwarto at wala akong nakita, Tiningnan ko uli si Claire at...


"Ahhhhh! Umalis ka diyan!" Sigaw ko habang tinutulak ko si Claire palayo.

Oo. Napagdesisyonan kong takutin siya.

"Hoy! Gaga ano ka ba? Tinatakot mo na naman ako ehhh!" Sabi niya sabay yakap sakin.

"Th-this time Claire.. Hindi na talaga ako nagbibiro. Nilibot ko kasi ng paningin ang palibot nitong kwarto na to at wala akong nakita.. Pagtingin ko ulit sa iyo ay nakita ko sa likuran mo ang isang babae na nakaitim na nakalambitin pabaliktad sa likuran mo." Sagot ko sa kanya habang sinisikap kong wag tumawa.

Oo na masama na akong kaibigan pero bakit ba? Trip ko eh.


A/N: Thank you for reading guys!!!

The Unseen Mystery Of The PlaygroundWhere stories live. Discover now