Athena's POV
Takot na tumago si Claire sa likod ko.
Umakto akong tumingin kung saan ko kunwaring nakita yung multo kanina.
And like wtf! Seryoso? Totoo nga! Nakaramdam ako ng takot dahil it was supposed to be a joke pero naging totoo. Ano na bang nangyayari sa akin ngayon? Ba't nagiging ganito?
Simula nung bata pa ako nakakakita ng mga kababalaghan ngunit hindi ko talaga maiwasang matakot sa mga nagpapakita sa akin.
"H-h-hoy! Wala na ba?" Tanong ni Claire saakin habang nakatago sa likod ko.
"Oo Claire, Wala na. Kumalma kana diyan OK?" Mahinahong sabi ko sakanya at pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit para mabawasan ang ang takot niya. Hindi naman siguro pagsisinungaling yun diba? Naging totoo naman kasi eh.
Simula bata palang kami ay alam na niya na may kakaiba sa akin pero imbis na layuan niya ako ay palagi niya akong sinasamahan lalo na kung umaalis sina Mommy dito sa bahay para asikasuhin ang kompanya namin.
Sinabihan niya ako na huwag daw akong matakot ngunit siya ang unang nanginginig saaming dalawa. How ironic right?
"Uie Bessss..OK ka na ba?" Tanong ko sakanya sabay abot ng baso ng tubig. Nakokonsensya rin naman ako kahit papano ano.
"Oo ok na ako Bess. Nangbibigla ka kasi ehhh! Ikaw talaga pag nalaman kong pinagloloko mo ako malilintikan ka talaga sa akin" sambat niya sa akin
"Sorry naman kasi. Nabigla rin kasi ako ehh!" Sagot ko sakanya
"Bakit ba kasi lumalala na yan! Noon minsan lang naman silang magparamdam sayo ahh!" Sabi niya
"Ewan ko nga rin... Hindi ko rin alam." Nalilitong tugon ko pero bakit nga ba?
"Sana naman walang masamang mangyayari.." -siya
" Ano ka ba.. walang masamang mangyayari okay? Siguro sa stress lang to. Oh sige maliligo na muna ako ha? Okay ka na ba diyan?" Tanong ko sa kanya
"Oo kaya ko na sarili ko pero bilisan mong maligo ahh? Baka kasi alam mo na.. at tsaka malalate na tayo"
"Oo na! Hintayin mo nalang ako sa baba" sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa CR para maligo
Pagkatapos Kong maligo ay agad akong nagbihis at lumabas na sa kwarto.
"Tara na! Late na tayo sa trabaho natin ehh!" Sabi ko. Yes, may trabaho ako. Hindi ko inaaksaya ang perang pinaghirapan ng mga magulang ko.
" At ako pa talaga sinasabihan mo niyan noh? Ikaw kasi ehh! Ang tagal mong gumising! Sure kaltas nanaman yung sweldo natin ngayon." Sisi niya sa akin.
"Sorry naman hhehehe" nakapeace sign kong sabi sa kanya
"posing mo laos. Oh, Sige tara na nga!"
Kinuha ko na ang mga gagamitin ko sa trabaho at agad na kaming nagtungo sa opisina na aming pinagtatrabahuan.
*Office*
"Good morning Sir." Maamong sabi namin ni Claire na tila ba nasaniban ng kung sinong mabuting kaluluwa
"Oyy! Kayong dalawa! Bakit ba palagi kayong nalelate? Napakarami ng trabaho dito tapos ang kukupad niyo! Gusto niyo bang mawalan ng trabaho?" Pagalit na sigaw ni Boss Randie sa aming dalawa.
Bahagya kaming nabigla sa sigaw niya. Para kasing naging isang barakong lalaki siya. Hindi kasi kami sanay na ganun yung boses niya. Palagi kasi niyang ginagamit yung malandi niyang Boses. Pang-akit ng gwapong katrabaho tone as if naman may nafafall. Tsk.
"Sorry po Sir!" sabay na sagot nalang namin ni Claire.
"Sa susunod ay huwag na kasi kayong kukupad kupad! Napakarami na ng mga costumers ang tumatawag sa linya niyo! Ano sa tingin niyo? Nahahati tong katawan ko?" Pasigaw niyang sabi.
"Sorry po Sir." Sabay na naman na sabi namin ni Claire.
" Paggwapo yung nalate okay lang tapos pag maganda galit" bulong ni Claire
"Hmm? May sinasabi ka?" Mataray na tanong niya kay Claire kaya siniko ko yung Gaga
" Hmm? Wala po ma'am" pagsisinungaling ni Claire na may halong pamimilosopo yung tono
"Anong tinatayo-tayo niyo diyan? Magtrabaho na kayo!" Utos niya saamin kaya umalis na kami sa harap niya
Nung tumalikod na kami ay ginaya-gaya namin ang nakakaasar na mukha ng bakla naming boss. Tsk.
A/N: Thanks for reading guys!! Alam ko na medyo maraming boring na part.. Pero pakitiis nalang he he...😂😂😂😂Alam ko na medyo may pagka OA..kaya pakitiis nalang din!! Maybe sa mga susunod na araw ko pa mapapublish yung ibang chapters..
YOU ARE READING
The Unseen Mystery Of The Playground
Mystery / ThrillerThose people just wanted to give themselves a break by having a great yet simple adventure ahead their way but things didn't went out as planned. The worst is about to happen and the only thing for them to do in order to escape is to enter the battl...