Unworthy

141K 2.7K 108
                                    

DALAWAMPU

Some people say that love is not the main ingredient of a relationship, it is trust. Tiwala dapat ang nasa gitna ng isang relasyon. Hindi atraksyon, hindi rin pagmamahal. Pero hindi ako naniniwala doon. I love Hannah. Yun lang ang alam ko.

Oo, gago ako. Gago ako dahil naniwala ako kay Edward at Danica. Gago ako dahil nagpadala ako sa takot ko. Inisip ko na baka iwan na naman ako ni Alhannah at baka hindi ko na iyon kayanin. The brat is my lifeline. Kapag nawala siya, hihinga pa rin ako. Pero hanggang doon na lang ako. Wala ng kulay kapag wala ang kaartehan niya. Kapag wala na ang kaingayan niya.

Binuksan ko ang pintuan ng pad ni Edward at walang sabi sabing pumasok dito. Napatigil pa ako sa paghakbang ng makita si Danica sa ibabaw ni Edward at naghahalikan. I gritted my teeth. Mukhang naiinitindihan ko na nga talaga ang lahat.

"Ed..please..take me.." Danica pleaded. Edward chuckled at tinulak si Danica.

"Saka na. kapag naging ikaw na si Hannah--"

Hindi ko na ito pinatapos. Hinila ko si Danica mula rito at dinamba si Edward. Sinakal ko siya habang si Danica naman ay hinihila ako paalis.

"Bitawan mo siya Adam!"

 

"Mga manloloko kayo! Mga walanghiya kayo! Sinira ninyo kami ni Alhannah!" I screamed. Edward tried his very best para maialis ako sa ibabaw niya and he almost choked. Hinila ko ang kwelyo niya at dinala siya sa terrace niya.

"A-Adam please.." Danica shakingly said. Inilagay ko si Edward sa gilid ng terrace niya. Konting tulak ko lang rito ay maari na siyang malaglag.

"A-adam please..wag mo siyang saktan.." Danica further pleaded. Tiningnan ko ito bago tumawa ng mariin.

 

"Sige Adam. Ilaglag mo ako. Nothing will change now. You chose to believe me rather than to believe Hannah. Wala na siya--"

"Hayup ka Edward!!" sigaw ko at lalong hinigpitan ang hawak rito. I heard Danica's cries pero hindi ako natinag. Ngumisi lang si Edward sa akin.

 

"Ako. Ako ang totoong nagmamahal kay Alhannah! If it's not for you, ako sana ang mahal niya ngayon! I am the man for her! not you!"

 

"How dare you!" I screamed and punched him hard. Dinuro ko siya at agad naman siyang dinaluhan ni Danica.

"You never loved her! dahil kung mahal mo siya,palalayain mo siya!" I pointed at him. Tumawa lang ito at pinunasan ang duguan niyang labi.

 

"Nagsalita ang totoong nagmamahal sa kanya. You don't love her too Adam. Dahil kung mahal mo sya, magtitiwala ka sa kanya. But you didn't because you don't love her the way that I do. You're not worthy of her." he said. Napatigil ako at tumitig dito.

"Kung mahal mo siya, hindi ka maniniwala sa sulat na gawa gawa ko lang. hindi ka maniniwala sa lahat ng kasinungalingan na inimbento ko. Hindi ka maniniwala sa litrato."

 

"Kung mahal mo siya, hindi mo siya papahirapan noong bumalik siya. kung mahal mo siya hindi mo na sana siya sinaktan. Kung mahal mo siya, hindi mo siya papaiyakin. Wag kang sira ulo Adam. Sa ating dalawa, ako talaga ang nagmamahal." He hissed. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at sinuntok pa siya ng mas malakas.

The Sweetest Lie (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon