Meetings

137K 2.9K 96
                                    

IKASIYAM NA KABANATA

 

 

 

 

"I want the second floor to be more European themed than the first floor.  Maglagay ka rin ng isang floor to ceiling na window overlooking the whole night sky. Make the terrace more kid friendly. Lalo pa at plano namin ni Ericka na magkaanak agad right after the wedding. Hindi ba, babe?" napalunok ako ng magiliw na tumingin si Adam kay Ericka na tahimik na nakatingin sa akin. Nasa office ko sila ngayon para sa design ng bahay nilang dalawa.

I sighed at kinagat ang labi. Nakailang beses na akong palit ng mga models dahil bawat segundo nagpapalit si Adam ng isip. Kanina ayaw niya ng may terrace, ngayon gusto na niya. Kanina ayaw niyang maglagay ng second floor, ngayon gusto niya. Pasalamat siya, nagiging professional ako, dahil kung hindi ilalabas ko na talaga ang pagiging bratinella ko at makikita niya ang gulong hinahanap niya.

Adam kept on running his finger on his lips, as if he is suppressing a smile. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy sa pag cucutter ng mga figures para sa first floor na nafinalize na niya.

 

"I like Hannah's idea more than yours babe. Mas maganda kung Mediterranean ang style. Alisin na lang nating yung floor to ceiling na window. Nakakahilo yun." Ericka hugged Adam's arm tighter. Hinigpitan ko ang hawak ko sa cutter para hindi sila mapansin.

 

"Okay, if that is what you want baby. I love you--"

"Aaw! Pakshet!" napatayo ako dahil dumulas ang cutter sa kamay ko at nasugatan ang palad ko.

"Oh my gosh Hannah! Ayos ka lang?" lumapit si Ericka sa akin at hinawakan ang nagdurugo kong kamay. I took my hankie at tinapal doon bago tumango.

 

"I'm fine. Pagusapan muna ninyo ni Mr. Samaniego ang design. Nasa banyo lang ako. I'll just clean this." Paalam ko. I breathed hard. Come on Hannah, this is just blood. Kinuha ko ang first aid at nagsimula ng hugasan ang sugat ng tumunog ang phone ko. I took it and put it on loudspeaker.

"Hello?"

"Bon 'jour!" then he laughed. Kahit masakit ang sugat ko, napatalon pa rin ako sa tuwa ng marinig ang boses niya.

"Eddie!" I shrieked. His laugh filled the four walls of the comfort room.

"How are you there munchkins?" his tone was very sweet. I bandaged my cut and put the phone on handspeaker.

 

"I'm fine. Nasa firm ako ngayon. Ikaw?"

 

 

"I'm with Colt. Ang kulit ng anak natin!" then he started narrating my son's activities. Tawa ako ng tawa sa sinabi niya.

"Papa Ed!! Me! Me! Me!" Colton shouted. Narinig ko namang nag away silang dalawa sa phone pero sa huli ang anak ko pa rin ang nanalo. Naku, spoiled din yata ito. Kanino kaya nagmana?

 

 

 

The Sweetest Lie (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon