Chapter 1

11K 91 2
                                    

"Hoy!" Tiningnan KO lang ng masama ang katabi KO dahil sa pagsiko nya sa akin. "Ayusin mo ang paghigop ha? Pag nahulog ang card iisipin KO na sinadya mo at may gusto ka sa akin."

Pinaikot KO lang ang mga Mata KO dahil sa tinuran nya. As if naman noh!? Kahit naman gwapo si Lion di KO pa din sya type. Iba ang gusto KO na unfortunately nakapwesto sa may harapan namin.

Naglalaro kasi kami ng "suck and blow". Ung credit card ni Sandy ang gamit namin. Ang mechanic ng laro ay simple lang, isa-suck ng isa ang card gamit ang bibig at ipapasa ito sa isa pa na isa-suck din habang ibo-blow naman nung kaninang nagsa-suck.

Wala na kasi kaming magawa dahil tapos na ang midterm exam namin kaya nagkayayaan na mag inuman bago bumalik ng school ulit sa Monday.

"Kapal mo talaga! As if naman noh!" Mataray Kong sabi sa kanya sabay irap.

"Tss! Kunwari kapa!" Nakangisi nyang sabi sabay bangga ng braso nya sa braso KO. Sumimangot nalang ako at nilagpasan sya ng tingin. Dalawang tao nalang kasi at sya na ang susunod.

"Hoy Leon! Kaw na! Tama na ang pagpapacute kay Tisay!" Sigaw ni Karl na sinasabi Kong crush KO. Tisay ang tawag sa akin dahil half Australian ako.

Hiwalay na ang parents KO pero may contact pa KO sa dad KO. Nung maghiwalay sila, gusto ni dad na sa Australia ako manirahan pero Hindi pumayag si mama. Kaya ngayon, pumapasyal nalang ako sa kanya every summer break para makasama KO sya at ang half brother KO.

Mas matanda sa akin ang half brother KO at spoiled ako sa kanya. Nagpapasalamat nga ako dahil taliwas sa inaasahan KO, napakabait ni Tom, my half brother, sa akin. Pinapasyal pa nya KO kung saan saan pag NASA Australia ako. Sayang nga lang daw dahil ayaw pumayag ni mama na i-apply ang citizenship KO.

Nagsisigawan na sila ng muntik ng mahulog ang card ng ipasa ito ni Hayley Kay Lion. Di KO alam kung sino sa kanilang dalawa ang nanadya para muntik na itong mahulog pero naging maagap naman si Lion kaya humarap na sya sa akin na higop higop ang card.

Pinatagal KO ng ilang Segundo para mahulog na nya ang card kaya pinanlakihan nya KO ng mga Mata. Pinaikot ko lang ang mga Mata KO dahil naiinis parin ako sa kanya.

Inilapit KO na ang mukha KO sa kanya para idikit ang nguso KO sa card pero laking panggilalas KO nalang ng tumama ang mga labi KO sa labi nya imbes na sa card!

Hinawakan pa nya ng likod ng ulo KO para lalong magdikit ang mga labi namin. Dahil na rin siguro sa shock kaya Hindi KO sya maitulak palayo. Nanlalaki lang ang mga Mata KO na titig na titig sa kanya kahit na halos magkandaduling duling na KO. Para akong napaparalisa sa ginagawa nya pero sobrang bilis naman ng tibok ng puso KO. Lahat nag shut down bukod sa aking puso dahil dinig na dinig KO pa to sa may bandang tenga KO.

Napasinghap ako ng maramdaman Kong kumikibot kibot na ang mga labi nya at pilit na ipinapasok ang dila nya sa loob ng bibig KO.

Bigla akong natauhan at naitulak KO sya. Sasampalin KO na Sana sya pero maagap nyang nahawakan ang kamay KO.

Pinanlisikan KO lang sya ng tingin at saka lang ako naging aware sa paligid KO. May mga nagsisigawan pa din kahit na sobra na ang tensyon sa pagitan namin. Yung iba naman napapasinghap ng tingnan KO isa isa ang mga kasama namin.

Matalim pa din ang binigay Kong tingin sa kanya ng balingan KO sya. Nakita KO namang tumiim ang mga bagang nya. Ha! At sya pa ang may ganang magalit! Gusto KO syang murahin, pagsisigawan at saktan physically.

Kung kanina bumilis ang tibok ng puso KO dahil sa pagkuha nya sa first kiss KO, ngayon naman, sobrang nagpupuyos ang loob ko sa galit!

"How could you?!" Halos pabulong KO lang na nasabi sa sobrang galit. Nanggagalaiti pa ang mga ngipin KO sa pagpipigil ng galit KO.

Nakita KO namang nagbago ang expression nya na parang pinagsisisihan nya ang ginawa nya. Dapat lang no!? Napaka nya!

"I...i-i..." Bumuntong hininga lang sya at yumuko. Nakita KO pa ang guilt sa mga Mata nya.

"I so hate you!" Galit na sabi KO while emphasizing each word. I can't believe him! OK lang yung mga biro biro nya. Natotolerate KO pa. Pero ito? Wala akong maapuhap na ibang salita kundi "galit" sa nararamdaman ko.

Tumalikod na KO at pumunta sa may verandah ng condo in Sandy. Baka kasi may masabi at magawa pa KO na pagsisisihan KO. Di naman ako makauwi dahil sinundo lang ako nila Karl kanina.

Humawak ako sa railing at huminga ng malalim bago tumingala. Naiinis pa din ako pero Hindi na kasing intense katulad kanina.

"Eherm." Nagulat man ako sa tumikhim pero Hindi ako bumaling agad sa kanya. Seriously!? Di ba pwedeng paupahin KO muna ng tuluyan ang galit KO bago nya KO harapin ulit?!

"What do you want?" Malumanay lang ang tinig KO pero kababakasan ito ng galit.

"Hrm.. I... I'm. .."

"Kung wala kang sasabihin pwede bang iwan mo muna ako?" Hinarap KO sya pagkatapos at nakita KO syang nakayuko habang hawak ang batok.

"I'm sorry OK?" Nagsusumamo nyang sabi at nag puppy dog eyes pa! Akala ba nya madadala nya KO sa ganito!? Kahit na ba ang cute cute nyang tingnan at first time Kong nakita syang nagsusumamo, pinapatatag KO pa din ang sarili KO.

"TSS! Maibabalik ba ng sorry mo ang first kiss KO!?" Di KO na maiwasang di mapasigaw dahil nabuhay na naman ang galit KO.

"Well... I... I can give... It back." Kakamot kamot pa nyang sabi.

"Bwusit ka!" Sinugod KO sya ng mga sampal at bugbog habang sya naman nakasangga lang ang mga kamay para di tamaan. "Joke ba yon!? Tingin mo ba nakakatawa ka!? Kalbo ka ba!? Walangya ka!! Ang bastos mo! Manyak!" Dire diretso KO lang sabi habang pinagbabayo KO sya.

"Sorry naman. Aray! Masakit yun! Gawa ba sa bakal ang kamay mo? Pero mukhang malambot naman tulad ng mga labi mo." Natatawa pa nyang sabi habang patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya.

"Walangya ka talaga! Bastos!" Pahina na ng pahina ang mga suntok KO at ang Boses KO.

Sinakop ng dalawang kamay nya ang mga kamay KO at nilapit ako sa kanya. Ng maramdaman nyang tapos na KO sa pananakit sa kanya, niyakap nya KO at hinahalikan sa buhok.

Alam KO nanananching na sya pero wala na Kong lakas pa para magprotesta, sumabay pa ang panginginig ng mga tuhod KO at pagbilis ng mabilis KO ng tibok ng puso KO.

"Tama na, love. Pananagutan naman kita. Simula ngayon girlfriend na kita." Naitulak KO sya ng di oras sa sinabi nya.

"What are you talking about!?" Sigaw KO sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Just like that! Parang nabuhay na naman ang galit ko.

"Di ba ganun naman talaga?" Nakakunot noo pa nyang paliwanag at napakainosente pa ng mukha na para bang walang kamuwang muwang sa mundo. "Yung lolo ko nga nahawakan lang ang kamay ni Lola nagpakasal na. Dapat nga kasal na agad ang sa atin pero dahil mas modern na ngayon kaya hanggang magkasintahan na muna."

Unbelievable! Nakakabilib talaga ang utak ng isang to. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, sya lang talaga ang sobrang kapal ng apog. Ang sarap tabasan ng mukha!

Umiling iling nalang ako at nilagpasan sya para pumasok ulit sa loob ng sala. Nag-iinuman na sila ngayon at nagkukwentuhan.

Binigyan lang ako ng tingin ng iba habang ang iba naman ay deadma lang.

"Sandy, Una na ko." Paalam ko sa kanya habang kinukuha ko ang purse ko.

"Sinong maghahatid sayo? Lasing na yung isa." Nginuso lang nya si Karl na nakabulagta na sa isang sofa.

"Magtataxi." Nagpaalam na rin ako sa iba. Kinuha ko na ang bag ko at dire diretso ng umalis. Kundi pa ko aalis baka lalo lang madagdagan ang galit ko.

The Kissing Game Series 4 - Suck and BlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon