"Charm!" Kahit di ako lumingon alam na alam ko kung sino ang nag mamay ari ng Boses na yon.
"Karl! Musta? Naligaw ka ata? Walang mga chickas dito." Pabiro Kong sabi sa kanya.
Nandito ako ngayon sa madalas naming tambayan ni Lion.
"Nasaan si Leonardo? Mag isa ka yata ngayon? Simula ng naging kayo di na humiwalay sayo ah?" Nakangiti nyang tanong habang umuupo sa tabi ko.
"Bumili lang ng food. Nagrereview kasi kami para sa finals. Kaw bat di ka ata nagrereview?" Nakangiti ko ring sabi sa kanya.
Madalang lang nangyari to. Yung kausapin nya ko ng kaming dalawa lang.
"Sa dorm nalang. Masyado naman kayong genius." Napangiti ako ng nakita ko syang ngumiwi. Alam ko naman na Hindi mahilig mag Aral si Karl. Pero Hindi umaabsent at nakikinig ng maigi sa discussions kaya kahit siguro di gaanong magreview pumasa pa rin sya. Pero kung mag aaral siguro syang mabuti katulad ni Lion baka kasali din sya sa DL.
"Kaw nga dyan eh. Kahit di nagrereview pumapasa pa rin."
"Di naman. Slight lang." Pareho lang kaming natawa sa ka cornyhan nya.
"After pala ng exam, sa bahay tayo bago mag sem break. Pakisabi Kay Leon ha? Bago man lang sya magbakasyon sa Singapore?"
"Si-singapore?" Maang Kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi alam na magbabakasyon pala sya don sa sem break.
"Shit! Don't tell him na nasabi ko sayo. Sige ha? Una nako." Di ko na pinansin ang sinabi nya. Para kasi akong natulala nalang sa pagkabigla.
Araw araw Simula ng naging kami, lagi nalang kaming magkasama. Kahit sa weekend, pinupuntahan nya ko sa bahay at nag mo-movie marathon lang kami o kaya nag lalaro ng ps3.
Iisipin ko palang na malalayo kami sa isat isa parang nangungulila na ko sa kanya. Saka bakit di nya sinabi sa akin na sa Singapore pala sya magbabakasyon. Kung sabagay, ako naman uuwi ng Olonggapo. Wala rin naman akong gagawin dito sa dorm at request na rin ni mama na umuwi ako.
Naghintay pa ko ng mga sampung minuto bago bumalik si Lion. Pero mukhang wala sya sa mood at nag aya na rin syang umuwi.
Wala kaming imikan habang byahe. Hindi ko na rin sya tinanong pa dahil baka mag away lang kami.
Lumipas ang exam week namin na hindi ako masyadong pinapansin ni Lion. Nagtataka man ako kung ano ang problema, at may konting tampo, hinayaan ko nalang muna sya at kakausapin ko nalang after ng exam. Pero ganun pa man, hinahatid sundo pa rin nya ko. Yun nga lang, nung last day of exam na, nauna na syang umalis ng hindi man lang nag papaalam.
Litung lito na ko sa mga nangyayari pero wala man lang akong makuhang sagot. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hindi ko sya kinausap bago man lang matapos ang exam. Edi Sana nagkalinawan kami bago sya pumunta ng Singapore. Sinabi kasi nila sandy nung Gabi after matapos ang exams namin na umalis na pala sila kaya Hindi na sya nakapunta sa inuman kioa Karl.
Gusto ko mang magalit pero wala na kong magagawa pa dahil nakalabas na sya ng bansa at Hindi ko alam kung kailan ang balik nya. Ni Hindi ko man sya ma-contact dahil Hindi naka activate ang roaming nya.
Kinabukasan after ng inuman, umuwi agad ako ng olonggapo. Tama lang siguro para madistract ako ng mga pinsan ko.
Nagsiuwian din kasi sila at napagdesisyunan namin na walang gawin sa three weeks na nasa olonggapo kami kundi mamasyal at mag joy ride.
Araw araw laman kami ng kalsada. Pumunta kami ng Bataan, pampanga, zambales, tarlac at umabot kami hanggang pangasinan. Muntik na rin kaming tumuloy ng Baguio at ilocos, naudlot nga lang dahil pinauwi na kami at nag reunion ang pamilya namin sa mother side ko.
Sa last week ng bakasyon, bumalik na ako ng manila para mag enrol. Nagkita kita kami nila sandy at Sabay sabay na nag enrol pero walang Lion na nagpakita.
After enrollment, nag stay lang ako sa dorm at nag open ng Facebook. Sinubukan ko ring tingnan ang Facebook account ni lion since naka in a relationship ako sa kanya.
Nagulat pa ko ng may mga update photos sya at nag change na rin ng profile picture nya. Hindi na yung kaming dalawa kundi yung nasa harap sya Ng lion na landmark sa singapore. Nakita ko rin ang mga pinuntahan nya tulad ng sentosa at Singapore zoo.
Ng tingnan ko ang chat box, nakita ko na naka on line sya pero Hindi ko alam kung icha-chat ko ba sya o ignore nalang.
Ng maisip ko ang ginawa nya, in ignore ko nalang sya at tiningnan ang mga naka tag sa pictures ko.
Yung mga joy rides lang namin at nung nag inuman kami. Natawa pa ko sa picture naming dalawa ni Karl na in-upload ni sandy. Halata kasi na lasing na lasing na si Karl habang nag do-drawing ako ng bigote sa mukha nya.
Napapangiti nalang ako kapag naalala ko ang mga kalokohan na pinanggagawa namin sa mga nalasing.
Ng magsawa ako sa kakatingin sa mga pictures, tiningnan ko ang profile ko para mag update, pero parang piniga lang ang puso ko ng makita ko na wala na yung 'in a relationship' namin ni Lion.
Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Pilit ko mang pigilan ang mga to, sige lang sila sa pagtulo.
Ganito pala ang nararamdaman ng isang broken hearted. Di ko man lang napaghandaan to. Kung alam ko lang na aabot sa ganito, Edi Sana kinausap ko pa sya.
Pero siguro ganito talaga. Nag umpisa kami na bigla nalang na naging kami kaya siguro bigla nalang na break na kami.
Ang masakit lang, sya tong lagi nalang na nag-i-i love you. Sya tong napaka sweet. Laging nakayakap. Laging nag-ki-kiss. Sana man lang winarningan nya ko di ba? Para naman nakapag handa ako kahit papano.

BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 4 - Suck and Blow
Short StoryThe Kissing Game Series 4 Suck And Blow "I missed you. Bakit mo ba ko iniiwasan? Parang di naman kita girlfriend nyan eh." Sa sinabi nya na parang nagtatampo pa, bigla akong natauhan at naitulak ko sya. "What?" Kahit anong tulak ko ayaw nyang kumala...