Chapter 6

3.7K 67 1
                                    

"Charm, kaw muna ang gumawa ng mga questions. Di ko pa kasi narereview ulit ang mga notes ko." Pakiusap sa akin ni Trina na kasama namin sa group study.

Nandito kami ngayon sa condo ni Sandy at nag gu-group study nga para sa next quiz namin. Tapos na kasi ang prelim exams namin at mostly sa amin ay bumagsak kaya nagkukumahog sila sa pagrereview.

Napag usapan kasi namin na bawat may quiz o assignment at magkikita kita kami para magreview o gawin ang assignment. Pero syempre kasama na dun yung bonding naming magkakaibigan.

"OK sige, I'm working on it." Actually kanina ko pa nirereview ang mga notes ko at kanina pa ko gumagawa ng draft para sa mga topics na Hindi ko ma gets para madiscuss mamaya.

Ako lang ata ang nagseseryoso dito dahil ang iba nasa kusina at Hindi na natigil sa kakakain at kwentuhan. Ang iba naman nasa verandah at kung anu anong kinakalikot sa cellphone nila.

*ding dong*

Napaangat ang tingin ko sa may pintuan ng may mag door bell at bigla nalang na kumalabog ang puso ko. Sa pag aalam ko isang tao nalang ang ineexpect nila at Hindi pa sila sure kung matutuloy sya. At heto na nga sya.

After ng confrontation namin ni Lion, Hindi na nya ko inistorbo pa pero lagi ko nalang nararamdaman ang mga titig nya kapag nag le-lesson kami. Nakakailang din minsan pero sa halos isang buwan na ganon ang ginagawa nya, natuto na rin akong balewalain ang mga paninitig nya.

Minsan sinisiko pa ko ni Sandy at ngunguso sa direksyon ni Lion. Kinikibit balikat ko nalang ang mga yon at iniipon ang lahat ng self control ko para Hindi tumingin sa direksyon nya.

Tama na siguro yung mga nasabi ko. At sa totoo lang, natututo na Kong maging immune sa presensya nya. Kailangan e lalo na't magkaklase kami at iisa ang barkada.

"Uy pre! Buti't nakapunta ka? Kala namin di ka pupunta." Narinig Kong sabi ni David, isa sa barkada namin.

"Oo nga eh. Musta?" Pagkarinig ko palang sa tinig nya parang may sariling isip ang mga paa Kong dumeretso sa loob ng cr. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat balewala na sa akin to. Sanay na ko eh.

Humarap lang ako sa salamin at naghilamos para pakalmahin ang sarili ko. Ilang buntong hininga din ang hinugot ko para mapakalma ko pang lalo ang sarili ko.

Ng ma siguro Kong kaya ko na syang harapin ulit, isang buntong hininga pa bago ako lumabas. Lahat sila nasa sala na  at nagsisimula ng magreview at magtanungan. Pero ang nakapagpatigil sa akin ay ang pwesto nila.

Lahat ng mga upuan ay may nakaupo na pwera nalang sa love seat kung saan nakaupo si Lion.

Tiningnan ko sila isa isa pero lahat sila nagkukunwaring busy sa mga ginagawa. Kahit nakayuko sila, binigyan ko sila ng masasamang tingin. Ng mapadako ang tingin ko Kay Lion, nakatitig lang sya sa akin na walang expression sa mga Mata. Inirapan ko lang sya at wala ng choice kaya umupo na sa tabi nya.

Halos malaglag na ko sa pagkakaupo dahil ayaw Kong madikit sa kanya. Kinuha ko nalang ang notes ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

Kahit na pinipilit  Kong maging normal ang mga kilos ko, di ko pa rin maiwasan na Hindi mailang at sobrang naninigas na ang katawan ko para di ko sya masagi.

"Tsk!" Narinig kong palatak nya at nagulat nalang ako ng maramdaman ko ang dalawang kamay nya sa bewang ko at iayos ako sa pagkakaupo.

"Ano ba!?" Di ko maiwasang di mapasigaw sa kanya. Dahil kasi sa ginawa nya, magkadikit na magkadikit na kami at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya.

Kahit na maayos na ang pagkakaupo ko, nasa may bewang ko pa rin ang mga kamay nya. Pero di tulad kanina na nakahawak sya sa bewang ko, ngayon naman nakapulupot na ang mga kamay nya sa may tyan ko.

"Wha-what... Are.. Are.. Yu-you... Doing?" Natataranta kong tanong sa kanya.

Para kasing bumalik lang kami sa dati. Nung panahong sobra kung mag lambing sya.

"What?" Patay malisya nyang sabi habang nilagay pa ang baba sa may balikat ko. Mas lalo tuloy akong nanigas sa ginawa nya. "You're so stiff. Relax." Sinimulan na rin nya Kong masahiin sa balikat patungo sa buong likod ko.

Seriously?! Sinong makakapagrelax sa ginagawa nya!? Although nakakarelax nga ang ginagawa nya pero naiilang pa rin ako lalo na kung ang mga kasama namin ay pasimple kaming tinitingnan at nangingiti nalang.

Kahit wala akong narinig na anu man sa kanila, alam ko na may alam sila sa nangyayari, ayaw lang nilang makialam dahil pareho nila kaming kaibigan.

Hinayaan ko nalang ang mga kamay ni Lion na nakapulupot sa may tyan ko at ang baba nya na nakapatong sa may balikat ko.

Nagpalitan lang kami ng mga ideas ng mga kaibigan ko at nagturuan sa mga Hindi nakakaintindi sa lesson.

Nakikisali naman si Lion pero Hindi na nya inalis ang pagkakayapos sa akin. At siguro nasanay na sila sandy sa posisyon namin kaya balewala na sa kanila.

Ng mag alas dose na, nagkayayaan na ang iba na matulog na. Nakita ko pa si Karl na pasimpleng pumasok sa kwarto ni sandy. Hindi ko alam kung anong meron sila pero alam ko na may something.

Si David nahiga lang sa isang sofa at doon namaluktot habang sina Trina at Jane nahiga sa nakalatag na mattress.

Ng abutin ako ng unan at kumot ni sandy, saka ko lang napagtanto na tulog na pala si Lion.

Nilagay ko nalang ang mga gamit ko sa side table at kinuha ang phone ko sa tabi. Kahit dis oras na, Hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil alam ko na nakayapos sa akin si Lion.

Nag check lang ako ng Facebook ko at nagulat pa ko ng makita ko sa news feed ko ang picture namin ni Lion na in-up load ni sandy 2 minutes ago lang.

Napaka sweet pala naming tingnan kaya pala kakaiba ang mga ngiti at tingin na binibigay nila sa amin. Napapangiti nalang tuloy ako ng wala sa oras at napapailing sa dami na ng nag like at comment.

Di naman kasi lingid na kilala sa buong university si Lion. May mga nagcomment na Hindi maganda pero marami naman ang kinikilig daw.

Ng tingnan ko si Lion, nahuli ko syang nakatingin sa phone ko at Dali daling pumikit at nagkunwaring tulog. Gusto Kong matawa sa inasal nya pero sumimangot nalang ako at tinulak sya.

"Wha-what?" Kunwari pa nyang bagong gising. "Sarap ng tulog ko nang iistorbo ka naman." Umirap lang ako sa sinabi nya at pinilit na inaalis ang mga kamay nya na nakayakap pa rin sa akin.

"To naman nag lalambing lang eh." Kiniskis pa nya ang ilong nya sa gilid ng leeg ko. Hindi ko tuloy maiwasang Hindi kilabutan sa ginagawa nya lalo na ng simulan nyang masahiin ang tyan ko.

"A-ano b-bang ginaga-gawa m-mo?" Nanginginig na ang tono ng Boses ko at sobrang lakas ba ng tibok ng puso ko.

Tumigil din sya Maya Maya at bumuntong hininga. Niyakap lang nya ko ng mahigpit at sinubsob ang mukha sa may leeg ko.

"We need to talk." Saad lang nya pagkatapos nya Kong iharap sa kanya. Yah, we really need to talk.

The Kissing Game Series 4 - Suck and BlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon