Chapter 5

3.7K 67 3
                                    

Mag dadalawang linggo na ang pasukan namin at magiging busy na rin kami sa mga requirements at sa thesis kahit kakaumpisa palang ng klase. Last semester na kasi namin to kaya puspusan na ang ilan sa amin na mag Aral.

Wala pa naman kaming mga grupo sa thesis dahil yung ibang schedule may chance pa na madissolve dahil less than 20 students lang ang isang klase. Pero napag usapan na namin nila sandy na kami ang magkaka grupo. Anim ang kailangan bawat grupo kaya di maiwasan na naging groupmates kami ni Lion.

Nagkita na kami nung first day palang ng klase. Unfortunately for me, ni Hindi man lang nya ko nginitian o nag hello man lang. Kinibit balikat ko nalang dahil kahit na ang dami Kong gustong isumbat sa kanya, wala naman akong lakas ng loob at Hindi kayang bumaba ng pride ko na ako ang maunang mag approach sa kanya.

"Hey charm!" Nasa dati parin akong tambayan namin noon ni Lion. Nagustuhan ko na rin kasi dito dahil tahimik at nakakagawa ako ng assignments at nakakapag review.

"Uy! Musta?" Nilingon ko lang ng konti si Karl habang paupo sya sa tabi ko. Napapansin ko these past few days parang lagi nalang nya Kong pinapansin. Dati naman na nya kong pinapansin pag nandyan ang barkada pero ngayon parang napapadalas din syang nagagawi dito sa tambayan ko.

"Eto, may pinagpapaselosan lang." Sabi nya sabay akbay sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noo Kong tanong sa kanya habang Pilit na inaalis ang kamay nya sa may balikat ko. "O...M...G... Don't tell me may nagugustuhan na ang THE Karl Ian Castañeda?" Namimilog ang mga matang hinarap ko sya at ngiting ngiti pa ko.

Alam ko naman na mahilig sya sa babae kaya nakakamangha na makakita sya ng babaeng magugustuhan nya. Alam ko yon dahil once in my college life, naging crush ko sya.

"Tsk! Di no! Di pa pinapanganak ang babaeng mamahalin ko." Nakabusangot nyang sabi sa akin at hinigpitan pang lalo ang pagkaka akbay nya sa akin kaya naitulak ko sya ng di oras. Pero dahil mas malakas sya sa akin kaya wala ring silbi ang mga tulak ko. "You'll see what I mean someday. Yun kung matatauhan na sya. Ang bagal eh. Daming Arte." Kahit nalilito ako sa mga pinag sasabi nya, hinayaan ko nalang sya at nagpaturo nalang ako sa kanya sa assignment namin.

"Eherm..." Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng assignment ng may biglang tumikhim sa may likod namin. Alam na alam ko kung sino ang may Ari ng tinig na yon kaya bigla nalang akong nanigas sa pagkakaupo ko.

"Uy pre! Dyan ka pala?" Masiglang bati ni Karl sa bagong dating. Nakyuko pa rin ako sa ginagawa ko at pinilit Kong wag syang lingunin.

Two weeks na ang lumipas at ngayon palang sya magpaparamdam? Sobrang over due na ata nya?

At nung nasa Singapore sya, ni Hindi man lang nya ko kimusta! Tapos inalis pa nya yung status namin sa Facebook!

"Pre, pwede ko bang makausap si Charmaine?"

Huh! Kapal naman ng mukha! Bakit Hindi sya sa akin magpaalam? Ako ang kakausapin nya di ba?

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Karl kaya tiningnan ko rin sya. Binigyan ko sya ng nakikiusap na tingin. Nakikiusap na wag nya Kong hayaang mag usap kami ng kaming dalawa lang ni Lion. Pero balewala lang sa kanya ang pakiusap ko. Kinunutan lang nya ko ng noo at tumayo na. Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko at napahawak sa kamay nya.

"Fuck!" Napatingin akong bigla sa gawi ni Lion ng marinig ko ang mura nya. Nakita ko ang tiim bagang nyang mukha habang nakatingin sa kamay Kong nakahawak Kay Karl. Para tuloy akong napapaso na bigla ko nalang na binitawan ang pagkakahawak ko.

"I'm... Ahhh...I'm...gonna...go...yeah" Hindi malaman ni Karl kung ano ang sasabihin at gagawin. Alam ko awkward na para sa kanya ang sitwasyon pero Hindi nya ko pwedeng iwan dito kasama si Lion!

"Yah... Me... Me, too." Sabi ko habang sinisinop ang mga gamit ko.

"A-akala ko ba mag-mag uusap pa kayo?" Kunot noong tanong ni Karl. Kinunutan ko rin sya ng noo at tiningnan sa mga Mata.

"Sa'yo sya nag paalam di ba? So ikaw lang ang nag assume na gusto ko syang kausapin." Nakatingin lang ako Kay Lion habang sinasabi ko yun at nakita ko ang pag hihirap sa mukha. "Tinanong ba nya ko kung OK lang ba sa akin?" Binigyan ko sya ng naghahamon na tingin. Alam ko I'm making this hard for him but it's his fault! After more than a month na pambabalewala nya sa akin tapos ngayon bigla nalang syang akala mo kung sino na pwede nya nalang akong basta istorbuhin at Hindi bigyan ng choice para kausapin sya o Hindi!

"I'm out of here. See you guys." Nagmamadaling umalis na si Karl para Hindi na ko makasunod pa sa kanya kaya wala aknong choice kundi harapin si Lion.

Oo na! Nagpapakipot lang ako! Hindi kasi ganito ang ineexpect Kong pagkikita namin.

"Can we talk please?" Nakita ko ang pagsusumamo sa mga Mata nya. At dahil ngayon ko lang talaga natitigan at na obserbahan, parang nanlalalim ang mga Mata nya at pumayat sya ng kaunti.

"Ano pa bang pag uusapan natin? Malinaw naman na ang pag alis mo ng " in a relationship" status natin sa Facebook. Hindi naman ako tanga para Hindi yon ma gets. At ayaw Kong magpaka martyr. Kung ayaw mo na then fine! Pero at least have the decency to tell to it to my face! Hindi yung binigyan mo ko ng silent treatment and next thing I know wala na pala tayo! I never ask to be your girlfriend anyway! Ikaw lang tong makulit!" Hindi ko alam na pataas na pala ng pataas ang Boses ko at nakukuha na namin ang atensyon ng ibang mga estudyante. Mabuti na lamang at walang masyadong nagpupunta sa lugar na to.

Puro sakit at guilt ang nakikita Kong rumerehistro sa mukha nya. Pero wala na akong pakialam kung masaktan ko man sya sa mga salita ko. Siguro napuno na rin ako at way ko na rin to para maka move on na. Kung Hindi ko ilalabas ang sama ng loob ko baka Hindi ako maka move on sa bitterness na nararamdaman ko.

"I... I..."

"Please don't!" Itinaas ko pa ang kamay ko para patigilin sya. Right now, sarado ang utak ko sa ano mang explanations nya. Mas mabuti pang mailabas ko ang sama ng loob ko kaysa makinig sa mga paliwanag nya na Hindi ko alam kung totoo o Hindi.

Ilang minuto kaming nagkatitigan lang, sya, guilt at sakit ang nakarehistro sa mga Mata habang ang sa akin namin at puro hinanakit lang.

Ng Hindi ko na matagalan ang mga titig nya, sininop ko na ang mga gamit ko at nagmamadali ng umalis don.

Nagpapasalmat ako at Hindi nya ko pinigal pero at the same time, nadidismaya dahil Hindi man lang sya nagpumilit na mag explain man lang o magmakaawa.

Ewan ko ba! Napaka gulo rin ng utak ko! Ako rin naman tong ayaw makinig sa kanya pero nadidismaya ako ngayong di nya ko pinigilan. Ano nga ba talaga ang gusto ko? But one thing is sure, gusto ko pa rin sya. Hindi ako masasaktan ng ganito kung Hindi na.

The Kissing Game Series 4 - Suck and BlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon