Chapter 2

5.1K 66 0
                                    

"Tangna, pre! Ang hirap ng quiz! Quiz palang yon ha?" Dali Dali Kong niligpit ang mga gamit ko ng marinig ko ang paparating na si Lion.

After kasi ng nangyari nung nakaraang linggo, ginawa ko ang lahat para iwasan sya. Mabuti na lamang at nakakagawa ako ng paraan para Hindi kami mag pang abot.

Katulad na lamang ngayon, siniguro ko na mauuna akong matapos sa quiz namin para makapagtago dito sa Engineering library. Pero sa kamalasan talaga, dito pa nila naisipang pumunta. Kasama nya ngayon si Vince na best friend nya at kaklase din namin. Nakabuntot din sa kanila ang ilan sa mga kabarka namin.

"Charmaine! Wait!" Hindi ko alam na nakabuntot pala sa akin si Lion. Akala ko nagpaiwan sya sa may verandah.

Mas binilisan ko pa ang paglabas ko ng building ng condo ni sandy para di nya ko maabutan. Sana may taxi na agad sa labas ng building para Hindi na nya ko maabutan pa.

"Charm! Wait!" Hinablot nya ang braso ko kaya wala na Kong magawa kundi huminto pero Hindi pa din ako humarap sa kanya.

"H-ang.. Bihlhis mho namang... Tumakbo." Hinihingal na sabi pa nya pero di pa din nya ko binibitawan.

Pumunta sya sa may harapan ko at hinawakan at isa ko pang braso. Yumuko nalang ako para Hindi sya matingnan sa Mata.

Kung kanina galit ang nararamdaman ko, ngayon naman, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman Kong nag iinit na ang magkabilang pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman ang pagkailang. Hindi to dapat. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Dapat galit pa din.

"Look at me." Pilit nyang hinuhuli ang tingin ko pero Hindi ko pa din sya matingnan. "I said look at me or I'll kiss you again."

Bigla ko nalang naiangat ang mukha ko para tingnan sya dahil sa banta nya. Ganun ka obvious na ayaw Kong maulit ang nangyari kanina.

Nakita ko syang ngumisi kaya napaiwas ulit ako ng tingin sa kanya at pumula lalo ang mukha ko.

"Di ba sinabi ko na tingnan mo ko? O gusto mo talagang mahalikan kita ulit? Miss mo na nga ang mga labi ko? Agad agad?" Nararamdaman ko ang pagkaaliw sa Boses nya. Alam ko na pinagloloko lang nya ko pero tumingin ulit ako sa mukha nya pero sa may ilong lang dahil Hindi ko sya matingnan ng diretso sa Mata.

"Tsk!" Narinig Kong sabi nya bago sinakop ang mga labi ko.

Namilog nalang ang mga Mata ko sa panggilalas at napasinghap. Yung lang ata ang queue nya para ipasok ang dila nya sa bibig ko at laliman pa ang halik na binibigay nya sa akin.

Pinulupot pa nya ang mga kamay nya sa likod ko para ilapit pa ng husto ang mga katawan namin.

Para lang akong tuod na nakatayo pero pinanginginigan na ng mga tuhod at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

Hindi pa man ako nakakabawi sa shock sa biglaang paghalik nya ng huminto sya at pinagdikit ang mga noo namin.

"I told you to look at me but you chose to be kissed." Ngumisi pa sya habang ako Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko.

"Come on." Iginaya nya ko papunta sa kanyang sasakyan ng Hindi ako umimik. Hindi na ko nag protesta dahil alam alam Kong wala na rin silbi.

Wala kaming imikan habang nagbabyahe. Simpleng pasasalamat din lang ang inusal ko bago ako bumaba ng sasakyan nya at pumasok ng dorm.

The Kissing Game Series 4 - Suck and BlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon