Chapter 3

4.5K 66 1
                                    

*tut tut tut tut*

"Shit! Shit! Shit!" Sunud sunod Kong mura ng mag alarm ang mga bars sa may exit ng library dahil Hindi ko pa nahihiram ang mga libro na dala ko.

Natataranta akong bumalik at nilagay sa may trolley ang mga libro kasama ng ibang libro na ginamit ng ibang estudyante.

Sakto namang napatingin ako sa gawi nila Lion ng bumaling sya sa direksyon ko.

"Shit!" Nausal ko ulit ng makita ko syang papalapit sa akin. Ilang araw akong nag ala ninja tapos iyong lintik na mga libro lang pala ang magpapahamak sa akin.

Sa pagkataranta ko nahulog ko ang iba Kong mga gamit kaya nagkalat ang mga notebooks, pens at isang libro.

Napaangat ako ng tingin ng makita ko ang nakalahad na kamay ni Lion habang inaabot sa akin ang ibang gamit ko na nilikom nya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya di ko alam kung ano ang ekspresyon ng mukha nya.

Kinuha ko ang mga ito pero Hindi naman nya binibitawan ang mga to kaya para kaming nag-ta-tug-o-war.

Dahil sa inis ko, binitawan ko ang mga to at tumayo na. Dire diretso lang akong lumabas at wala ng pakialam kung nasa kanya man ang notebook ko na naglalaman ng assignment ko.

"Wait! Charm!" Katulad dati, pinigilan na naman nya ko sa paghawak nya sa braso ko.

Hinarap ko sya this time at sisinghalan na Sana pero bigla nalang nya Kong niyakap ng mahigpit. Para lang akong tuod na nakatayo kahit na sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

"I missed you. Bakit mo ba ko iniiwasan? Parang di naman kita girlfriend nyan eh." Sa sinabi nya na parang nagtatampo pa, bigla akong natauhan at naitulak ko sya.

"What?" Kahit anong tulak ko ayaw nyang kumalas.

"Let go!" Pilit ko pa rin syang tinutulak. Nakita ko ang sakit na rumehistro sa mga Mata nya ng tingnan ko sya. Bigla tuloy akong natigilan at nagtitigan lang kami.

"If I let you go, I won't chase you anymore. Meaning wala na tayo. Break na tayo." He said matter of factly but with sadness in his voice.

Natigilan naman ako sa sinabi at sa di ko malaman na dahilan bigla nalang nanikip ang dibdib ko sa kaalaman na mag be-break kami. I know yun naman ang gusto ko pero Hindi ko alam kung saan galing ang parang patalim na tumatarak sa puso ko.

Matagal kaming nagkatitigan at alam ko pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante. Nasa may gilid lang kasi kami malapit sa exit ng library.

"Thought so. Tara na bago pa magbago ang isip mo." Nagpahila nalang ako sa kanya dahil gusto ko rin naman ang feeling na nakaakbay sya sa akin at parang pinagmamalaki nya na ako ang girlfriend nya.

"Kumain ka na ba?" Iling lang ang sagot. Nag e-expect ako na manunumbat sya dahil nga sa pagiging duwag ko pero mukha namang wala syang balak na pag usapan pa namin ang pag iwas ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapadala sa kanya. Kung tutuusin dinaan nya ko sa paghalik halik nya kaya naging kami. Minsan tuloy naiisip ko na ang babaw ko. Ni Hindi man lang nya ko niligawan, sinuyo. Oo nga't may mga taong nagiging sila sa pamamagitan lang ng chat o text, pero Hindi naman ako yung tipong ganon.

"Hey, love, what are you thinking? Ang lalim naman ata?" Umupo sa may likod ko si Lion at pinagitna ako sa mga hita nya at pinatong ang baba sa may balikat ko.

Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan pag vacant period namin. Nasa may bandang dulo na ito ng school at may mga benches at tables na pwedeng pagreviewhan o pag gawan ng assignments. Medyo tahimik na rin sa parteng to dahil walang masyadong nagagawi dito.

Bumuntong hininga muna ako bago ako tumagilid para harapin sya. Isang linggo na kaming ganito Simula nung insindeteng nagyari sa library.

"Naisip ko lang, I..." Binaba ko ang tingin ko at umayos na sya ng upo sa may gilid ko at iniharap ako ng tuluyan sa kanya. Maramdaman nya siguro na seryoso ang pag uusapan namin.

"Ano yon? Tell me what's bothering you?" Anita sabay hawak sa baba ko para iangat ang ulo ko.

"Look... What we have...? Kasi parang Hindi normal yung Simula natin. What... What I mean is... Wa-walang ligawan... Walang getting To know you stage... Parang ang bilis.." I know I'm mumbling pero kailangan Kong sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.

"Uh huh." Sabi nya ng patango tango pa. Pinuwesto pa nya ang mga paa nya na nakasalampak sa bench para nakapagitan na naman ako sa mga hita nya.

Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat at iniharap ng tuluyan sa kanya.

"So what are you trying to say?" Kunot noong tanong nya at titig na titig pa sa mga Mata ko. Bigla tuloy akong nailang at umiwas ng tingin.

Kinagat kagat ko pa ang mga labi ko habang nag iisip ng tamang sasabihin. Paano ba makipag break sa taong natututunan mo ng magustuhan kahit labag man sa kalooban mo?

This is just all wrong. Alam ko tanga na ko sa iba, pero masisisi ba nila ako kung gusto ko naman na maranasan na maligawan? Na suyuin? Na habulin? Di ba lahat naman ng babae ganun ang ninanais? Hindi yung dinadaan sa santong paspasan.

"Well...?" He impatiently asked. Alam ko nag iinarte na ko. Ewan ko ba! Masyado lang siguro akong nag iisip.

"Let's brea--- hmppp..." Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang nya Kong siniil ng halik. Napapikit nalang ako at eto na naman ang puso ko, nag haharumentado sa pag tibok. Ang mga kalamnan ko, nanginginig na sa excitement. Ang utak ko, nag shut down na ang mga circuit nerves. Para akong na electrocuted na ikamamatay ko sa sarap. Sa sarap na pinadama nya ngayon sa akin.

His lips. Those danm lips! Every time nalang nagagamit nya ang mga ito ng tama. Alam nya kung kailan ito ibubuka para sa mga binibigkas nyang mga sweet nothings. At alam nya kung kailan ilalapat sa mga labi ko para liparin ng hangin ang mga agam agam ko.

Pag magkalapat na ang mga labi namin, wala nakong ibang naiisip kundi ang mga labi nya. Kung paano ito kumikibot kibot para bigyan ako ng earth shattering kiss ika nga.

Maramdaman Kong hinawakan nya ang mukha ko at nilaliman pa ng husto ang halik na binibigay nya sa akin. Kakaiba ang halik nya ngayon. Masuyo, malambing, marahan, walang pagmamadali. Para bang ninanamnam nya ang bawat pagkilos ng mga labi nya. Bawat kagat nya sa lower lip ko.

Hindi ko tuloy maiwasang Hindi matangay dahil sa paglalambing nya. Namalayan ko nalang na nilalaro na pala ng mga daliri ko ang mga hibla ng buhok nya. He's an expert. Alam nya kung ano ang makakapagpalambot sa mga tuhod ko. Makakapagpabilis sa tibok ng puso ko. Makakapagpainit ng pakiramdam ko.

"What.." Halik. "Were.." Halik. "You.." Halik. "Saying..?" At isa pang halik.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mga Mata ko.

Ano nga ba ang gusto Kong sabihin?

The Kissing Game Series 4 - Suck and BlowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon