Angel 1

36 2 0
                                    

"Ano ba hindi ka ba titigil kakasunod ng sunod sakin?! "  naiinis kong tanong kay angelo. Nandito ako ngayon sa school na pinapasukan ko.

"Well hindi at mission kong bantayan ka at siguraduhing ligtas ka"  mataray niyang sabi. Tumataray din pala ang angel?

"Siguraduhing ligtas ako?! Diba mamatay na din naman ako para san pa ang pagbabantay mo? Ano ka si taga bantay? "  sunod sunod kong tanong.

"Yes mamatay ka na din pero nandito ako para siguraduhing masaya ang natitira mong araw dito sa lupa at hindi ako si taga bantay dahil ako si Angelo na sobrang pogi mong Guardian angel"  pagyayabang niya. Siya lang ata yung angel na mayabang?!

"Gwapo ka ha? Gwapo? San banda?! "  pasigaw kong sabi sa kanya.

"Ganda ka ha? Ganda ka?"  pamemelosopo niya sakin. Aba aba! Pelosopo din ang angel na to!

"Sinabi ko ba ha? Kung batuhin kaya kita!"  babatuhin ko na sana siya ng hawak kong libro pero nagsitinginan sakin yung mga ibang studyante.

"Sige subukan mo nga kung matatamaan mo ko at isa pa pinagtitinginan ka na nila baka mapagkamalan kang baliw HAHAHAHA"  pang aasar niya sakin.

Naglakad na lang ako papalayo at hindi ko na siya sinagot pa dahil baka lalong magtaka ang ibang studyante dito kung sino ang kausap ko. Hindi naman kasi nila nakikita ang baliw na angel na to! Ang unfair bakit ako lang ng nakakita sa kanya?! Baka tuluyan na akong mabaliw na angel na to.

"Hoy! Panget teka lang! "  tawag sakin ni angelo pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Ano susunod ka pa?! "  pumasok na ako sa girl cr at sinarahan yung main door. Sa tingin ko hindi na siya makakasunod pa.

"Akala mo ha!"  tumabla lang siya sa pinto ng cr at ngumiti ng nakakaloko.

"Aba aba! Hindi ka lalabas?! Manyak lumabas ka! "  hihilahin ko na sana siya papalabas ng pinto pero hindi ko nga pala siya mahawak. "Lumabas ka! "  pasigaw kong turo sa labas ng pinto.

"Okay hihintayin kita sa labas".

Sinarado ko na ulit yung main door ng cr ng makalabas na siya. May nakita akong bintana na malaki at mukhang kaysa ako dun. Kinuha ko yung armchair dito sa loob ng cr at nilagay sa may tapat ng bintana. Umakyat ako ng dahan dahan para hindi ako marinig ni angelo at para hindi ako mahulog. Nung nakaayat na ako sa may bintana ay dahan dahan pa din ako tumalon papalabas. Mabuti nga hindi niya ako narinig kung hindi susunod pa din siya sa kin.

Mabilis akong tumakbo papuntang next class ko at para hindi ako malate. Nung malapit na ako sa may room namin nakita ko si angelo na nasa may tapat ng pinto ng classroom namin anong ginagawa niya dito? Nasa may cr siya diba?! Mambubulabog nanaman to panigurado. Nagkunware na lang ako na hindi ko din siya nakikita at sanay naman siyang hindi nag eexist sa mundong to.

"Hoy! Bat mo ko iniwan?"  board niyang sabi. Nagkukunware pa din akong walang nakikita at walang naririnig.

"Hoy bingi sabi ko bat mo ko iniwan dun? Mukha akong tanga dun na naghihintay sayo kaya napag desisyunan kong dito na lang kita hintayin"  naiinis niyang sabi.

"Diba angel ka?! Bat hindi mo na lang gamitin yung kapangyarihan mo para mahanap ako kung saan mang lupalop ako naroon? Duh? Utak please! "  naasar na ako sa kanya ngayon bat siya pa ang may ganang magalit?! Siya na nga tong nambubulabog.

"Dahil ayaw kong magsayang ng kapangyarihan at lalong ayaw kong gamitin powers ko dito sa lupa!"  sabi niya.

"Ang arte mo! "  naiinis kong sabi.

"Isa pa bat ka ba takbo ng takbo ha? Kung ikaw atakihin sa puso mas malalapit ang kamatayan mo! "  pasigaw niyang sabi.

"Ahh so sinisigawan mo ako? Hoy yung magulang ko nga hindi ako sinisigawan ika nagagawa mo yun?! Ito bagay sayo"  binato ko siya ng librong sobrang lakas pero nakalimutan kong hindi naman siya nun tatablahan at lumagpas lang yun sa katawan niya. Worse ang natamaan ko yung maarte kong kaklase na si Margarita.

"Ano bang problema mo at nambabato ka?"  tanong sakin niya sakin na nasa harapan ko na ngayon.

"Sorry hindi ko sinasadya"  nakayuko kong sabi. Ayoko ng gulo.

"Sa susunod piliin mo ang babatuhin mo ha?"  pagtataray nitong babaeng to. Kala niya naman ikinaganda niya yun sa katunayan mukha siyang tuko sa shape ng mukha niya dagdag pa yung make up niyang pangpatay.

Tumango na lang ako para walang gulo. Ayaw ko naman kasing madagdagan pa ang problema ng mga magulang ko dahil alam kong marami na silang problemang dinadala ngayon. Simpleng taxi driver lang kasi si papa at si mama naman housewife. Simple din lang ang buhay namin may dalawa pa akong nakababatang kapatid at ako ang panganay na may sakit sa puso na kailangang operahan pero wala pa kaming perang pampaopera kaya nag iipon pa sila papa at mama para sa operasyon ko, ang sumunod sakin si marc na 16 year's old na ngayon at grade 10 habang yung bunso naman namin ang 12 year's old at grade 6 pa lang sa elementary na si wendy.

"Natulala ka dyan? "  pambubulabog ulit nitong si angelo.

"Wala kang pake"  sabi ko sa kanya at naglakad na papasok sa classroom namin. Sumunod din siya pero hinayaan ko na lang siya at hindi na pinakingan pa. Maya maya lang ang nagsimula na ang klase ko.










Gabi na ngayon at nandito kami ngayon sa kusina para kumain na.
Pabilog tong mesa namin at nasa may kanan ako ni papa habang nasa may kaliwa niya si mama, si marc naman ay nasa katabi ko at si wendy ay katabi ni mama.

"Bago tayo kumain magdasal muna tayo"  masiglang sabi ni papa.

"Ako na po papa mag lelead ng prayers"  nakangiting sabi ni wendy.

"Sige anak"  sagot naman ni papa na nakangiti din.

"In the name of the Father and in the Son and the Holy Spirit, Amen. Lord salamat po sa lahat ng blessing na binibigay mo samin. Maraming salamat din po at pinapanatili niyong matatag sa pamilya namin at sana po pagalingin niyo na si ate heart ko. Maraming maraming salamat po sa bleesing na binibigay niyo samin at sa dadating pang mga blessing. In the name of the Father and in the Son and the Holy Spirit, Amen"

Sana palaging ganto ang pamilya ko. Palaging masaya kahit may problema, palaging matatag at hindi agad sumusuko. Sana hindi dumating ang araw na magkawatak watak kami.











Ano kayang mangyayare a susunod na kabanata? Abangan!

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon