Angel 5

16 2 0
                                    

"I know you" sabi niya na ngiting ngiti sakin.

"Hi"  bati ko sa kanya tyaka ngumiti din.

"Ikaw yung katabi ko nung isang araw sa bus. Sorry wala kasi akong barya nun at alam mo naman na wala daw na panukli yung kundoktor ng bus na yun. Na double pa tuloy yung bayad sa bus kasi binayaran mo pati yung pamasahe ko"  nahihiya niyang tugon.

"Kuya! Walang hiya ka talaga! Bat mo naman pinabayaran yung pamasahe mo kay heart! "  angal ni erica tyaka binatukan yung kuya niya.

"Wala nga kasi akong barya nun"  sagot namang ng lalake.

"Kahit na! Ang dami dami mong pera! Ang sabihin mo kuripot ka kang talaga! "  banat ulit ni erica sa kanya.

"Erica, Bryan wag kayo nag away nakakahiya sa bisita"  suway ng mommy nila sa kanila.

"Si erica kasi mommy"  tugon ng bryan daw?

"By the way Im Bryan pala. Kapatid ni Rica"  pakilala niya sakin. Tyaka lahad ng kamay niya sakin.

"Im Heart Arevalo. Kaklase ako ng kapatid mo"  sabi ko tyaka nakipag hand shake sa kanya.

"Uhmm kuya! Tigilan mo si Heart dagdag na naman ba siya sa mga babae mo? "  sita ni erica sa kuya niya tyala alis ng kamay ko sa pagkaka hand shake. Natawa na lang kami ng mommy nila sa reaction ni bryan.

"Palagi naman ako ang nakikita mo erica! Ano ba yan!"  banat naman ni bryan.

"Ikaw kasi kuya ehhh! "  sagot ni erica sa kanya.

"Tumigil na kayong dalawa dyan! "  suway ulit ng mommy nila sa kanila.

"Sige ganto na lang erica para di mo ako masabihan ng kuripot. Pumunta tayo after miryenda sa mall and treat ko kayo ng kahit na anong gusto niyo"  sabi ni kuya bryan kay erica. 

"Sige kuya bryan! "  payag naman ni erica at ngiting ngiti sa kuya niya.

~~~~~~~~

Nandito na kami sa mall ni erica at ni bryan kahit nahihiya pa din ako sumama na ako dahil sa pagpilit na din ni rica. Nagpaiwan ni tita pearl sa bahay nila. Nakapag shopping na din si erica di na ako nagtingin ng mga damit kasi wala naman akong pang bayad.

"Ano pa gusto niyo? tanong samin ni bryan. He asked me to call him bryan kasi 2 years lang naman age gap namin. Grade 11 kami and he's already a first year collage.

"Kuya we need to buy heart a new phone"  tugon ni erica.

"Sure. Tara sa store ng mga phone"  walang angal ni bryan sa sinabi ni erica. Ganto ba talaga sila ka yaman?

"Wag na nakakahiya naman. "  tugon ko. "Maayos pa naman itong cp ko"  dagdag ko tyaka labas ng 50/50 kong cellphone.

"Naku basag basag na yang cp mo kailangan na talagang palitan yan"  sabi ni bryan at kinuha yung cp ko sa kamay ko.

"Wag ka ng mahiya heart. Isipin mo na lang na ito yung kapalit ng pagiging mabait mo sa kuya ko at ikaw pa yung nagbayad ng pamasahe niya"  tugon ni erica.

"Rica naman. Dont worry heart this is nothing."  sabi ni bryan at binalik na yung phone ko sakin.

Hinila naman ako ni erica at sumunod sa kuya niya habang naglalakad wala na akong nagawa. Kahit naman siguro pumalag pa ako pagtutulungan ako ng magkapatid na to.

"Pangit! Wag mong tatanggapin yan! Siguradong may kapalit yang cellphone na yan! "  sita sakin ni angelo pero di ko siya pinansin bahalasyadyan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon