Ako si Heart Arevalo. Kagaya ng pangalan kong "Heart" mahina ang tibok ng puso ko at kung hindi agad ako maooperahan baka daw ito na yung ikamamatay ko. 18 pa lang ako pero sa tingin ko malapit na akong kunin ni lord dahil pinadala niya yung Guardia...
Heart! Dun ka na muna samin tumambay tutal maaga pa naman" yaya sakin ni erica.
Uwian na namin ngayon at tanging si erica lang ang kaibigan ko sa mga kaklase ko. Mga mayayaman kasi sila at ayaw nila makipag kaibigan sa mga scholar na kagaya ko. Mayaman din naman si erica at madaming gusto makipag kaibigan sa kanya. Maganda siya, matangkad ng kote sakin, mayaman, mabait at matalino kaso tamad lang talaya siya mag aral.
"Heart? Okay ka lang ba? Napatulala ka na dyan" sabi niya dahilan para matauhan ako.
"Ahh Okay lang ako pero baka nakakahiya sa mommy at daddy mo kung tatambay ako sa inyo" nahihiya kong sabi kay erica.
"May hiya ka pa pala panget? " pagsasabat ni angelo.
Inirapan ko na lang siya at mabuti hindi yun nakita ni erica dahil busy siyang mag ayos ng mga gamit niya.
"Ay wala si daddy nasa japan may business meeting daw at si mommy naman nasa bahay pero wag ka ng mahiya mabait yun si mommy promise" nakangiti niyang sabi sakin.
"Sige pero magpapa alam muna ako wait lang i tetext ko lang si papa" nahihiya ko pa ding tugon tyaka kuha ng cellphone kong touchscreen na basag mabuti nga gumagana pa to.
"Okay" nakangiti niyang sabi. "But I think you need a new phone? " nahihiya niya ding sabi.
"Ahh okay pa to HAHA gumagana pa naman tyaka sayang ng pera dagdag gastos pa" sabi ko habang hawak hawak ang 50 50 kong cellphone HAHAHA.
"Ahh sige sige" sabi niyang nag aayos pa din ng gamit. Bilib din ako sa kanya na kahit mayaman sila sobrang bait niya pa din at sobrang down to earth.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Tara na? Pinayagan na ako" nahihiya ko pa ding sabi sabay ngiti.
"Goodie! Goodie! Tara na" sabi ni erica sabay kuha ng bag niya.
Habang naglalakad kami papuntang gate nag kwekwentuhan kami at sumasabat si angelo pero hinahayaan ko na lang siya magpapansin basta ang importante masya kaming nag uusap ni erica.
"Doon na tayo dumaan sa may gate 3 dahil mas malapit don yung parking lot" sabi niya na nakangiti pa din. Tumango na lang ako at sumasabay habang naglalakad siya.
Nung nakarating na kami sa parking lot ng school nakita agad kami ng driver ni erica. Agad itong lumapit samin at pinagbuksan kami ng pinto sa likod. Unang pumasok si erica at sumunod na ako sa kanya. Dali dali namang sumakay yung driver at pinag maneho kami. Tumabla naman si angelo at sumakaw din ang mokong sa passenger seat. Aba aba sasama din ba siya?! Bad atmosphere tuloy sa loob ng kotse. Inerapan ko ulit siya pero nginisian niya lang ako.
"Ang laming laming naman dito" sabi ni angelo na. Inerapan ko nanaman siya mabuti hindi yun nakita ni erica dahil busy siya ngayon sa cellphone niya.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila erica at bababa na sana ako pero pinigilan ako ni erica habang ni angelo ay tumambla lang ulit papalabas.
"Hintayin mo muna na pagbuksan tayo ng driver" nakangiti niyang sabi sakin.
"Okay" sabi ko sabay ngiti din sa kanya.
Pinagbuksan na kami ng driver at ako na ang naunang bumaba at sumunod si erica.
Grabe ang ganda ng bahay nila parang mansion. Ito kasi ang unang beses na makapunta ako dito kahit ilang beses niya na ako niyaya na pumunta dito pero nahihiya talaga ako. Ang laki ng bahay 5 storey house ang bahay nila tyaka ang ganda pa ng pagkaka lay out
"Heart? Are you okay? " tanong sakin ni erica.
"A-ah oo okay lang ako" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Ahh tara pasok na tayo" yaya niya sakin at nauna na siyang naglakad papasok sa kanila.
Nung nakapasok na kami ang ganda ng mga gamit mukhang mamahalin at parang nakakatakot makabasag kahit isa.
"Heart dito ka muna. Magbibihis lang ako saglit sa taas" sabi niya.
"Sige erica" ngumiti ako sa kanya.
"Maupo ka na muna dyan sa sofa wait lang madali lang ako" sabi niya at tumakbo na papaakyat.
"Ang ganda ng bahay nila no? " sabi ni angelo na nag lilibot libot ngayon dito sa sala. Tinignan ko lang siya.
"Ija ikaw ba yung bisita ni erica?" tanong sakin ng magandang babae na pababa na ngayon sa hagyan. Ang ganda niya kamukha niya si erica pero younger version lang niya si erica.
"Opo good afternoon po mam" sabi ko sabay tayo.
"Ahh nice to meet you ija don't call me mam okay? Call me tita pearl na lang ako yung mommy ni erica. You may take your seat" sabi niya na naka baba na ngayon at ngiting ngiti sakin.
"Thank you po tita pe-pearl" nahihiya kong tugon at umupo na ulit
"Sige ija teka lang ha? Maghahanda lang ako nag makakain" sabi niya at naglakad na papuntang kusina.
Naiwan ulit kami dito ni angelo sa sala. Mabuti nga hindi siya nang aasar.
"Heart tara mirenda muna tayo sa kusina" yaya ni erica na nakapambahay na ngayon. Kahit naka pambahay na siya ang ganda pa din ng suot niya.
"Sige" sabi ko na nahihiya pa din.
"Wag ka ng mahiya promise mabait talaga si mommy" sabi niya na ang lapad ng ngiti ngumit na lang ulit ako kahit nahihiya ako.
Nung nakapasok na kami sa kusina abala yung mommy ni erica at yung ibang maids na mag bake ng cupcakes.
"Mommy this is heart and she's my classmate" pakilala sakin ni erica sa mommy niya. Ngumiti na ulit ako sa mommy niya at nginitian din ako.
"I already meet her na kanina yung may kinuha ako sa kwarto ko and she's alone sa sala" sabi ng mommy ni erica sabay tingin kay erica.
"Hindi naman siya alone nandito ako" sabi ni angelo pero ako lang ata ang nakarining nun.
"Kasi mommy nagbihis ako" sabi ni erica sabay kuha ng 2 cupcake at binigay sakin yung isa. Kahit nahihiya ako kinuha ko na yun baka isipin ng mommy niya na ayaw ko kasi panget ang lasa.
"What's going on? " tanong nung bagong pasok na lalake. Tumingin siya sakin at nagsalita ulit.