Sana palaging ganto ang pamilya ko. Palaging masaya kahit may problema, palaging matatag at hindi agad sumusuko. Sana hindi dumating ang araw na magkawatak watak kami.
"Heart! " tawag akin ni angelo.
Inirapan ko siya kasi baka isipin din ng pamilya ko na nasisiraan na ako ng ulo.
"Hoy heart! Bingi ka ba talaga?! " pag susungit niya sakin.
Pinandilatan ko siya ng mata at sinimangutan niya lang ako.
"Kukuha lang po ako ng kanin sa kusina" sabi ko sabay kuha ng plato na pinaglalagyan ng kanin at naglakad na papuntang kusina.Tinignan ko si angelo at sumenyas na sumunod sakin.
"Ano bang problema mo? Bat ka ba nang gugulo kanina?! " tanong ko sa kanya habang nagsasandok ng kanin."Gusto kong manuood ng TV bilisan mong kumain" board niyang utos.
"Aba! Aba! Ano akala mo sakin katulong mo? Manuood ka mag isa mo!" .
"Binabantayan kita so bilang kapalit pagsilbiyan mo ako at sumunod ka sa lahat ng pinag uutos ko sayo" nakacrossed arms niyang sabi.
"Lahat ba ng angel humihingi ng kapalit? O hindi ka naman talaga angel?! Nagpaghahalataan na kita! Fake angel ka no?! " pasigaw kong tanong sa kanya.
"Luh? OA mo baka marining ka ng pamilya mo ako pa sisihin mo dyan! Ikaw tong sigaw ng sigaw! At isa pa angel ako ohh angel ako" nakangisi niyang turo sa pakpak niya.
"Tumigil ka ha?! Masasapak kita! " .
"Nak sino ba kaaway mo dyan? " tanong sakin ni mama. Nandito na din siya sa harap ko.
"Ahh yung pusa po ma ang ingay ingay po kasi" sagot ko sa kanya.
"Ahh bat kanina may narining akong sasapakin mo? Yung pusa din ba yun? " nagtatakang tanong ni mama.
"Opo ma babatuhin ko din nga po sana ehh kaso naka takbo nag mabilis papalabas. Ma tara na po balik na po tayo dun" nakangiti kong sabi kay mama.
"Sige anak" sabi ni mama at nanuna ng maglakad papabalik sa hapagkainan. Bago ako sumunod kay mama ay lumingon muna ako kay angelo.
"Meow! Meow! Meow! " pag gaya ni angelo sa pusa. Mga saltik talaga ang isang to.
~~~~~~~~
"Anak bangon na! Alas-7 na malalate ka" pag gigising sakin ni mama.
"Ma antok pa po ako" sabi kong nakahiga pa din.
"Nak naman baka malate ka nyan taka yung PE Uniform mo nilagay ko na sa bag mo at wag ka masyadong magpapagod baka makasama sayo" pag papaalala ni mama.
"Opo ma" bumangon na ako at tinignan ang orasan dito sa kwarto namin ni wendy.
Naku po! 7:15 na ng umaga baka hindi ko na maabutan si papa at hindi niya ako masabay papuntang school. Worse baka maglakad pa ako nito.
Dali dali akong bumangon at pumunta sa hapag kainan. Naabutan ko naman na nakalingo na si marc at si wendy na kumakain na ngayon sa lamesa at tapos ng maligo. Umupo na agad ako sa upuan ko tyaka kumain na din.
"Nak hinay hinay lang baka mabulunan ka" pagpupuna ni papa sakin.
"Hindi po yan pa" sabi ko sabay thumbs up sa kanya. Tumango na lang siya at kumain na lang ulit.
Nung natapos ko ng kainin yung nilagay ko sa plato ko ay nagmadali akong kunin yung twalya at pumasok sa cr. Dali dali akong naligo dahil ayokong malate lalong lalo na ayokong maglakad papasok!
Himala hindi ata nangulit si angelo? Baka nilubayan niya na ako at good news yun para sakin.
Nung natapos na akong maligo ay hindi pa din tapos kumain sila papa na nasa hapag kainan pa din. 3 minutes lang ata akong nagmadaling maligo at pumasok na agad ako sa kwarto namin para magbihis. Pagtingin ko ulit sa orasan namin at 7:30 AM pa lang at nagmadali ako.
Paglabas ko sa kwarto namin ay nakasakay na pala sa taxi ni papa si wendy at marc ako na lang pala ang hinihintay. Sumakay na din ako at umupo na ako sa passenger seat habang yung dalawa ko pang kapatid ay nasa backseat.
Pinaandar na ni papa yung taxi at too bad traffic na ngayon sa dadaanan namin. Pagtingin ko sa relo ko ay 7:45 na naku! 15 minutes na lang magsisimula na klase ko ano ba yan!
"Mga anak baka malate kayo teka baka sa kabilang daanan hindi traffic" sabi ni papa at niliko na yung taxi na sinasakyan namin ngayon. Dumaan kami sa hindi high way kaya hindi trapic dito ngayon pero mas malayo to kasi short cut yung high way papuntang school kaya maraming dumadaan.
7:55 AM na nung makarating kami sa school at dali dali akong magpaalam kay papa at sa mga kapatid ko na mauuna na ako. Tumakbo ako ng sobrang bilis papuntang room ko na nasa may bandang gilid ng school namin dadaan muna ako sa 3 building at nasa 4th floor pa yung room namin kaya sandamakmak na pawis pa ang ibubuwis ko bago ako makarating sa room namin kaya ayaw ko na din maglakad papunta dito.
Nung nasa forth floor na ako ng building namin ay tinignan ko muna yung orasan ko bago ako naglakad papalapit sa room namin.
Inayos ko muna yung itsyura ko dahil alam kong ang dugyot ko na naman tignan. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang mga kamay ko. Nagpulbo muna ako bago naglakad ulit.
Dahan dahan akong maglakad papalapit sa pinto ng classroom namin. Isang hakbang na lang papasok pero bigla akong nakaramdam ng pag kadismaya. Naabutan ko na walang tao yung classroom namin?! Nasaan kaya sila?!
Pumasok muna ako at kinuha yung cp kong keypad at tinext si erica kung na saan siya ngayon. Agad naman siyang sumagot at sinabing nasa bahay pa nila dahil ang first class namin ngayon ay PE at 9 AM magsisimula yung klase namin.
Nag inhale exhale ako kasi hindi ako makahinga mukhang inaatake na ako ngayon ng hika ko. Kinapa ko yung bag ko para kunin yun inhaler ko pero hindi ko mahanap kung saan ko man yun nailagay.
Lalong sumikip yung dipdip ko at hindi na ako makahinga ngayon. Ako lang ang tao dito. Pano kung mamatay na ako ngayon ng walang nakaka alam? Mas lalo akong nahihirapang huminga.
Bigla kong nakita si angelo sa harap ng room namin. Nung nakita niya ako agad siyang tumakbo papalapit sakin at inalalayan akong umupo ng maayos.
"Ano bang nangyare sayo? " pagpapanic niyang tanong.
"Ku-kunin mo yu-yung inha-inhaler ko!" nauutal kong sabi kasi nauubusan na ako ng hangin.
"Teka saglit! Dito ba? " tanong niya na binuksan yung maliit na zipper ng bag ko.
Agad niya naman nakuha yung inhaler ko hinawakan yung kamay ko para alalayan ako sa pag gamit.
Ilang minuto ako sa kinauupuan ko at unti unti ng bumabalik yung paghinga ko. Nung naging maayos na ulit yung pakiramdam ko tinignan ko siya ng nagtataka.
"Pano mo nahawakan yung bag ko at yung inhaler ko?" nagtataka ko pa ding tanong.
Abangan bakit nga ba? Bakit nga ba nahawakan yun ni angelo?
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel
FanfictionAko si Heart Arevalo. Kagaya ng pangalan kong "Heart" mahina ang tibok ng puso ko at kung hindi agad ako maooperahan baka daw ito na yung ikamamatay ko. 18 pa lang ako pero sa tingin ko malapit na akong kunin ni lord dahil pinadala niya yung Guardia...