Chapter 1: our happy beginning

922 14 9
                                    

Chapter 1: our happy beginning

Lavender's POV

"Tch."

Tingin sa menu...

"TCH."

"Maam, may I take your order?"

"Tubig na lang nga. Tsaka isang slice ng carrot cake."

Biniyaran ko yung order ko at naupo na sa unang bakanteng upuang nakita ko. Inis naman kasi. Kesyo bawal na daw ako magkape ayon sa mister ko. Kung di ko lang mahal yun, NAKU! Asa siyang susundin ko siya!

"Tch."

Pff. Akalain mong di lang pala ako ang may problema sa mundo. Isang babaeng may mahabang buhok ang nakatingin sa menu ng cafe. Parang ako kanina, balisa siya at mukhang walang makitang pwede niyang orderin. Natawa ako lalo ng nakita kong tubig lang din inorder niya at...

O__________O

"Sandy?"

Humarap sa'kin yung babae "Lav?"

Tumayo ako at niyakap si Sandy. "Bruha ka. Na-miss kita!"

"Na-miss din kita nu! Kamusta ka na?"

"Eto. Maganda pa rin. Hahaha. Tara. Shara tayo sa table."

Isang taon na ang lumipas. Masasabi kong ang laki ng pinagbago namin ni Sandy. Mahirap i-describe at malamang na hindi niyo rin makikita pero mararamdaman mo naman. Yung makasama ang mga lalaking mahal na mahal namin at mahal na mahal kami eh malaki ang binago sa buhay namin.

Lumipas ang isang oras, wala na kaming ibang na-topic kundi kung gano katulin dumaan ang isang taon at kung gano kami kasaya makasama ang mga lalaking pinakamamahal namin. Isang taon at agad-agad...

"Sandy, may sasbaihin ako sa'yo..." / "Lav, may sasabihin ako sa'yo..."

"Una ka na." - Sofia/Alex

"Sabay." - Sofia

"Okay." - Alex

"One. Two. Three. Buntis ako." - Sofia/Alex

--

7 months later

******* hospital. Room 400.

"Puteeeeeeeeeeeeek!!!! Cyruuuuuuuuuuusss!!!!"

Anak ng nanay niya tong bata na to. Kelan ba niya balak lumabas?! Kanina pa ko ire ng ire dito, wala pa din!

"Kaya mo yan Sofia. Sige lang."

"Ayoko naaaa!!! Aaaarrrrrggggh!!!!!"

"Sige misis. Konti pa." - doktor

"Misis mo mukha mo! Mister kita?! Cyruuuuuus!!!!!"

"Uha~ Uha~"

Sa wakas! Lumabas din si baby! Nakita kong nilinisan siya ng nurse. Hay. Sa wakas! Nakaka-proud din pala ano? Limang taon kaming nagkahiwalay, isang taong kasal, at ngayon, a family of our own. Ano pa nga bang mahihiling ko? I got everything I wanted. And MORE.

"Misis. Ang anak niyo po. A healthy and beautiful baby girl."

Kinarga ni Cyrus yung baby namin. Siya kasi yung misis sa'ming dalawa. Hahaha.

"O ano? Kamusta baby natin?"

"She's perfect."

"Let me see."

Tinabi ni Cyrus sa'kin yung baby and he's right. She's the most beautiful baby I have ever seen.

"Hi baby Peach."

Hey superstar!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon