To: Boyfie <3
Usap tayo? Five minutes lang.
*One message received*
From: Boyfie <3
Sure. Free ako ngayon. Dito ako sa music room.
Ah. In his language, puntahan mo na lang ako dito. Okay. Nasa second floor pa yun. Nasa cafeteria na kasi ako ng nag-text sa kanya. One… Two… Pampalipas oras at pantanggal ng kaba, binilang ko pa yung steps ng hagdan. Malimutan lang yung bigat ng pakiramdam na sobrang kinikimkim ko.
15 steps. 15 steps closer to reality. Hay naku naman. Wag ko na kaya ituloy to? Natatakot ako eh.
“Hey babe.” Bati agad sa’kin ni Tristan pagkabukas ko ng pintuan sa music room. Mag-isa siya pero may mga kung ano-anong equipment sa paligid.
“Nakaistorbo ba ko?”
“Hindi naman. Tapos na kami mag-practice eh. Alam mo na. Para sa concert?”
“Oh…yeah…That.”
“Something wrong babe?”
Hinawakan niya yung kamay ko at pakiramdam ko talaga hihinto ng wala sa oras yung pintig ng puso ko. Anong gusto niyang sabihin ko? Yung kasinungalingan uli o yung katotohanang matagal ko ng tinatago?
“Tristan, I…”
♪ now playing: Love day – Yeosob and Eunji
CALLING: 09*********
“Teka lang babe. May tumatawag eh. Kausapin ko muna to.”
I smiled a bitter smile at him. Wow. Na-sideline na naman ako. I know relationships aren’t all rainbows and butterflies pero kung ganun at ganun lang din for almost two years… Damn. Relationships should’ve been spelled REALationship!
Lumapit ako sa kanya. Phone in ear. Psh. Kumulo na dugo ko. I grabbed his phone at hinagis ng ubod lakas. Nabasag nga yung screen. Ganun kalakas yung pagkakahagis ko.
“What the… Da hell is your problem?! Kausap ko yung venue manager! Sht. Now I have to apologize.” Sabi niya. He started his way out of the room.
“Apologize? Wow naman. Buti pa siya nu…”
He stopped suddenly. “Anong ibig mong sabihin?”
“Wala. Go. Apologize to your ‘venue manager’.”
“Ewan. Mamaya na lang tayo mag-usap. Hintayin mo ko.” Binuksan na niya yung pintuan.
“No.” Napahinto ko na naman siya. “I’m done waiting.” Lumabas ako sa pintuan na binuksan niya pa mismo. “Have a good life. I’m done trying to be in it.” Magwa-walk out na sana ako kaso bigla niya kong hinigit pabalik sa music room.
“Ano? Nabingi yata ako. What do you mean by that?”
“Don’t you get it? We’re DONE. It’s OVER. We’re THROUGH.”
“Are you breaking up with me?!”
I looked him straight in the eyes. “Yeah. Guess I am.”
“Wha…Why?”
Why daw. Hahaha. Comedian pala to nu?
“Mas mabuti pang di ko na sagutin yun. Ang labas eh nasumbatan pa kita. Pangit sa image nun. Tsk. Goodbye Tris…No. Sky.”
I turned my back on him but he pulled me back again. Closer to him. And kissed me fiercely. Tinulak ko siya. Antipatikong lalaki!
*PAK!*
“Ayoko na! Tigil-tigilan mo na ko pwede ba?! If you treated me right, tingin mo aabot tayo sa ganito?! Kung hindi ka napapagod maglaro, pwes ako, OO!” nagsimula ng magkarerahan yung mga luha ko. Damn. “I wish being with you didn’t mean being alone and fighting to keep this love alive.”
“Zuelaica, ano ba?! Why are you being like this?! Bumalik ka nga sa dati! Nakakapanibago ka eh. Ano bang pinagsasasabi mo? Alone and fighting for our love? Are you out of your mind?!” hinawakan niya ko sa balikat ko. Umiiyak pa din ako. Kung pwede nga lang utusan na huminto tong mga to, nagawa ko na. “I fought for you too! I kept you out of this harsh world. This…showbusiness. Kasi gusto kong magtagal tayo. Relationships lasts longer when no one knows your business. I kept you out of everyone’s sight to protect you. Doesn’t that count for something?”
“I want to be proudly inlove too!” I screamed at the top of my lungs. “Alam mo yun… Gusto ko ng lalaking hahawakan yung kamay ko kapag nasa mall kami… Yung kakantahan ako bigla… Yung kikilitiin ako mapatawa lang ako… He would be my bestfriend and proudly show me off to the world.” Pinilit kong ngumiti. Grabe ang plastic ko. Nakakainis. :| “Pero di mo naman magagawa yun. Ikaw yan eh. Si Sky. Artista. Sikat. Eh ako? Ako lang to.”
“Zuelaica…”
“Hindi kita sinisisi.” Patuloy ko ng speech ko. Sheesh. Dehydrated na ko kakaiyak. Pakiramdam ko half of my heart is breaking. :| “Ginusto ko to. Ginusto kita. Damn. Minahal pa nga kita! Pero pagod na ko Tristan. Pahinga muna ako ha?”
“G-Gaano katagal? Gaano ka katagal magpapahinga?”
I sense him choking back his tears. Sobrang pinipigilan ko yung sarili kong yakapin siya kasi alam ko…isang yakap lang, babalik ako. Pero alam niyo yun. Gusto ko rin namang mapagyabang sa mundo na I’m inlove. I don’t care kung sikat siya o hindi. Gusto ko lang talagang maipagmalaki na siya yung pinili ng puso ko kaso…angas ko naman pag nagawa ko yun! Magkaiba talaga kami ng level ni Tristan.
“Forever I guess.”
“Forever’s a long time…”
“I know.”
Sa huling beses, I turned my back. I walked out of the room. I walked out of his life.
--
“Mei-mei, tayo na diyan! Anong oras na! Wala ka bang klase ngayon?!”
Tumingin ako sa orasan. Sheesh. 7 pa lang naman ng umaga. Kung makabulyaw tong taong to… Masyado din eh. Nagtakip ako ng unan sa ulo ko. Ayoko muna bumangon.
*tok tok tok*
“Mei-mei! Gising na hui!!!!!!!”
“Leave me alone!!!!!!!!!” nagtalukbong na din ako ng kumot. Ang ingay niya naman kasi eh.
“Papasok ako kapag hindi mo to binuksan!”
“Like hell I care!” tumayo ako at kinalampag yung pintuan “I’m having the worst time of my life. So please…” tears started streaming down my face. Damn. Bakit ba ang sakit? “…just…leave me alone.”
“Umiiyak ka nu? Tss. Nakakainis lang ah. Ako inalagaan kita tapos napunta ka lang sa wannabe na Tristan na yun, nag-iiiyak ka na. Ano? Gulpihin ko na?!”
“OA mo Lance. I’ll be fine. Kahit gulpihin mo siya, it won’t change a thing…” bumalik na ko sa kama ko at niyakap ang teddy bear na iniregalo niya sa’kin when our relationship turned six months. “It really won’t change a thing.”
BINABASA MO ANG
Hey superstar!
HumorLOVE or STARDOM? / \ / \ would you give up EVERYTHING to get SOMEONE?