Chapter 6: ako lang ba?

138 8 4
                                    

a/n: sa wakaaaaas! may UD na ako. hahaha. may bumabasa pa ba nito? o dito? ewan. magparamdam naman kayo dear readers. T^T

--

Zuelaica’s POV

12NN

Magkikita kami ngayon ni Tristan. Sabay kaming maglu-lunch eh. Buti din yun. After kasi niyang manggaling sa Korea, eto ang first official date namin sa Pilipinas. Mataas ang expectations ko. Kasi syempre. Pilipinas to. Hindi Korea. Magkaiba naman siguro yung kasikatan level niya doon tsaka dito nu. Kung dun, baka 110%. Dito 99.9%. Hahaha.

Hinintay ko siya sa may harapan ng National Bookstore sa loob ng SM Fairview syempre. Magkaiba kasi kami ng schedule.

12:05 PM

Nasaan na kaya yun? Nilalamig na tuhod ko eh! Naka-sailor uniform nga kasi ako di ba? Maiksi yung palda. As in. Kaso mahaba din yung medyas ko. Hahahaha. Nilibot-libot ko yung mata ko. Baka sakaling nandyan na si Tristan kaso di ko lang namalayan. Kaso imbis na makita ko si Tristan, si Peach ang nakita ko! May kasamang lalaki!

Agad akong tumayo at nag-ala ninja sa pagsunod sa kanila. Nakikita ko na tong lalaking to sa Kirin eh… Lorenz? Lorenz Wyne Torres! Siya yung magaling na dancer dun! Bakit sila magkasama ni Peach?

Tuloy ako sa pagsunod sa kanila. Sa pagpasok nila sa Comic Alley, sa Clippers…Teka. Are these two…dating?!

“Hui. Anong ginagawa mo diyan?”

“Ay tok—Bii? Wag ka diyan. Tago!” hinatak ko siya at pinwesto sa likod ko. Nasa may parang poste kasi ako. At kahit naka-salamin yan si Peach, hindi niya kami makikita. Expert na kaya ko magtago!

“Bakit tayo magtatago?”

“Si Peach kasi…ayun oh.” Tinuro ko sila ni Lorenz. Namimili sila ng stuffed toy ba yun? Ah ewan. Ang weird kasi ng itsura ng stuffed toy kaya di ko matukoy.

“May kasamang lalake? Ano niya yun?”

“Ewan ko. Yun nga gusto ko malaman eh.”

“Psh. Ang tsismosa mo. Tara na nga.” Hinatak na niya ko palabas ng Clippers. Ang killjoy. Amp. “Lunch na tayo. Saan mo gusto?”

“Parang feel ko mag-Chine—”

“SKY!!!!!!!!”

Mabilis pa sa alas kwatrong may mga nagsipagdikitan kay Tristan na grupo ng mga babae. Mula sa pwesto ko sa tabi niya, sa kakatulak, kakasiko, at kakabanggaan nila, napunta ako sa likod.

“Pa-picture naman.”

“Pwedeng pahingi ng autograph?”

Ilang beses kong narinig yan. Marami na ring naki-usyoso kasi nga sikat pala talaga tong boyfriend ko. Inunderestimate ko masyado. Medyo lumayo lang ako sa kanila ng kaunti. Nakakainis ng kaunti kasi date namin to eh kaso alam ko namang ganito ang kahahantungan nitong relasyon namin. Mag-boyfriend ka ba naman ng sikat, malamang talaga!

--

“Eonnie? Eonnie…” [ older sister ]

“Kilala mo yan?”

“Ne. [ Yes. ] She’s dating my oppa.”

“Oppa? May kuya ka ba?”

“Wala. Only child ako. Kababata ko yung dine-date ni Zuelaica eonnie.”

“Ahh… Rival ba yun?”

“Rival?”

“Ko.”

“Babo! [ Stupid ] Rival ka diyan…”

“Ingay naman!” binukas ko yung mata ko at nakita ko na nakatayo na sa harapan ko si Peach at Lorenz. Nilibot ko yung mata ko at nakitang nakaupo na pala ako sa sahig! Tumayo na ako syempre. “Si Tristan?”

“Tristan?” tanong naman agad ni Lorenz

“Eonnie’s boyfriend. Mianae [ Sorry ] eonnie. Di naman namin nakita si oppa. Magkasama ba kayo?”

“Kanina. Nauna na yata sa’kin. Hayaan mo na nga. Balik na tayo sa Kirin.”

Nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng mall. Nasa unahan yung dalawa. In all fairness, ang cute nila tingnan. Mahirap i-describe… Basta. Sense mo yung innocence nilang dalawa sa nararamdaman nila. O baka ako lang. Hahaha. Hindi ako magaling sa kutob-kutob na yan eh.

“Nabusog ako dun sa tonkatsu! Kain uli tayo dun sa Tokyo Tokyo minsan ha?”

“Sige ba. Girlfriend naman kita eh. Ililibre kita dun kahit paulit-ulit.”

“Girlfriend ka diyan!”

Pinagpapapalo ni Peach si Lorenz. Ang cute talaga nilang dalawa eh. Sana ganyan din kami ni Tristan kaso hindi eh. Nung nasa Korea kami, tago kaming nagde-date. Proteksyon ko daw yun laban sa mga fans niya. Ngayon namang nasa Pinas kami, di ko pa rin mapagmalaki yun. Lagi siyang wala eh.

“Totoo namang girlfriend kita ah.”

“Wag ka ngang mag-joke. It’s not funny.”

“Totoo yun. Girlfriend kita. Girlfriend kita. Girlfriend…”

“Ya! Jugulae?! [ Hey! Wanna die?! ]”

Ang plastik ko kapag sinabi kong kahit minsan hindi ko hiniling na sa akin lang nakatuon yung buong atensyon ni Tristan pero anong irereklamo ko? Boyfriend-boyfriend ako ng artista eh. Hindi ko naman pinagsisisihan yun. Mahal na mahal ko kaya yun!

“Ano? Mag-tagalog ka naman. Daya mo eh.”

“Hahaha. Mag-aral ka mag-Korean diyan.”

“Ah. May isa pala akong alam na line. Korean yun.”

“Aber, ano?”

“Nomu nomu nomu joa~” [ I really, really, really like you~ ]

“You watched ‘My girlfriend is a nine-tailed fox’. Cheating.”

“Di ah. Sa Gumiho ko nakuha yun!”

“Ganun din yun! See. Cheating nga.”

Kaso sana naman hayaan niya kong tumabi sa kanya. Hayaan niyang tingnan ko siya sa malapitan. Hayaan niya kong mahalin siya. Hayaan niyang isigaw ko sa mundo yung pagmamahal ko sa kanya.

Mula Korea. Hanggang Pilipinas. Tristan… Ako lang ba nakakaramdam ng ganito?

Hey superstar!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon